Skip to playerSkip to main content
  • 5 months ago
Panayam kay National Privacy Commission Deputy Commissioner, Atty. Jose S. Belarmino II ukol sa pakikipagtulungan ng National Privacy of Commission sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group at ang mga basta hinggil sa personal information at sensitive information

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samantala, pakikipagtulungan ng National Privacy Commission sa Philippine National Police Anti-Cyber Crime Group
00:06at ang mga batas hinggil sa personal information at sensitive personal information,
00:11ating aalamin kasama si Atty. Jose S. Belarmino II, Deputy Commissioner ng National Privacy Commission.
00:19Atty, magandang tanghali.
00:20Magandang tanghali, Atty. Asek, Joey, at sa mga tagapanood ng Bagong Pilipinas ngayon.
00:25Sir, una siguro ang importanteng tanong sa ilalim ng Data Privacy Act.
00:30Ano ba, unang-una, pwede bang mag-post ng personal information ang ibang tao ng impormasyon ng ibang tao?
00:40Ang direksyong sagot ay hindi po. Kung wala po silang basihan,
00:45ibig sabihin kung wala silang consent o wala silang ibang basihan sa batas.
00:48Ang pag-post ng personal information ng ibang tao ay tinatawag na pag-proseso ng personal na impormasyon ng data subject.
00:58Sa ilalim ng Data Privacy Act, pag mag-proseso ka ng personal na information asset,
01:03kinakailangan meron kang basihan.
01:06Ngayon, pag kunyari asek, pinost ko yung personal information mo,
01:09ang iyong pangalan, ang iyong address, ang iyong cellphone number,
01:14at kung ano pa mang impormasyon, pwedeng sensitibo yung birthday mo,
01:18nang wala mong consent o wala akong rason para i-post yun sa social media,
01:22may violation po tayong kinukumit sa ilalim ng Data Privacy Act.
01:27Ano naman po yung difference ng personal information sa sensitive personal information
01:33at ano yung protection ng mga mamamayan in this regard?
01:38Ako, magandang tanong yan, Asek Joe.
01:40Ang personal information, ito ay anumang impormasyon,
01:44whether mag-isa ito tulad ng pangalan o in combination with other information,
01:49tulad ng address o tulad ng cellphone number,
01:52e pwedeng makilala ang isang tao.
01:54So halimbawa po, sinabi ko Jose Belarmino,
01:56tiga National Privacy Commission,
01:58at nakatera sa Quezon City,
02:00e personal na impormasyon po yun.
02:02Ang sensitive personal information, Asek,
02:04sa ilalim ng batas,
02:05ito yung mga medyo mataas na protection ang binibigay.
02:08Tatlong rason, Asek.
02:09Unang-una, e medyo mataas ang pagkakataon upang gamitin ito sa pang-abuso.
02:15Tulad na lamang ng iyong ethnic race,
02:17ang iyong educational background,
02:20ang iyong sexual life,
02:22or political beliefs.
02:23Bakit, Asek?
02:24Pwede itong gamitin na diskriminasyon,
02:26pwedeng gamitin for hate crimes,
02:28pwedeng gamitin na ikaw ay magkaroon ng stigma laban sa'yo.
02:32Pangalawa, yung mga impormasyon patungkol sa iyong sexual life,
02:35pwedeng maging stigma kung ikaw ay parte ng LGBTQ,
02:38o kung anuman ay pwedeng gamitin yun laban sa iyo.
02:41At pangatlo, yung mga government numbers na binibigay sa isang tao,
02:47sa isang Pilipino,
02:49e pag napunta po yun sa kamay ng iba,
02:51pwedeng gamitin yun for identity theft,
02:53pwedeng mangutang sa GSIS,
02:55na hindi naman pala ikaw talaga yung umuutang,
02:57pero dahil alam ang GSIS number mo,
02:59at ibang impormasyon mo,
03:00e magagamit yun para makapangutang,
03:03makuhang iyong identity.
03:06At sa, sorry, as I said,
03:07sa pagprotekta naman,
03:09mas mataas ang penalty
03:10pagdating sa sensitive personal information.
03:13Ito siguro, ito naman talaga yung take-off
03:16ng ating discussion ngayon.
03:17Sakaling isang public official
03:19yung nag-post ng ganitong klaseng information,
03:22may mas mabigat ba na implikasyon
03:24kumpara sa kung ordinary citizen
03:28yung nag-post ng information ng ibang tao.
03:30Para dalawang sagot ko dyan, Asek.
03:32Unang-una, kung ikaw ay government employee
03:35or ikaw ay public official,
03:37syempre tinitignan ka ng tao,
03:38dapat maging magandang halimbawa ka
03:42na sundin ang batas.
03:44Pangalawa, pag ikaw ay nag-violate
03:46ng Data Privacy Act
03:48under po sa isang seksyon ng batas,
03:50pag nag-commit ka ng violation,
03:53pupwede ka pong bukod sa kriminal
03:54at sa admin fine,
03:57pupwede ka pong ma-perpetually disqualify
04:00sa pag-hold ng public office.
04:02So, hindi naman po namin sinasabi
04:04na kapag ikaw ay government employee
04:06o public official,
04:06dapat mas maingat ka.
04:07Lahat po tayo dapat mas maingat
04:09pagdating sa pagproseso
04:10ng personal na datos ng ibang tao.
04:13Pero may kalakip na mas mataas na parusa
04:15sa isang government official.
04:17Medyo off-topic pero related.
04:20Naalala ko lang kasi
04:21yung kapag nananalo sa raffle
04:22sa mga variety show noon.
04:25Pinaflash yung pangalan
04:26pati yung home address.
04:27Kasi wala pa naman kasing
04:29mga batas noong time na yun.
04:31So, sakaling ngayon mangyari yun,
04:33nanalo ka sa raffle,
04:34ipaflash o ipopost sa social media
04:36yung address mo yung number mo,
04:40ano po ba yun?
04:41May violation yung programa?
04:42Alam mo, Asik, very good question.
04:44Kasi change of mindset na tayo.
04:46Hindi na tayo dapat nung tulad dati
04:48dahil nga sa Data Privacy Act.
04:50Ngayon, kung ipinost,
04:51yung pangalan okay lang ipost.
04:53Kasi, pero ang pag-post ba sa Facebook
04:55ang pinakamabisang paraan?
04:57Bakit mo kailangan ipost sa Facebook?
04:59Kung i-inform mo lang naman
05:00ng nanalo,
05:01pwede mo naman siyang tawagan
05:02o pwede mo siyang i-message.
05:04Pero bakit kailangan?
05:05Tanungin mo ang sarili mo,
05:06bakit nyo kailangan ipost
05:07sa social media?
05:09Kung wala namang dahilan
05:10na i-reach ang maraming tao,
05:11eh, huwag mo nang ipost sa Facebook.
05:13Contactin mo na lang directly yung tao.
05:14So, supposing may violation,
05:16ito yung totoong tanong talaga kanina.
05:18May violation.
05:19Ano yung kaparusahan?
05:21As ek, sa Pilipinas lamang po,
05:24sa batas natin sa Pilipinas,
05:26ang may parusa na pagkakulong
05:28at pagbayad ng danyos
05:31o fine.
05:32At bukod doon,
05:34eh, may admin fine pa po.
05:36At of course,
05:36yung nabanggit ko kanina
05:37pagdating sa public official, no,
05:39na pwedeng perpetual disqualification.
05:40So, po, pwedeng ikaw ay i-fine
05:42ng mula isang milyon
05:43hanggang limang milyon.
05:45Pagkakakulong ng from two years
05:47to six years.
05:47Depende kung anong violation to.
05:49Pwede kung unauthorized disclosure,
05:51unauthorized processing.
05:52Depende yan, asek.
05:53Pero,
05:54ang gusto kong sabihin,
05:55hindi lang to or
05:56end ang imprisonment
05:59and fine.
06:00Doon naman po sa partnership nyo
06:02with PNP Anti-Cybercrime Group,
06:05ano po yung scope
06:06o extent ng partnership
06:07na ito laban sa cybercrime
06:09at data privacy violations.
06:12Asek, yung layunin
06:13ng aming
06:13Memorandum of Understanding
06:15with PNP-ACG
06:17is really
06:17paigtingin yung
06:19joint investigation,
06:20case referral system,
06:22at syempre,
06:23yung palawakin
06:24yung training
06:25at knowledge building
06:26sa mga tauhan
06:27ng PNP
06:28at sya ka ng NPC.
06:31Sa joint investigation,
06:32asek kasi
06:33ang RA-10175,
06:35ito yung sa PNP, no,
06:36at ang RA-10175,
06:38medyo may intersection yan, no?
06:40So,
06:41pupwedeng sa
06:4210175
06:43may illegal access.
06:44Sa
06:45Data Privacy Act
06:46may unauthorized access.
06:48Pero,
06:48pupwedeng personal na datos
06:50ang involved doon.
06:51So,
06:51imbis na mas mapatagal pa,
06:53eh,
06:54let's push for efficiency.
06:55Kaya nga,
06:55joint na ang investigation
06:56na mangyayari.
06:57May information sharing
06:59between
06:59sa PNP
07:00at sya ka sa NPC
07:01para mas mapabilis
07:03ang pagsolusyon ng kaso.
07:05Or,
07:05may sitwasyon din na
07:06pumupunta sa NPC
07:08para mag-file
07:09ng cyber libel.
07:10Pero,
07:10hindi po namin kasi
07:11sakop yun, no?
07:12Ang pwede namin gawin,
07:14i-refer po namin ito
07:15sa PNP,
07:16ACG,
07:16dahil yun ay sakop nila.
07:18At,
07:18syempre,
07:19nandyan yung capacity building,
07:20pag-train sa mga tao.
07:22Hindi pa po kasi
07:23natin lahat
07:23alam kung ano ba
07:24ang Data Privacy Act
07:25at kung ano rin yung
07:26RA-10175.
07:27So,
07:28ito yung mga parte
07:28ng
07:29Memorandum of Understanding
07:30sa pagitan ng NPC
07:32at ng PNP,
07:33ACG.
07:33Nabanggit nyo,
07:34attorney,
07:35yung information sharing.
07:36Syempre,
07:36pag nag-share ng information
07:38yung dalawang ahensya,
07:40may malilik na information
07:42o may lalabas na information.
07:44So,
07:44paano yung
07:44mga nangangamba na
07:46o'y confidential yung
07:47information na yan
07:48although investigation
07:49yung motivation,
07:50eh,
07:51baka ma-violate din
07:52yung privacy.
07:52Of course,
07:53as if kami sumusunod
07:54mismo sa aming batas,
07:55no?
07:55Ibig sabihin,
07:56we maintain the confidentiality.
07:58So,
07:58kaya nga,
07:59meron kaming mga mekanismo
08:00sa pagitan ng
08:01PNP,
08:02ACG na
08:02yung information
08:04lang na yun,
08:04eh,
08:04dapat sa kanila lamang,
08:06no?
08:06Halimbawa na lang,
08:07ACG,
08:08CCTV,
08:09dapat limitado
08:11ang makaka-access
08:12ng kopya ng CCTV
08:13na pwedeng
08:14manggagaling sa
08:15PNP,
08:15ibibigay sa
08:16NPC
08:16o mula NPC
08:18papuntang PNP.
08:19At hindi po dapat
08:20na-access to ng
08:21kung sino-sino.
08:22Limitado lamang po
08:23yung mga tao.
08:24At of course,
08:24hindi yun pwede
08:25i-release sa
08:25media
08:26kung wala naman pong
08:27rason para
08:28i-release to
08:29o hindi pa tapos
08:29yung investigation.
08:30May mga iba't-iba
08:31kaming alatuntunin
08:32patungkol dyan,
08:33ACG,
08:34para ma-maintain,
08:35of course,
08:35yung confidentiality
08:36at integrity
08:37ng mga impormasyon.
08:38Nabangit nyo rin,
08:39attorney,
08:40na dun sa mga
08:40batas na
08:41sinusunod
08:43ng
08:43PNP cybercrime
08:44at ninyo,
08:45merong mga
08:46intersection
08:46o overlap.
08:47So,
08:48paano po
08:48hahatiin yung
08:50jurisdiction
08:50o yung saklaw
08:51ng bawat ahensya
08:52when they conduct
08:53the joint investigation?
08:54Yes,
08:55so,
08:55ASSEC,
08:56wala namang friction
08:56yun yung maganda
08:57kasi very clear
08:58sa dalawang batas
08:59kung ano ba yung
09:00magpo-fall sa
09:01NTC,
09:02ano yung magpo-fall
09:03sa PNP,
09:03ACG.
09:04Basta po,
09:05involve ang personal data,
09:07ang personal information,
09:09NTC po yun.
09:10May chance din po
09:11na po pwedeng
09:12mag-fall sa PNP.
09:14Ibig sabihin,
09:15ASSEC,
09:16hindi naman po
09:17pag-file ng case
09:18sa NTC,
09:19e bawal na pong
09:19mag-file ng case
09:20sa PNP.
09:21Hindi po yun,
09:23hindi niya binabar
09:24ang kaso ng bawat isa.
09:25So, sabi ko nga
09:26tulad ng cyber libel ASSEC,
09:28po pwedeng
09:28ang pinost ng tao
09:29ay personal na
09:30impormasyon,
09:31so yung holder
09:32ng personal information,
09:34pwede siyang mag-reklamo
09:34sa NTC
09:36for unauthorized
09:37processing.
09:37Pero pwede rin po
09:38siyang mag-reklamo
09:39sa PNP
09:40for cyber libel
09:41kasi siniraan siya
09:42gamit ang kanyang
09:43personal na impormasyon.
09:45Pakipaliwarag naman,
09:46attorney,
09:47ano po yung ibig sabihin
09:48ng mutual enforcement
09:49support
09:50sa ilalim ng agreement
09:52at paano ito
09:53ipapatupad
09:53sa actual operation?
09:55Oo, kasi ASSEC,
09:56meron kaming mga resolutions,
09:58meron kaming mga decisions
09:59na kinakailangan
10:01ng assistance
10:01ng kapulisan
10:02para mas mapabilis
10:04ang pag-enforce,
10:06pag-abot doon sa tao.
10:07Minsan kasi
10:08nagtatago sila
10:09or hindi namin makita.
10:10So, of course,
10:11with the network
10:12of the PNP-ACG,
10:13mas mapapabilis
10:15at madali namin
10:16maaabot yung mga taong
10:17involved doon
10:18sa aming mga decisions.
10:19In the same way,
10:20kapag naman po sila
10:21ay merong gustong
10:24maabot
10:25o malaman
10:26mula sa NPC
10:27dahil either may pending case
10:28na po sa amin
10:29o alam namin
10:30ng informasyon,
10:31e tutulungan din naman po
10:32namin sila
10:33sa pag-enforce
10:34ng kanilang mga resolutions,
10:35decisions,
10:36at kung ano-ano pa pong
10:37issuance
10:38ng NPC
10:39at saka ng PNP-ACG.
10:40Nabangit niyo, sir,
10:41yung capacity building
10:42sa both sides
10:44para po talaga
10:45maipatupad po
10:47itong joint investigation.
10:49So, meron na po bang
10:50nakalatag na trainings
10:51para sa data privacy,
10:53cyber security,
10:54at digital forensics?
10:54Yes, actually,
10:56magsisimula na po
10:57yung mga trainings namin.
10:58Actually,
10:58nagsimula na pala
10:59asek, no?
11:00Simula nang napirmahan
11:01yung MOU
11:01pero it will be
11:02a year-round training
11:04between
11:05PNP's
11:06employees
11:08and NPC
11:08employees as well.
11:10Sa NPC
11:10kasi ang maitutulong
11:11sa amin ng PNP
11:12yung digital forensics,
11:14no?
11:14Ang maitutulong
11:15naman namin
11:15sa PNP
11:16ay yung knowledge
11:18kung ano ba
11:18ang involved
11:19sa data privacy
11:20kasi medyo
11:21ang data privacy
11:22asek medyo
11:23niche.
11:23So, medyo
11:24kailangan talagang
11:25ituro at
11:26matutukan
11:27para maintindihan
11:28ng tao.
11:30So, tuloy-tuloy po
11:31yung aming capacity
11:32building,
11:33not just in person
11:34but also online.
11:35So, lahat po
11:35ng platforms
11:36ginagamit namin
11:37para mas mapaigting
11:38yung knowledge
11:39ng tao
11:39sa data privacy
11:40at saka sa
11:41PNP,
11:41ACP.
11:42Dahil hot topic
11:43ito,
11:43attorney,
11:44at kung merong
11:45mga nakikinig
11:45o nanunood
11:46dyan na may
11:46similar concern,
11:48so, meron po bang
11:49pwedeng pagsumbungan
11:51na iisang pagsusumbungan
11:54para ma-action na
11:55ng PNP
11:56at saka ng
11:56NPC
11:57o separately
11:58sila dudulog?
12:00At meron po bang
12:01hotline?
12:01Pwede pong
12:01isa lang po,
12:02pwedeng mag-sumitin
12:04ng reklamo
12:05sa NPC
12:05sa pamamagitan ng
12:06complaints
12:07at privacy.gov.ph
12:09Pwede rin po
12:10sa aming mga
12:10social media.
12:12Kaya nga po
12:12itong MOU na ito,
12:13meron kaming
12:14case referral system
12:16kasi kung kahit po
12:18sa jurisdiction ito
12:19ng PNP
12:20eh, maibibigay po namin
12:21kung na-file
12:22sa NPC yung kaso.
12:23So, it's either at
12:24our email
12:25complaints at
12:25privacy.gov.ph
12:27o sa aming
12:27social media
12:28at maging sa aming
12:29website
12:29may mga links po doon
12:30kung paano
12:31makapagreklamo.
12:32At of course,
12:32asek,
12:33pwede po kayong pumunta
12:33sa aming opisina
12:34dyan lamang po
12:35sa Quezon Avenue
12:36no,
12:36sa malapit
12:38sa Timog po.
12:39Sa may fried chicken.
12:41Sa may Popeye's
12:42fried chicken,
12:42yes, yes, yes.
12:43Advertising.
12:44Yes.
12:44Mensahin nyo na lamang po
12:46attorney
12:46sa ating mga kababayan
12:48na may ganitong concern
12:49o binabantayan talaga
12:51yung diskusyon
12:52tungkol sa data privacy.
12:54Asek,
12:55regardless po
12:56kung tayo ay
12:57public official,
12:58government official,
13:00or
13:00pangkaraniwang mamamayan,
13:02eh, dapat po
13:03aware tayo
13:04sa ating data privacy
13:05rights
13:06at mga obligasyon natin.
13:08So,
13:09alam ko po,
13:09ang Pilipinas
13:10isa po sa pinakamahilig
13:11mag-post yan
13:12sa social media.
13:13Pero dapat po
13:13baguhin na po natin
13:14ang mindset natin
13:15kung ito ay
13:16personal information
13:17ng ibang tao,
13:18eh,
13:18huwag po tayo
13:19basta-bastang
13:20mag-post
13:21dahil ito po
13:21ay pag-proseso
13:22ng personal
13:23na informasyon.
13:24At, of course,
13:25kung gusto nyo pong
13:25mas malaman
13:26ang ginagawa
13:27ng NPC po,
13:28ay pwede po kayong
13:29pumunta sa aming
13:29mga social media
13:30accounts
13:31at sa aming website
13:32na privacy.gov.ph
13:34upang po dumulok
13:35or malaman lang po
13:37ang ginagawa
13:37ng National Privacy
13:38Commission.
13:39Alright.
13:40Maraming salamat po
13:41sa inyong oras,
13:42Attorney Jose S.
13:43Bellarmino II,
13:45Deputy Commissioner
13:46ng National Privacy
13:48Commission.
13:48Thank you, sir.
13:49Thank you, thank you,
13:49Asak.
13:49Thank you, Attorney.
13:50Thank you, Attorney.

Recommended