Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pang-kinder lang ang literacy level ng maraming estudyante sa grade 3.
00:05Batay po yan sa isang pag-aaral.
00:08At panghuli rin ang Pilipinas sa may git-limampung bansa pagdating sa grade 4 math at science.
00:14Saksi si Bernadette Reyes.
00:20Paano na lang kung ang isang grade 3 student pang-kinder lang ang math at literacy level
00:25o kaalaman sa math at kakayahang bumasa at sumulat?
00:28Karamihan ay ganyan batay sa pag-aaral ng UNICEF
00:31na binanggit ng 2nd Congressional Commission on Education 2 o EDCOM 2 kanina.
00:37Sabi nito, dalawa hanggang tatlong taong atrasado ang mga nasa grade 3.
00:41They might be standing or going to school everyday, sitting inside the classroom,
00:47not understanding what they are hearing because to begin with, they are not basically literate.
00:52Sa hiwalay na pag-aaral naman ng Trans and International Mathematics and Science Study,
00:57lumabas na panghuli ang Pilipinas sa 58 bansa pagdating sa grade 4 math at science.
01:04Nitong nakaraang school year nga, hirap ang mga grade 3 kahit sa mga basic operation
01:08o yung addition, subtraction, multiplication at division.
01:12Sa Metro Manila, 24% lang o halos isa sa bawat apat na grade 3 student ang marunong ng division.
01:2044% naman o halos siyam sa bawat 20 grade 3 student ang marunong ng subtraction.
01:26Very troubling. That is why exactly ito yung ginagawa natin ngayon.
01:30Talagang sinasaan, DEPED is doing it now.
01:32Naka-focus na siya sa grades 1 to 3 sa function literacy, meaning reading comprehension,
01:37mathematics, grade level appropriate sa ka-sciences.
01:40Ang key, decongest the curriculum.
01:42Ibig sabihin, binawasan ang kanilang subjects.
01:45Lima na lang sa grade 1 and 2 at anim naman sa grade 3.
01:49Pero apat at kalahating milyong estudyante pa rin ang nangangailangan ng intervention o pag-alalay para makahabol sa kaalaman ngayong school year.
01:58Malakihan nila ang epekto ng pagkabansot o stunting sa pagunlad ng kaisipan o cognitive.
02:04Karaniwang dulot yan ng kakulangan sa nutrisyon at pinaka-problema sa BARMM, Soxargen, Zamboanga Peninsula at Mimaropa.
02:13Bukod sa problema sa nutrisyon, hamon din ngayon sa edukasyon,
02:17ang tinatawag na mismatch o hindi pagtutugman ng kursong kinukuha ng mga mag-aaral sa pangangailangan ng bansa.
02:25That we look at what particular markets, what particular human resource needs are there in our community,
02:31lalong lala na on the regional level, sa mga probinsya,
02:34and making sure that the right courses o anumang trainings or degree courses are available on those areas.
02:42Ilan pa sa mga hamong nabanggit ng EDCOM 2 ang kakulangan ng mga classroom, bullying at kakulangan sa mga guidance counselor,
02:50pag-dropout ng apat sa bawat sampung college student,
02:53at kakulangan sa mga institusyon para sa high-level skills training, para sa technical vocational education.
03:00Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes ang inyong saksi.
Comments

Recommended