Skip to playerSkip to main content
  • 1 year ago
Healthcare system ng Odiongan, nananatiling problema ng LGU | ulat ni Bien Manalo

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bagamat sentro ng kalakalan at komersyo ang probinsya ng Rumblon,
00:05aminado ang lokal na pamahalaan ng Odyongan na malaking hamon pa rin
00:08ang pagpapalakas ng healthcare system sa munisipalidad.
00:12Kung bakit, alamin sa ulat ni Bien Manalo.
00:17Breathtaking na tanawin, IG-worthy sceneries at mayamang tradisyon at kultura.
00:24Talagang hindi magpapahuli dyan ang munisipalidad ng Odyongan sa Rumblon.
00:28Ang Odyongan ay isang first-class coastal municipality na matatagpuan sa Tablas Island.
00:34Sentro ito ng edukasyon, kalakalan at komersyo sa probinsya.
00:38Sa talaan ng Philippine Statistics Authority o PSA, halos 50,000 ang populasyon dito.
00:44Bumubuo ito ng halos 16% ng populasyon ng Rumblon
00:49at mahigit 1% sa kabuoang populasyon ng rehyon ng Mimaropa.
00:53May 25 barangay ang Odyongan na karamihan ay isla.
00:58Bagamat maunlad ng ekonomiya at sentro ng komersyalismo,
01:02aminado ang lokal na pamahalaan na hamon pa rin sa kanila
01:05ang pagpapalakas ng healthcare system sa munisipalidad.
01:09Katunayan, noong nakaraang taon lang din nasimulan ang konsulta program
01:14at iba pang benepisyon ng PhilHealth sa Odyongan.
01:17Noong nakaraang taon lang din na-accredit ng DOH ang kanilang Rural Health Unit.
01:21Wala pa po kaming PhilHealth consulta before that because papalit-palit po yung doctors
01:27and you need to have a doctor to be accredited.
01:31Ang goal po talaga namin, maging primary care facility na license po talaga.
01:37Isa rin sa hamon sa kanilang healthcare ang referral system.
01:41Sa ngayon kasi, nasa level 1 pa lang ang Romblon Provincial Hospital
01:45at kinakailangan pang tumawid ng dagat papunta sa mga ospital na level 2 at level 3 accredited.
01:51At mas lalong pasakita kung nasa severe cases o malalang kondisyon na ang pasyente.
01:57Dahil dito, pinaiigting nila ang preventive care at puro kalusugan.
02:02Nagsasagawa rin sila ng telekonsultasyon bukod sa personal na konsultasyon sa mga barangay.
02:08Sa ngayon ay may tatlong full-time doctors sa Odyongan.
02:11Umabot na sa mahigit 6,000 pasyente ang naservisyuhan ng RHU simula Enero.
02:17Karamihan sa mga pasyente ay dahil sa kagat ng hayopa, hypertension, diabetes at infectious diseases.
02:24Wala man po kaming konsulta at that time,
02:26nagkakandak pa rin po yung aming mga BHWs,
02:29ang aming mga nurses, midwives ng risk assessment.
02:32We also try to coordinate and improve our health services.
02:37So katulad po yung ating mga ultrasound, yung ating laboratory.
02:41So we're in the process of making sure that all our hospitals have the necessary equipment.
02:45Samantala, supportado naman ng pamahalaang panalawigan ng Romblon
02:49ang ginawang pag-aaral ng isang universidad at pharmaceutical company
02:53sa pagkakaroon ng malinaw na gabay, technical support at intergovernmental coordination
02:58mula sa mga ahensya ng gobyerno.
03:01Ito'y para matiyak na epektibong nagagamita ang pondong inilalaan sa mga serbisyong pangkalusugan
03:07na mapakikinabangan ng mga mamamayan.
03:09Kasi po, 2023 yung study.
03:12So maganda nga na later on, the study can show 2024-2025 and then onwards.
03:18Accredit lang ulit kami sa PhilHealth nitong latter part ng 2024.
03:23Meron po tayo yung sa primary care, meron po yung sa TBDOTS, yung sa tuberculosis,
03:28and then yung sa birthing facility, which we're very proud na finally, na-accredit na.
03:33Bagamat nasa ilalim ng provincial government ang mga ospital sa Romblon,
03:37gumagawa na ng hakbang ang pamunuan para maipatupadin ang zero balance billing
03:42na isa sa mga inisyatibo ng gobyerno sa pagkamit ng universal healthcare.
03:47BN Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended