00:00Kayang umabot ng hanggang tatlong beses ang cropping intensity sa inulunsad na Kalunasan Small Reservoir Irrigation Project
00:08sa Bohol na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong nakaraang linggo.
00:14Sa pamamagitan ng alternate wetting and drying technology, nakatitipid ng 30% ng tubig,
00:21kaya mas malawak na ektarya ng taniman ang kainan nitong suplayan ng patubig.
00:25Hindi lamang sa irigasyon, kundi maging sa aquaculture ng tilapia, ay nakatutulong din ang proyekto.
00:32Para tiyakin ang maayos na sistema ng irrigation project, katuwang ng National Irrigation Administration
00:38ang Irrigation Association sa operation at maintenance nito.
00:43Tiniyak din ni NIA Administrator Eduardo Guillen na weatherproof ang reservoir at irrigation system.
00:51Alam niyo po kasi ang kagandahan ng impounding dam.
00:55Meron kang sense of control yan e.
00:57Yan po ang maganda na, alam niyo, di ba lagi kung sinasabi, anything that you cannot control, you cannot manage.
01:04Meron kang certain kind of control doon kasi nga pagka alam natin na darating ang malakas na ulan,
01:13bibitawang po na natin yung tubig, magpre-re-release po tayo.
01:16At hindi lang yun.
01:17Pagka umapoy yung tubig doon sa dam, meron tayong tinatawag na spillway.
01:21So, yun po yung ating safety mechanisms doon sa ating dam.