Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Dito sa kaso na ito, ang sinungaling ay asawa ng magnanakaw. Kaya ito po talaga yung nakikita natin.
00:42Maanghanga mga salita ni Pasig City Mayor Vico Soto laban sa mag-asawang Diskaya sa pagdinig ng House Infrastructure Committee.
00:50Nakalaban ni Soto si Sara Diskaya sa pagkaalkalde nitong nakaraang eleksyon at sa Pasig nakabase ang siyang na construction business ng kanilang pamilya.
01:00Punto ni Soto, maging maingat sa mga maririnig mula sa mga Diskaya.
01:04Sa statement, sa sworn statement po nila, na 2 to 3 percent lang daw ang kinikita nila sa bawat kontrata. Obvious na obvious naman po, nakasinungalingan ito.
01:16Binanggit din ni Soto na sa pamamagitan ng isang common friend ay nagtangka umano si Curly Diskaya na mag-schedule ng pakikipag-usap sa kanya.
01:25Hindi ko alam exactly kasi hindi naman natuloy yung meeting pero may nabanggit doon na state witness.
01:32They have hundreds if not thousands of government contracts.
01:37Pero ang pinangalanan lang nila nasa 26 people.
01:43So paano nila kung totoo yung sinasabi nila?
01:46Ano nangyari doon sa hundreds or thousands of other projects?
01:49Inusisa ng mga kongresista si Diskaya kung may papangalanan pa siyang mga nakatransaksyon niya.
01:56Your Honor, kung okay lang po ba na sa executive session ko na lang po sasabihin para sa kaligtasan din po ng pamilya po.
02:04Do I take it na gusto mo pa rin magbanggit ng mga pangalan?
02:12Hindi po, Your Honor.
02:14Wala na kayong idadagdag o babaguhin dito?
02:17Kasi hindi ko po maintindihan yan.
02:20Wala na po.
02:21Nakakapagtaka na malaki kayong kontratista sa panahon ng gobyerno ni President Noyne Aquino,
02:29isa sa pinakamalaking kontratista sa panahon ni Pangulong Duterte,
02:35isa sa mga pinakamalaking kontratista, actually pinakamalaking flood control.
02:40Pag pinagsama-sama po lahat ng kumpanya ninyo, sa ilalim po ng gobyernong ito,
02:45pero walang kahit isang senador.
02:46Sa inyo pong sinumpaang salaysay, yun po yung una.
02:51Pangalawa, sabi po ninyo, walang ledger kayong hawak sa listahan bago 2022.
03:03Wala hong naniniwala siya.
03:04Meron pa bang dagdag na kongresista na kasama sa payoffs?
03:09Meron pa bang mga senador?
03:10By Your Honor, wala na po.
03:11Ang agad niyang nilinaw ay ang pahayag sa Senado kung saan nabanggit si na dating House Appropriations Committee Chairman Congressman Zaldico
03:19at House Speaker Martin Romualdez.
03:22Hindi po ako nagkaroon ng anumang klaseng transaksyon sa kanila.
03:25Kaya nabanggit po ang mga pangalan na yun dahil yun po ang madalas na sinasabi ng mga kausap ko po ng politiko.
03:30Na pinabanggit nila na kailangan ibigay mo na kaagad yung obligasyon kasi pinakukuha na ni Saldico at saka ni Speaker.
03:38Ipinakita naman ni Deputy Speaker Janet Garin na nagumpisang tumaas sa bilyong piso ang kinita ng mga diskaya mula 2017 hanggang 2022.
03:47In fact, in 2022, which is supposed to be the first pandemic recovery year, Mr. Chair,
03:56ito dapat yung tinulungan nating makaahon, makabangon ang maliliit na mga negosyante.
04:03Kaakibat yung ating mga MSMEs, umakyat ang gross, ang revenue from construction, from government ng Diskaya Group to 20.524 billion.
04:15Pinansin din ni Batanga 2nd District Rep. Jervie Luistro na lumobo ang kita ni Diskaya noong nakaraang administrasyon.
04:23Pero base sa affidavit na Diskaya, mga kasalukuyang politiko at opisyal ng DPWH lang ang pinangalanan niyang sangkot umano sa katiwalian.
04:32Are you saying na yung pagbibigay mo ng pera sa DPWH at sa mga lawmakers happened only during the current administration
04:42and did not happen during the previous administration?
04:47Wala pong ganun pong nangihingi sa amin, di pa po.
04:51Wala po, pero nilalabanan po namin sa tunay na bidding po, nagpapadyaryo po kami.
04:56Sabi ni Diskaya, napilitan lang siyang masangkot sa anomalya para may pagpatuloy ang kanilang hanap buhay.
05:02Pinapaterminate daw kasi ang kanilang mga kontrata kapag hindi sila nagbigay.
05:06Nagreklamo raw siya noon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan pero tila hindi raw ito pinansin.
05:12Awarded na ang project, napilitan kang magbigay, pero dahil kung hindi ka magbibigay, ikakancel ang project.
05:22Yes, Your Honor, or right of way problem, o di kaya mutual termination po ang mangyayari.
05:27Ilang beses na po ako nagpadyaryo at nagsusumbong pa po kay Sekretary Bonoan,
05:31pero mapapasin niyo po sa open letter ko doon na parang hindi po pinapansin ni Sekretary Bonoan yung dyaryo ko kasi tabloid lang ang dating.
05:40Kalaunan, sinabi ni Diskaya na may mga nagtangkaring hingian sila ng pera noong nakaraang administrasyon,
05:46pero hindi raw sila bumigay noon kaya hindi niya ito inilagay sa kaniya affidavit.
05:51Sa patuloy na pag-udyok ni Luis Tro na magbigay siya ng pangalan, may binanggit na pangalan si Diskaya.
05:57Director Samson Hebra po.
05:59Pumihingi ng pera sa inyo?
06:01May inuutusan lang po siya na kailangan ay magbigay po at may pinakukuha, pero hindi po kami pumayag.
06:10Magkano'y hinihingi?
06:12Ano po, parang nasa ano po yata yun, parang 10%.
06:18Para kanino?
06:18Wala pong binanggit sa akin ng mga politiko, basta taas lang.
06:21Inamin din niya na sa labing walong politikong naon na niya na ang pinangalanan,
06:25labing pito lang ang personal niyang nakaharap.
06:28Ibig mo sabihin, lahat inabutan mo ng direkta, pera lang si Kong Roman Romulo?
06:34Hindi po yung honor. Yung iba po dyan, nag-usap lang kami.
06:37Tapos yung sumunod, mga tao na lang po nila ang pinagbigyan namin.
06:42Hindi pinayagan ng komite na direktang tanungin ni Rep. Maria Victoria Coppilar si Diskaya.
06:48Isa si Coppilar sa mga pinangalanan ni Diskaya sa kanilang affidavit sa Senado.
06:53Bago pa man masaway ng chairman ng komite, sinami ni Diskaya na ngayon lang sila nagharap ni Coppilar.
06:59Dahil biti na sa oras, nag-adjourn muna ang pagdinig ng komite.
07:03Wala po silang anunsyo kung kailan ang susunod na pagdinig.
07:06Ito ang unang balita. Mariz Umali para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended