00:00Sa ibang balita, sinulit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang tatlong araw na state visit sa Cambodia para sa o para bisitahin din ang ating mga kababayan doon.
00:11Sa kanyang pangangumusta sa Filipino community, tiniyak ng Pangulo ang pinaigting servisyo sa mga Pilipino sa tulong ng pagpapatayo ng pinakaunang Migrant Workers Office ng Pilipinas doon.
00:23Si Clazel Pardilla sa Sandro ng Balita.
00:25Labing apat na taon nang nagtatrabaho si Sara sa Cambodia.
00:32Mula sa pagiging crew, ngayon ay general manager na siya sa isang hotel at nakapagpundar na ng sariling bahay sa Pilipinas.
00:42And I found the people really kind. They were so hospitable. It was easy to feel, to see myself living here.
00:49Isa lamang si Sara sa 10,000 Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho sa Cambodia sa larangan ng edukasyon, hotel and restaurant at iba pang sektor.
01:01Sa unang araw ng state visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Cambodia, pinunong niya ang Filipino community at binigyan pugay ang kanilang husay at di matatawarang kontribusyon.
01:16You represent so powerfully a premium world-class Filipino brand that embodies heroism.
01:27Kami po ay talagang malugod na nagpapasalamat sa lahat ng inyong ginagawa.
01:34Hindi lamang para sa sarili ninyo, hindi lamang para sa pamilya ninyo, kung hindi para sa buong Pilipinas.
01:40Aprobe yan sa halos dalawang dekada ng teacher sa Cambodia na si Marites.
01:45Siyempre, of course, masaya dahil, you know, iniisip niya yung mga OFW, tinitingnan niya yung kalagayan at saka nakikita mo din na yung kaugnayan ng Cambodia at ng Pilipinas.
02:02Para itaguyod ang kapakanan ng mga OFW sa Cambodia, ipinagutos ni Pangulong Marcos sa GMW ang pagtatayo ng pinakaunang Migrant Workers' Office ng Pilipinas sa Cambodia na mag-aalok ng legal support, welfare aid, reintegration at training program.
02:22Gagawin nito sa lalong madaling panahon upang maging katuwang ang ating embahada sa pagsulong ng inyong kapakanan at para ipagtanggol ang inyong mga karapatan.
02:33Patuloy natin tatalakayan sa Cambodia ang pagpapatibay sa kaukulang proteksyon at kagalingan ng mga migranteng manggagawa.
02:43Isang kasunduan din ang lalagdaana para mapaiting ang laban sa transnational crimes.
02:49Sa taya ng embahada ng Pilipinas sa Cambodia, mula 80 na karaang taon, dumoble na sa 180 ang bilang ng mga Pinoy na nabiktima ng mga online scam hubs sa Cambodia.
03:02Patuloy ang pag-rescue sa iba pang biktima.
03:05Pagsisiguro naman ni Pangulong Marcos patuloy ang paggawa ng hakbang ng pamahalaan para maiangat ang buhay ng mga Pilipino.
03:14Kabilang sa pakay ng state visit ng presidente, ang paghikayat sa mga negosyate sa Cambodia na mamuhunan sa Pilipinas na hindi lamang magpapalago sa ekonomiya ng bansa kung hindi magbibigay rin ang mas maraming trabaho sa mga Pilipino.
03:31Hindi na tatapos ang ating tungkulin na paniguraduhin maayos ang inyong kapakanan habang nasa iba yung bansa sapagkat sa ating mismong tahanan ay patuloy natin sinisikap na mapaunlad ang kalidad ng buhay ng ating mga kababayan.
03:47Kalaizal Pardilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas!