00:00Isang pampasaherong jeep sa Pasig City na sobrang sakay na pasahero tinikita ng DOTR SAIC.
00:07Si Bernard Ferreros sa Detalye Live. Bernard.
00:12Dayan, sa kabila ng buhos ng ulan, tuloy ang Random Road Worthiness Inspection ng DOTR SAIC dito sa Rosario, Pasig
00:21para na rin sa kaligtasan at kapakanan ng mga commuter.
00:24Hindi natinag ang mga tauhan ng Department of Transportation, Special Action and Intelligence Committee for Transportation o DOTR SAIC
00:38sa kanilang misyon na magpatupad ng kaayusan sa kalsada.
00:42Ngayong miyerkules, Rosario, Pasig ang kanilang binantayan para sa Random Road Worthiness Inspection.
00:48Layunin na operasyon ng mga tiyak na sumusunod sa Batas Trapiko ang mga driver ng mga pampublikong sasakyan.
00:54Kaya naman nung nabigyan ng violation ticket ang isang jeep na may labis sa sakay na pasahero na umabot sa 26 sa halip na 23 lamang alinsunod sa kapasidad nito.
01:07Naglagay pa ng upuan sa gitna ang driver bagay na mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng anti-sardinas policy
01:13na naglalayong iwasan ng overloading at masigurong komportable ang mga pasahero.
01:17Binantayan din ng DOTR SAIC ang mga ulat tungkol sa mga kolorom na UV Express at mga private vehicle na iligal na nangongontrata ng mga pasahero.
01:28Mahigpit nilang pinapalalahanan ng mga driver na siguraduhin ligtas at maayos ang kondisyon ng mga sakyan bago bumiyahe sa kalsada.
01:36Dahil patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan sa mga oras na ito.
01:42Nagdulot na rin ng pagbagal sa daloy ng trapiko dito sa ario-sario Pasig.
01:47Partikular yung mga papunta ng Ortigas.
01:49Yung kabilang lane naman ay papunta naman ng Antipolo.
01:54May pagbagal din yung mga sakyan.
01:56Paalala na sa ating mga motorista ngayong Merkulis.
01:59Bawal po ang mga plakang nagtatapos sa numerong 5 at 6.
02:03Mula alas 7 ng umaga hanggang alas 10 ng umaga at alas 5 ng hapon hanggang alas 8 ng gabi.
02:09Ingat po sa mga lalabas ng kanilang mga tahanan.
02:12Dian.
02:14Maraming salamat Bernard Ferrer.