00:00Bago sa saksi, sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Culiat, sa Quezon City ngayong gabi.
00:11At pagpabalik, ang saksi si EJ Gomez live.
00:16EJ?
00:19Pia, patuloy na inaapula ng mga bombero ang sunog na umabot sa ikalamang alarma sa isang residential area
00:27dito sa Barangay Culiat, sa Quezon City, kanina ang mag-aalas 7.30 ng gabi.
00:32Kanya-kanyang paglikas at paghakot ng mga gamit na maisasalba ang mga apektadong residente.
00:41Naglalagablab na apoy ang gumulat sa mga residente ng Barangay Culiat, sa Quezon City, kaninang pasado alas 7 ng gabi.
00:49Mabilis na natupok ang mga bahay na karamihan ay dikit-dikit at gawa sa light materials.
00:54May mga transformer at posteri ng kuryente ang damay at kitang umuusok.
01:00Ayon sa barangay, abot sa 200 bahay ang natupok ng apoy na umabot sa ikalimang alarma.
01:06Tinatayang 200 pamilya o isang libong individual ang apektado.
01:10Naging pahirapan ang paglikas para sa ilan dahil sa mga masisikip na eskinita palabas ng kalsada.
01:16Nagbaya nihan naman ang mga residente para tulungan ang mga bombero sa pag-apula ng apoy.
01:21Hindi pa tukoy kung ano ang sanhinang sunog. Inaalam pa ang kabuang pinsalang dulot nito.
01:30Pagkatapos lang po namin kasi kumain, lumabas po ako ng pintuan.
01:34Biglang pagtingala ako sa bubunga namin, sa kapitbahay namin, may sumigaw na may sunog na.
01:39Eh siyempre, priority ko po siyempre yung mga anak ko.
01:43Pinatakbo ko na sila. Hindi ko talaga tinaya kasi biglang gumulwak yung apoy.
01:50Kaya wala akong naisalba na kami kahit isa.
01:53Hindi bababa sa 200. Sobrang nakakahindik kasi fifth alarm.
02:00So, ang daming mga na talagang kagayan niyan o taga City Hall umiiyak.
02:07Wala talaga siyang na-save kasi pauwi pa yung ano eh, yung mga nanay, mga tatay.
02:15Kanina may isa kong batang nahawakan.
02:18Hinahanap namin sa Facebook yung nanay niya kasi hindi niya makontakt.
02:23Naiwan niya yung cellphone.
02:24So, buti nakita nung isang ninang.
02:28Sabi sa asawa ko, ate Gemma, ate Gemma, lumabas na kayo, lumalaki na ang sunog.
02:32Kaya tinignan namin, aba, ito na nga, sobrang lakas na o.
02:35Eh kung anong dala namin, ito na o. Hindi na kami nakapaglabas ang gamit.
02:39Ang importante, iligtas o tayo.
02:46Pia, wala pa tayong hawak na specific info, no?
02:49Pero meron nang naitala yung BFP na anim na injured.
02:53At aalamin natin yan mamaya kung anong mga insidente o kaso o mismong specific na injuryan.
02:59Ayon naman sa barangay, ay sa dalawang multipurpose hall muna.
03:03Mananatili yung mga apektadong residente.
03:06Diyan muna sila magpapalipas ng gabi.
03:08Karamihan sa kanila ay nasa gilid ng nangkalsada.
03:10No, nag-aabang na maapula yung apoy na unang beses daw nilang maranasan sa kanilang lugar.
03:15Para sa GMA Integrated News,
03:18EJ Gomez,
03:19Ang inyong saksi.
03:20Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:24Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments