00:00Sa ibang balita, patuloy ang paalala ng Embahada ng Pilipinas sa Indonesia sa mga Pilipino sa Jakarta na maging alerto at magingat.
00:08Ito ay sa harap ng patuloy na kilos protesta doon.
00:11Ayon sa ating Embahada, nananatiling ligtas ang ating mga kababayan at wala pang naitatalang apektado.
00:18Hinimok naman sila na umiwas sa mga lugar na may kilos protesta.
00:23Huwag munang lumabas, lalong-lalo na kung hindi kinakailangan at umantabay sa mga abiso.
00:28Para sa mga Pilipinong, mga ngailangan ng tulong, maaari umanong makipangugnayan sa Assistance to Nationals number at iba pang contact information ng ating Embahada.
00:39Tinatayang nasa higit 6,000 Pilipino ang nasa Indonesia kung saan higit 1,700 ang nasa Jakarta.