00:00Alam naman po natin na hindi po biro ang pagiging isang nanay sa loob po ng tahanan.
00:04Wala nga sweldo pero 24-7 po ang trabaho ha, mula sa pag-aalaga ng bata, pagluluto, paglalaba, hanggang sa pag-aasikaso po sa buong pamilya.
00:13Well, totoo yan da yan ano. Kaya pag-usapan po natin itong House Bill 3141 o itong tinatawag na Nanay ng Tahanan Act na layuning kilalanin at suportahan ng mga ina na nasa ganitong sitwasyon.
00:24Makakasama po natin ngayong umaga si Representative Nathaniel, Atty. Nat Oducado. Welcome back. Magkita kumaga po dito sa Rise and Shine Pilipinas.
00:32Good morning Sir Audrey and Ma'am Diane and good morning sa lahat ng nanonood sa Rise and Shine Pilipinas.
00:37Good morning po. Well, Atty. Nat, ano po ba nagtulak sa inyo para isulong po itong Nanay ng Tahanan Bill?
00:43Well, I grew up in a community kasi Ma'am Diane na maraming nanay sa bahay lang tapos napabigat ng trabaho ang ginagawa nila. Nakita ko po yun.
00:52Tapos nung inaaral ko po itong problem or issue na to, nakita ko sa isang study ng Oxfam na 20 to 30% of our GDP is driven by unpaid care work which is ang ginagawa ng mga nanay natin.
01:05But the problem is we don't recognize and we don't give them any form of support.
01:10So this is why nung inaaral ko yung batas, I think it's high time that we build a strong economy by looking at the good foundation of helping our nanay sa Tahanan.
01:20Ako, maraming matutuwang mga nanay dito sa Pilipinas. Pero alam naman po natin, hindi biro yung pagiging nanay sa loob ng Tahanan.
01:28Sila yung sumasalo talaga ng problema ng pamilya.
01:32Gayunpaman, ang proposed dito, 1,500 pesos sa bawat nanay.
01:37So, paano po kayo nag-gam up sa ganitong halaga?
01:40Well, nung tinignan natin, in-assess din natin yung capability ng budget ng bansa.
01:47Kasi hindi naman pwedeng lahat na lang ibigay.
01:50Kasi sinasabi nga nila, pag puro bigay ka na lang, baka maging tamad yung tao.
01:54So nung nakita namin, 1,500 is enough to help them cross the bridge.
01:59Kung baga matapos lang yung pag-aaral ng foundational ng bata.
02:03And 1,500 is malaking tulong in terms of pangbili ng basic necessities like gatas, diapers, etc.
02:10Especially na may problem tayo sa 12 and below when it comes to literacy rate, stunting,
02:15and more importantly, yung dropout rate ng mga bata.
02:19So ito po ay 1,500 kada?
02:21Kada buwan po.
02:22Kada buwan?
02:2218,000 per year po.
02:23Okay, so on your estimate, mga ganong budget ang kakailanganin dito, attorney nat?
02:28Approximately mga 3 to 4 billion maximum po.
02:31Okay, that's a year.
02:32That's a year po.
02:33Okay, so paano po itong magko-compliment doon naman sa 4-piece?
02:37Kasi meron na po tayong 4-piece, sir.
02:39Well, essentially po si 4-piece is a conditional cash transfer na may requirement on health and pag-aaral ng bata.
02:46Itong amin naman po is more focused doon sa unpaid work services na ginagawa ng mga nanay natin.
02:54Kung baga, nire-recognize natin na finally, yung ginagawa nyo deserves some recognition and deserves some sort of compensation.
03:01Well, sir, sino po po yung mga nanay na makikinabang dito?
03:06Well, we're looking at the bottom ng poverty threshold.
03:10So, we're looking at around 1 to 3 percent ng pinakamababa sa ating society ng mga stay-at-home na nanay.
03:18Okay.
03:18So, kapag nandito na sila sa listahan ng mga nanay, mawawala na sila dun sa listahan ng 4-piece?
03:23Yes po, dapat po.
03:24Kasi ayaw naman natin mag-doble-doble, especially na we don't want to waste government resources.
03:29Okay, if ever pumais sa batas po itong panukalang ito, papaano po ninyong mapipili yung mga nanay na magbe-beneficio po dito?
03:36Well, we trust the DSWD, especially under the abled leadership of Secretary Rex.
03:42Nakita ko na napakalaki ng improvement when it comes to the listing, yung mga tapos na or nag-graduate na.
03:48But more importantly, yung community-based monitoring dun sa list para ma-insure natin na totoong tao.
03:53And then, given yung mga advances natin, nakikita natin na pwede nang maging digital para walang pili-pili.
04:00But more importantly, hindi ghost yung mga makakatanggap ng benepisyo galing dito sa panukalang ito.
04:05Oo, yung listahan ng pinaka-importante, may mailagay.
04:09Well, dito sa ating bansa, mataas pa rin yung datos ng teenage pregnancy.
04:13Ang bata-bata, nagiging nanay na.
04:17Sila po ba'y pasok dito at ano po yung kailangan para makapag-apply sila?
04:21Yes po, pasok po.
04:22So, to be determined, yung additional requirements sa IRR.
04:26But essentially, what we want is dapat may anak sila, dapat insure nila papasok sa paaral nyo yung anak nila.
04:32Number two, yung anak nila dapat may good behavior kasi anin mo yung pumapasok pero yung ugali, hindi naman inaayos.
04:38And call yun for accountability for parents to take care of their children.
04:42And then, number three, mag-attend sila ng mga barangay seminars on improving their parental obligations and responsibilities.
04:50Actually, sa tutorial mo, nagsasabi talaga, ang pagiging nanay ang pinakamahirap na trabaho.
04:55Ang dami mong ginagawa sa bahay.
04:56Pero with this, they are being recognized for the work that they do.
05:00But lalo na yung mga single mother.
05:01Yes.
05:02Yun, yun yung talagang nangangailangan ng suporta.
05:05Malakad-bagay na rin kahit pa paano itong tulong na ito kung maisa sa batas.
05:09Nung mga iba naman po tayo, no, attorney Nat.
05:11Kasi I understand tomorrow ay yung pagdinig na rin ng infracom sa camera.
05:16And you will be there.
05:17Ano po ang update dito, sir?
05:18Opo, we will tackle po bukas yung issues ng flood control.
05:23So, pinatawag po ang lahat ng contractors doon sa list ng ating mahal na Pangulo
05:28and at the same time other resource persons.
05:31Tapos lahat po ng bills regarding flood control will also be tackled there.
05:36So, we expect a very intensive and comprehensive meetings or hearings tomorrow po sa Congress.
05:44Well, Congressman, ano po ang end goal dito sa may hearing na ito?
05:47At saka, or any suggestion also with regard to this issue?
05:50Well, this is actually an oversight function ng Congress.
05:53Titignan natin saan yung naging gap, saan yung naging problema
05:55para makagpasa ng batas na maayos ang Congress.
05:58But at the same time, I gave a privileged speech on the matter
06:01calling for a presidential flood management commission
06:04na yun po yung mag-syncronize ng fragmented actions ng different agencies
06:09when it comes to flood infrastructure, flood planning, and data analysis.
06:14Importante po kasi na isang department na lang para walang turuan.
06:18And at the same time, yung budget natin, nakikita natin kung saan papunta.
06:22Hindi yung biglaan lang may mayisip sila, biglang gagawa ng proyekto.
06:25I understand. The President also meron ng isinagawa ng independent commission
06:29to check also itong mga maanumal yung mga flood control projects.
06:33Sabi mo na lang, dahil sa tindin ng dinadanas nating baha,
06:37taon-taon, kailangan na ng flood commission.
06:41Isang sangay ng pangamahalaan.
06:42Yes po. And I think po, ang pinaka-importante doon is yung transparency.
06:47That's why doon sa proposal ko po, may involvement ng non-government individuals.
06:52But more importantly, subject matter experts such as si Architect Paula Fox
06:58Urban Planner
06:58And former Secretary Babe Singson
07:01Kasi kailangan po natin ng tagabantay na talagang tututok na tama yung ginagawang proyekto
07:07But more importantly, hindi part of the government to ensure na may independent sila.
07:12How about yung planong pangmatagalan na solusyon?
07:16Kasi of course, nagpapalit tayo ng administration every six years.
07:20Pangmatagalan po ba itong solusyon na ito?
07:22Yes po. Actually po, yan po yung gusto ko sanang mag-amalgamate or mag-combine
07:26ng plans from the RDC, from the local government, etc.
07:31Para mayroon tayong master plan tinitignan
07:34para lahat ng projects nakasunod doon sa master plan
07:37Tapos dapat may review po yun
07:39Kasi minsan nagbabago yung water course
07:41Nagbabago yung number of rainwater na bumabagsak
07:45So kailangan ang changes should be fast
07:47So yun po yung purpose ng commission na pinapropose natin
07:49Okay, so abangan natin ang mga mangyayaring doon sa pagdining bukas
07:52ng InfraCom dyan sa House of Representatives
07:54At syempre, we look forward kung ano magiging status rin itong
07:58Nanay ng Tahanan Bill
08:00na makatutulong po sa ating mga ilaw ng Tahanan
08:03Thank you very much for joining us here again
08:05sa RSVC, Representative Nathaniel, Atty. Nath Odokado
08:09Maraming salamat, sir
08:10Thank you, Ma'am Dayan
08:11Thank you, Ma'am
08:11Sir Audrey