Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nag-isa sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ang dating Bulacan 1st District Engineer.
00:05Bukod sa ghost projects, naungkat din ang pagkakasinon niya na bawal po para sa ma-employado ng gobyerno.
00:12Alamin ang paliwanag niya sa balitang hatid ni Ian Cruz.
00:18Aminado si Engineer Henry Alcantara.
00:21May kapabayaan siya nang magtiwala sa pirma ng mga tauhan niya bilang hepe ng 1st Engineering District ng Bulacan.
00:28Naka-preventive suspension si Alcantara ngayon sa gitna ng aligasyon na may ghost flood control projects sa Bulacan 1st District Engineering Office.
00:38Ayon kay Alcantara, pumirma rin siya sa mga kontrata at proyekto dahil nagtiwala sa pirma ng kanyang mga tauhan.
00:45Ngayon pipirma ka doon sa papilis para mabayaran yung ghost project na yan.
00:52Sir, if I may explain for your honor.
00:54Hindi, tanong ko, pumirma ka ng papil, di ba?
00:57Yes po.
00:58Para makaklaim sila ng pull payment?
01:00Yes po.
01:01Okay.
01:03Ibig mong sabihin, pumirma ka ng papil ng isang ghost project?
01:09District Engineer ka?
01:10Tapos nga yung magmaangan ka sa harapan namin na hindi mo alam dahil inaasa mo lang sa mga tao mo sa baba.
01:16Pag may firma sila, firma ka lang rin.
01:18Limang taong nakaupo si Alcantara sa Bulacan bago nilipat sa Region 4A nitong Hunyo.
01:24Nang marinig ang State of the Nation address ni Pangulong Bongbong Marcos,
01:28nagpa-audit siya sa mga dating tauhan sa mga flood control project nila sa Bulacan,
01:34sina Engineer Bryce Hernandez at isang Engineer Galang.
01:37Doon nalaman na may mga problema nga, kaya nag-report daw agad sila kay nooy DPWH Sekretary Manuel Bonoan.
01:45Isang kaupo lang po na construction chief.
01:50Ang nagpunta po sa akin, dalawa po actually, si Engineer Galang,
01:55ang hepe po ng planning.
01:58At nagsabi sa akin na, boss, parang merong kaming nakikita
02:03na posibleng wala po.
02:08Nung pong meeting na yun, kausap ko po silang dalawa, totoo ba?
02:12At kasama po yung mga ibang hepe, ako po yung nagsabi na sabihin nyo sa mga kapwa hepe nyo,
02:22ako'y walang kinalaman dyan sa mga ganyang gawain.
02:24Nag-confess ka naman kay Sekretary Bonoan eh.
02:28Nag-report po ko na may possible pong...
02:30I'm not saying that you reported, I am saying that you confessed to him
02:35that an amount of something like 7.3 billion was really wasted on flood control projects.
02:44Wala pong ganong teorya po, Your Honor.
02:47Isa sa pinasight for contempt ng mga senador si Engineer Hernandez
02:53dahil sa dipagdalo sa pagdining.
02:55Inungkat din ang mga senador ang pagkakasino-umano ng grupo ni Alcantara.
03:00Pero yung grupo niyo raw po, eh hindi lang kayo shopping buddy, eh pati po sa paglalaro.
03:07Eh yan po, dapat ho ma-verify paano ho kayo nakakapasok,
03:11considering that you are government officials, paano kayo nakakapasok sa kasino?
03:16Lalo tau si Bryce Hernandez, sinabing ni Senator Laxon, eh tila matakaw sa pera.
03:22Eh pag magpataya daw to, Mr. Chair, isang taya, 5 milyon, parang baliw, ano, hindi natatakot.
03:29I mean, walang kaba-kaba.
03:32Do you confirm or deny, Mr. Alcantara, Engineer?
03:35Your Honor, hindi ko po alam kung magalong tinatayaan niya dahil hindi naman po kami magkasama sa table.
03:41Inamin ko po, ako po yung nakakapasok sa kasino, Your Honor.
03:44Hindi kayo regular, pero naglalaro kayo, kasama po siya.
03:49Minsan po kasama, minsan po hindi.
03:52So nagkakasino po kayo?
03:53Inamin ko po, Your Honor, Mr. Chair.
03:55So bukod doon, yung lifestyle, balita ko nga, sana pag dumati si Bryser natin, Mr. Chair,
04:01pang-issuean nyo na po siguro ng warrant of arrest,
04:04ay mga ilang beses ko kayo naglalaro sa isang buwan, yung grupo nyo po.
04:12Mga dalawa hanggang tatlo po, Mr. Chair.
04:16Ian Cruz, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended