00:00Suspendido ang pasok mamayang hapon sa ilang lugar sa bansa dahil sa masamang panahon, dulot pa rin po ng habaga.
00:06Kabilang dyan ang kinder hanggang grade 12, child development centers at alternative learning system sa mga pampublikong eskwelahan dito sa Quezon City.
00:15Nasa pamunuan na po raw ng mga pribadong eskwelahan kung magsususpindi rin ng klase ngayong araw.
00:22Wala namang face-to-face classes ang lahat ng antas sa mga pampublikong at pribadong eskwelahan sa San Antonio Zambales,
00:30gayon din sa Baliwag, Bulacan at Maykawayan, Bulacan.
00:34Shift din muna sa alternative delivery mode ang kinder hanggang senior high school sa Hagonoy, Bulacan.
00:40Wala namang pasok ang lahat ng antas sa public at private schools sa Balagtas, Bukawi, Kalumpit at Norzagaray sa Bulacan,
00:48gayon din sa Morong Bataan at Ternate sa Cavite.
00:52Sa Santa Maria, Bulacan, daycare hanggang grade 12 lamang ang walang pasok.
00:58Nauna nang nagsuspindi ng klase ang ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila at Karatig Lalawigan sa Luzon.
Comments