Skip to playerSkip to main content
  • 5 months ago
World No. 1 Aryna Sabalenka, nakuha ang kanyang ikalawang sunod na U.S. Open title

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Alamin naman natin ang kaganapan sa international sports since report net teammate Carl Velasco.
00:08Isang repeat ang nakumpleto ni Belarusian Tennis Star Arena sa Balenca
00:13matapos ang kanyang muling pagkapanalo sa huling Grand Slam event ng taon na US Open nitong linggo.
00:20Isang two-set domination ang ipinamalas ng kasalukulang world number one
00:24kontra sa Amerikanang si Amanda Anisimova 6-3 at 7-6.
00:29Sa unang set pa lang, kita na ang gigil ni Sabalenca matapos kunin ang lima sa walong laro
00:36na dinagdagan pa ng isang error ni Anisimova para makuha ang nasabing set.
00:41Pagdating ng second set, bahagyang dumikitang Amerikana para sa isang tiebreaker game
00:46na siya namang sinamantala ni Sabalenca para tuloy nang makuha ang kanyang ikalawang sunod na US Open title.
00:52Matatanda ang ilang Grand Slam titles ang luming sa kamay ng 27-year-old nitong taon.
00:57Una itong inungusan ng Amerikana rin si Madison Keys sa unang Grand Slam tourney ng taon na Australian Open noong Enero.
01:06Pagdating ng Roland Garros, nabigo ulit si Sabalenca sa kamay ni World No. 3 Coco Golf
01:11na sinundal ng isa pang pagkabigo sa semifinals ng Wimbledon Open sa kamay ni Anisimova.
01:16Ito na ang pang-apat na Grand Slam trophy ng Tubong Belarus kung saan unya itong naiuwi matapos ang Australian Open noong 2023.
01:26Sa Balitang American Football, ginulat ng Los Angeles Chargers ang kanilang AFC West rival na Kansas City Chiefs
01:36sa season opener ng 2025 National Football League nitong nakaraang linggo.
01:41Isang 27-21 win ang naiuwi ng Chargers kontra sa reigning AFC Champions na Chiefs
01:46sa harap ng humigit kumulang 50,000 tao sa Sao Paulo sa Brazil sa opening drive ng Chargers.
01:53Ilang first down completions sa agad ang nakamit nito dahilan para makaabot ito sa 10-yard line ng Chiefs
01:59at makuha ang buhay naman ng touchdown matapos makita ni Justin Herbert ang wide receiver na si Quentin Johnson sa endzone.
02:07Sa kabilang banda, tila nangalawang naman ang opensa ng Kansas matapos ang ilang incomplete passes ni two-time MVP Patrick Mahomes sa kanyang mga receiver.
02:17Pagdating ng second half, si Mahomes na mismo ang gumawa ng paraan para makuha ang unang touchdown ng Chiefs matapos ang isang dive-in play sa pylon.
02:26Agad naman itong sinunda ng Chargers matapos mahanap ni Herbert ang designated receiver na si Keenan Allen sa endzone.
02:34Bigo namang makuha ng Casey ang isang two-point conversion sa isang touchdown ni Star Tite and Travis Kelsey sa kanilang opening drive sa fourth quarter.
02:43Pagdating ng huling dalawang minuto ng laro, isang butas ang nakita at nilusutan ni Herbert para makuha ang isang first down
02:50at kanilang unang panalo sa nasabing season opener.
02:53Bayani para sa LAC si Justin Herbert matapos magtala ng 318 yards, 25 completions, 3 touchdowns at 0 interceptions.
03:05Sunod ng makakalaban ng Chargers ang Las Vegas Raiders sa darating na September 16 sa pangalawang linggo ng NFL.
03:12At sa balitang boxing, magbabakbakan sa lona ang dalawa sa pinakamabibigat na pangalan sa mundo ng boxing na si Floyd Mayweather Jr. at Mike Tyson sa isang exhibition match sa darating na Marso.
03:28Yan ang opisyal na inanunsyo ng isang boxing production company sa isang press release nitong nakaraang linggo kung saan nakatakdang magbanggaan ng dalawang boxing hall of famer sa isang exhibition sa nasabing buwan.
03:41Magbabalik sa loob ng ringang dating undisputed heavyweight champion na si Tyson matapos ang kanyang 8-round loss kay Jake Paul noong nakaraang Nobyembre na isa sa most ring sporting event sa kasaysayan.
03:52Isang malinis na 15-0 record naman ang iniwan ni Pretty Boy Floyd matapos ang kanyang laban kontra kay UFC superstar Conor McGregor noong 2017.
04:03Ito na ang kanyang pangsyam na exhibition bout na sasalangan magmula nung magretiro siya sa nasabing taon.
04:09Ayon sa ilang boxing analysts, magiging malaking deciding factor ng nasabing exhibition.
04:14Ang 67-pound weight disparity sa pagdita ng dalawang boksingero, hindi naman alintana ni Mayweather ang naturang weight disparity at sinabing nais niyang ibigay ang hinihiling ng kanyang mga taga-suporta at ilang boxing fans.
04:29Samantala, nakatakdang ganapin ang nasabing exhibition match sa Marso ng susunod na taon.
04:35Carl Velasco para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended