00:00Binawi ng Philippine Contractors Accreditation Board ang lisensya ng siyam na kumpanyang pagmamayari o kontrolado ng pamilya Diskaya.
00:08Ayon sa PCAB Labag sa Batas, ang inamin ni Sara Diskaya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee
00:13na may pagkakataon nagbibid ng sabay-sabay ang kanilang mga kumpanya para sa iisang kontrata sa gobyerno.
00:20Kabilang sa siyam na binawian ang lisensya ng PCAB, ang Alpha and Omega General Contractor and Development Corporation at St. Timothy Construction Corporation.
00:30Ang dalawang nasabing kumpanya ay nasa top 15 contractors na may pinakamalaking flood control project sa bansa.
00:37Ayon naman sa abogado ng mga Diskaya, dapat binigyan sila ng sapat na panahon magsumite ng kaukulang mga dokumento
00:43bago binawi ng PCAB ang contractor's license ng kanilang mga kumpanya.
00:49Kasi dapat medyo process yan. Hindi basta-basta nire-revoke.
00:54Hindi po po pwede yung, dahil nakikiride on ka lang sa issue, swift po yung action natin.
Comments