00:00.
00:30Kasama ng BRP Jose Rizal sa isinagawang MMCA, ang His Majesty's Australian Ship Brisbane ng Royal Australian Navy at ang His Majesty's Canadian Ship Villa de Quebec ng Royal Canadian Navy.
01:00Kamakailan lamang ay sama-sama rin na naglayag dito sa West Philippine Sea ang mga nasabing barko ng Pilipinas, Australia at Canada bilang bahagi ng Alon Exercises 2025 na nagtapos noong nakarang linggo.
01:13Sa isinasagawang ngayong MMCA, pinapalawig pa ang interoperability sa pagitan ng mga Navy ng tatlong bansa.
01:21So they are happy with the result of the exercise, Alon, and we have to extend the engagement with them to enhance the capability, lalong-lalo na po ngayon na pinapalakas po natin ang ating armed forces.
01:35Bukod sa mga barko, lumipad din ang air assets gaya ng Agusta Westland 159 Anti-Submarine Helicopter ng Philippine Navy.
01:44Nagkaroon din ang air operations, ang CH-148 Helicopter ng Canada.
01:49Sa pagpapatuloy ng MMCA na lumapit pa ng 60 nautical miles mula sa Bajo de Masinloc, nasa bisinidad pa rin ang barko ng China.
01:58Nadagdagan ito ng isa pang warship na Chiang Kai-class frigate.
02:03Narinig naman sa BRP Oserizal ang ipinadalang radio communication ng isa sa mga warship ng China.
02:09This is Chinese warship 163. Conducting continuous turning to port. Request all the vessels. Keep a safe distance from my vessels. Over.
02:21Sa kabila ng presensya ng mga barko ng China, matagumpay na naipagpatuloy ang MMCA.
02:28They are outside the box and yun is approximately 20 nautical miles away from us.
02:35Isa sa ginawang pagsasanay ang personal exchange kung saan sumakay sa BRP Oserizal ang ilang tauhan ng Royal Australian Navy.
02:44Naging bahagi rin ang intelligence, surveillance and reconnaissance operations mula sa paglipad ng P-8 Poseidon plane ng Royal Australian Air Force.
02:53Pinaka-highlight naman ang anti-submarine exercise o pagdetect sa mga banta sa ilalim ng dagat.
02:59Ito po yung isa sa mga pinapalakas natin ngayon. Anti-submarine warfare exercise is na-exercise po natin ang ating mga personnel kung how to detect, localize and recognize underwater threats.
03:16So, hindi po natin yun nakikita. So, dapat po talaga magaling po tayo sa larangan na yun.
03:20Natapos ang dalawang araw ng MMCA sa passing exercise ng mga barko, sumaludo ang mga tauhan ng BRP Oserizal bilang pagpapakita ng kanilang pasasalamat sa mga lumahok mula sa Australia at Canada.
03:36Mula sa West Philippine Sea, Patrick De Jesus para sa Pambansan TV sa Bagong Pilipinas.