00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:06Malita sa Visayas at Mindanao mula sa GMA Regional TV.
00:10Makalipas ang dalawang taon mula ng masira,
00:12hindi pa rin naaayos ang isang flood control project
00:15sa Dumangas, Iloilo.
00:17Sara, bakit hindi pa rin naaayos?
00:21Rafi, hindi raw sakop ng warranty ng contractor ang pinsala
00:25dahil hindi raw istruktura nito ang problema.
00:28Ayon sa Iloilo 2nd District Engineering Office.
00:31Nasira rin kasi ito dahil sa efekto ng bagyong beti noong May 2023.
00:36Halos isang taon lang mula nang natapos ito noong August 2022
00:40sa halagang mahigit 19 milyon pesos.
00:43Sabi ng District Engineer,
00:45posibleng hindi kinaya ng slope protection ang agos ng tubig
00:48kaya ito napinsala.
00:50Halos kalahati ng 200 metrong proyekto ang nasira at gumuho.
00:55Ayon sa Iloilo 2nd Engineering District Office,
00:58hindi kasama sa budget ng kanilang opisina
01:00para sa susunod na taon ang nasabing proyekto
01:03kaya hindi pa itong makukumpuni.