Skip to playerSkip to main content
  • 4 months ago
Aired (September 1, 2025): Ever wonder why leaves don’t stay green forever? Let’s uncover the hidden reason behind color-changing leaves and discover the science that makes them turn red, yellow, and brown!

Watch 'iBilib' Sundays at 9:35 AM on GMA Network, hosted by Chris Tiu and Shaira Diaz.

For more iBilib Highlights, click the link below:

https://www.youtube.com/playlist?list=PLLYaldfT7P2Teh_NQfZBAjzvRkaF0KZuw

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Meron tayong question of the day mula kay R.K. Marapia, 6 years old ng Quezon City.
00:05At ang tanong niya ay, bakit po nag-iiba ang kulay ng dahon?
00:10Oo nga no, nakita ko po yung ibang dahon, brown, tapos may kulay yeno, tsaka orange.
00:18Oo nga, may iba't ibang klase kasi ng puno at meron din silang iba't ibang uri ng dahon.
00:23Kung bakit silang nag-iiba ng kulay, ah, alamin natin yan sa tulong ng...
00:28All the answers!
00:30Ang mga berting dahon ay nagiging pula, kahel, dilaw, kayumangi, at lila.
00:35Ba't nga ba nagbabago ang kulay ng mga dahon?
00:38Mas nakikita ko kasi na nag-iiba ang kulay ng dahon sa mga punong nasa malalamig na bansa, lalo na tuwing autumn o taglagas.
00:46Ang mga puno tulad ng oak, maple, dogwood, aspen, at sumak ay tinatawag na deciduous trees o seasonal trees.
00:53Ang mga coniferous tree, kilala bilang evergreen, ay may mga karayom sa halip ng mga dahon.
01:01Ang mga ito ay hindi nagbabago ng kulay o nahuhulog sa mga buwan ng taglamig, di tulad ng mga deciduous trees.
01:08Nagsisilbing proteksyon ang mga kapal na wax at resin sa mga karayom pagdating ng taglamig.
01:13Sa parehong dahon at karayom, nanggagaling ang energy ng puno.
01:17Pero bakit ito kulay verde?
01:19Ito ba ay dahil sa A, sunlight, B, chlorophyll, or C, blood cells?
01:28Ang tamang sagot ay B, chlorophyll.
01:31Ang chlorophyll ay importante sa proseso ng photosynthesis.
01:35Ito ang nag-aabsorb ng energy galing sa araw at binabago ito kasama ng carbon dioxide at tubig
01:41para maging starch at asukal na pagkain ng puno.
01:44Kung walang mga dahon o karayom, ang puno ay walang paraan para makagawa ng pagkain at mamamatay ito.
01:50Pero hindi ibig sabihin na mamamatay ang puno kapag nalaga sa mga dahon ito.
01:55Muling tutubo ang mga dahon ito sa spring o tagsibol.
02:00Kapag nahulog ang mga dahon sa autumn o taglagas,
02:03ang puno ay hindi na makakagawa ng pagkain at matutulog ito hanggang sa muling uminit ang panahon.
02:09Parang hibernation ng oso kapag taglamig, ganun din ang mga puno.
02:14Malaki ang ginagampana ng lagay ng panahon sa paglalagas ng dahon ng puno.
02:19Sa Northern United States ay mas maiksi ang umaga.
02:22Ibig sabihin, mas konting sikat ng araw at mas malamig na temperatura.
02:26Dahil ang mga dahon ay madaling masira di tulad ng mga tumigas na karayom,
02:30kailangan matulog ng mga puno.
02:32Ang tubig ay nage-expand kapag naging yelo at ang expansion na yun ay sumisira sa cell ng dahon.
02:40Ang mga nasirang dahon ay pwedeng maging sanhi ng sakit ng puno.
02:44Sa pamamagitan ng pagpagsak ng mga dahon,
02:47pinaprotektahan ng puno ang sarili nito sa winter o taglamig.
02:51Ang tawag sa proseso nito ay abscission.
02:54Kaya masasabing, ang paglagas ng dahon ng puno ay isang defensive.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended