Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Itinanggi ni Sen. Jingo Estrada at Joel Villanueva na kumikbak umano sila dyan sa Flood Control Project sa Bulacan.
00:09Kasunod po yan ng revelasyon ni dating Bulacan 1st District Assistant Engineer Bryce Hernandez sa pagdinig ng House Infra Committee kahapon.
00:18Balitang hatid ni Tina Panganiban Perez.
00:24Mamibigat ang aligasyon ni Engineer Bryce Hernandez sa pagdinig ng House Infrastructure Committee.
00:29Tama po si Sen. Laxon na ang mga engineers ng DPWH ay tila naging legman o bagman na lang.
00:37Kung tatanungin niyo po ako kung sino o kanino kami naging bagman, sasagutin ko na po ngayon.
00:44Sabi ni Sen. Marco Leta kahapon, ligtas ka na. Hindi po ito totoo.
00:53Si Sen. Jingo Ejercito Estrada, Sen. Joel Villanueva, Yusek Robert Bernardo at D. Alcantara.
01:04Dalawang senador at isang dating undersekretary ng DPWH ang kanyang tinuro na kumikikbak umano sa Flood Control Project sa Bulacan.
01:13Si Sen. Jingo Epo ay nagbaba ng P355M ngayong 2025 sa mga ilang projects sa Bulacan.
01:24At ang sabi po ng boss ko dito ay 30% ang commitment dito.
01:29P600M last 2023 from Sen. Joel Villanueva.
01:34At ang SOP nito ay 30% din.
01:36Ang 30% commitment o SOP na sinasabi ni Engineer Hernandez ay yung napunta sa mga senador.
01:43Kung susumahin, P106.5M ang 30% ng P355M.
01:52P180M naman ang 30% ng P600M.
01:56Naideliver daw ang SOP na ito kay dating District Engineer Henry Alcantara.
02:01Basis sa sinabi umano niya kay Hernandez.
02:03Si D. Alcantara namin ang masasabing chief implementor.
02:08Siya po ang kumakausap sa lahat ng politiko na involved dito.
02:13At least 3% po siya sa lahat ng projects na dumadaan sa opisina namin.
02:18At pinapasabi pa nga sa amin sa mga kontraktor na kung gusto niyong magkaroon ng maraming projects sa susunod,
02:24ay magbigay kayo ng additional na 2% sa kanya.
02:28Parang finders fidaw.
02:29Ayon kay Hernandez, si Alcantara umano ang nagde-deliver ng pera sa mga politiko
02:34at kay dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na nagbitiuna kamakailan.
02:41Ang para kay Villanueva, hinatid parao mismo sa bahay ng senador.
02:45D-deliver sa bahay niya sa Bukawi ni D. Alcantara at dating hepe ng aming construction, si Engineer JP Mendoza.
02:55Minsan, sabi ni Hernandez, sa opisina niya sa DPWH Bulacan, pinadadala ni Alcantara ang pera, tulad ng dinala ni Sally Santos ng Sims Construction.
03:06Sa office ko po, dinadala ni Sally Santos lahat ng pera na nakakahon.
03:11Can you tell us, before this committee, kung gaano nakalaki ang dinalang pera ni Sally Santos sa office mo?
03:18Ang mula po nung 2022, billion na po. Lahat po nang dini-deliver ni Sally Santos na pera na nakakahon, wala po akong ginagalaw doon.
03:30Yun po ay pinakukuha rin ng boss ko sa opisina ko.
03:34Kaya lang po doon pinapalagay kasi wala pong taong umaakit doon sa opisina ko.
03:39Wala po akong katabing opisina doon.
03:41Napaka-santo mo naman, yung billion na hindi nababawasan at wala ka man lang party doon.
03:48Bula 2022, teka muna, 2022 hanggang anong taon, yung billion na yun?
03:542025 po.
03:562022 to 2025.
03:59Okay.
04:00Sabihin na natin,
04:02Pag-deliver sa opisina mo, para kanino yun?
04:06Para kay District Engineer Henry Alcantara.
04:09Itinanggi ni Alcantara ang lahat ng sinabi ni Hernandez.
04:13Wala raw siyang tinatanggap na pera at di rin siya kumausap ng mga politiko at nagde-deliver ng porsyento.
04:20Yung sinasabi niya po na dinala niya sa akin ng pera, eh hindi po totoo at wala po akong tinatanggap tungkol po sa nanggagaling na transaksyon nila kay Sally Santos.
04:33Sa Senado, binanggit po ni Sally na sila po ang nangungontrata.
04:39Paano niya po ibibigay sa akin?
04:41Eh kung iyong po ay kontrata nila.
04:43Handyan po ang mga jepe namin na kasama namin dati.
04:47Handyan po ang project engineer na magte-testify po.
04:52Sila po ay mga biktima po ng pumumwersa at pamimilit ni Inger Vice at Inger J.P. de Guzman.
05:00Ah, Mendoza.
05:01Hindi po totoo yan na ako yung nagde-deliver sa mga politiko.
05:06Si Sen. Joel, 2023, wala pong project na flood control si Sen. Joel ever since.
05:13At sino po ang makakaalam o sino po ang naglalagay dyan?
05:16We are not part of the BICAM.
05:19Itinanggi rin niyang magkakilala sila ni Sen. Estrada.
05:22Sa isang punto, isang litrato ang pinakita ni Hernandez kung saan magkasama sina Alcantara at Estrada.
05:30Kung hindi po sila magkakilala, there was a time nag-birthday po si Sen. Jingoy sa Soler.
05:35Umaten po siya.
05:37Sabi ni Alcantara na imbitahan lang daw siya ng ibang kaibigan.
05:42Nagpakita rin si Hernandez ng isa pang litrato kung saan magkasama sina Sen. Estrada at Alcantara.
05:48I'm just trying to show that Mr. Alcantara, Engineer Henry Alcantara and Sen. Jingoy Estrada have met a couple of times already.
06:00And they appear, what do they appear? Do they appear close?
06:03And they appear super close, Your Honor.
06:05Pag-ami ni Alcantara, noong Mayor si Erop Estrada sa Maynila, nasa DPWH Manila si Alcantara, kasama si dating Undersecretary Bernardo.
06:16Magkasama ko sa Maynila, magkasama ko sa DPWH.
06:20Tapos tinatanggi mo ngayon na wala kayong connection kay Jingoy Estrada, Senador Jingoy Estrada.
06:26Paano na nangyari? Tingin niyo maniniwala yung mga taong bayan?
06:29Wala po kong personal na collection po kay Senador Jingoy, Your Honor.
06:33Nagpakita rin si Hernandez na mga litrato ng bulto-bultong pera na dineliver daw kay Alcantara.
06:40Nakaparte-parte na raw ang pera, depende sa pagbibigyan sa utos ni Alcantara.
06:45Pero di sinabi kong para kanino.
06:47Yung pera po na yun, yung nasa bahay na po yun, I think po, iyan po ay pera ng contractor po na nakolekta, nagamit ang ibang lisensya.
06:57Ipinakita rin ang screenshot na mga disappearing messages o mano sa isang messaging app sa pagitan daw ni na Sen. Villanueva at Alcantara.
07:06Kinunan daw ito ng picture ni Engineer JP Mendoza na nagsabing ito raw ay tungkol sa requests para sa multi-purpose buildings.
07:14Noong October 2023, na kung saan, nagre-request po si Sen. Joel ng yung mga binasa po ni Engineer Bryce ng flood control.
07:27Sinasabi ni Sen. Joel na bababa lang yung kanyang pondo, so balit siya ang majority floor leader siya noong that time and member siya ng Commission on Appointment.
07:42Yung una po, yung kay Sen. Joel, ang tanda ko po diyan, nagre-request po siya ng mga multi-purpose buildings kay Sekretary at that time.
07:51Tapos po, nung nando po kami sa healing sa Senate, kinausap ko po siya, sabi niya, nagre-request ako kay Sekretary, papalo up po na lang.
08:02Ilan po yan, wala naman po nakalagay diyan na ako yung may transaction ng financial sa kanya.
08:06Marihing itinanggini na Sen. Estrada at Sen. Villanueva ang mga allegasyon laban sa kanila.
08:12Naggalit talaga ako, talaga napamura ako na napakasinungaling nitong tawang ito.
08:17If Mr. Hernandez truly stands by his allegations, I challenge him right now to take a lie detector test with me.
08:27Let us settle this once and for all and show the public who is telling the truth.
08:32Uulitin ko at parang sirang plaka na po ako, Mr. President. Wala po ako kailanman naging flood control project.
08:40Pinalaki po ako ng magulang ko na naniniwala ako sa langit at impyerno.
08:45Gihit ni Estrada, hindi niya kakilala si Hernandez.
08:49Just common sense. Will you think I will be actively participating in this investigation na nandun siya, nakilala ko siya, nagbibigay siya ng pera sa akin?
08:59Siguro he wants to get even with me because I was the one who cited him in contempt at pinakulong siya, Senado.
09:09Hindi rin daw niya kakilala si Alcantara.
09:12Kaugnay ng picture nila na pinakita sa pagdinig.
09:15I do not know. I cannot recall that event. Pero sa dami naman nagpapapicture sa akin, hindi ko naman pwede tank yan.
09:23E kung drug lord yan o gambling lord, malay ko naman kung drug lord yan o gambling lord, hindi ko naman matatanggay kung sino nagpapapicture sa akin.
09:30Remember, we are all public figures here.
09:32Balak din daw niyang magsampa ng reklamo laban kay Hernandez.
09:36Si Villanueva, iginiit na wala siyang tinatago at hindi rin daw niya pagtataksilan ang kanya mga prinsipyo.
09:43Hindi lang po kategorically denying yung binabatong putik sa atin at para dumihan ang ating pangalan.
09:52May resibo po tayo. Madaling verifikahin.
09:56Tayo po ay more than willing mag-undergo at sumali sa anumang investigasyon sapagkat wala po tayong tinatago.
10:04Ayaw ng patulan ng Senador ang mga sinabi ni Hernandez na umano'y gumagalaw sa kumpas na hindi niya tinukoy ang pangalan.
10:12Humiling si Hernandez ng poteksyon sa Kamara para doon madetine imbes na sa Senado kung saan nakontempt siya.
10:20Pero ayon kay Senate President Tito Soto, napagkasunduan nila na sa custodial center sa Camp Cramey,
10:26dedetine si Hernandez at ang Senate security ang magbabantay.
10:31Sinisika pa ng GMA Integrated News na makuha ang panig ni Undersecretary Bernardo.
10:36Hiniling na ni DPWH Secretary Vince Disson sa DOJ na mag-issue ng Immigration Lookout Bulletin Order laban sa dating Undersecretary.
10:46Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended