Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Isinisisi ni Las Piñas Rep. Mark Anthony Santos sa proyekto ng mga villar
00:05ang mabilis na pagbaha sa ilang lugar sa lungsod.
00:08Iginiit naman ni dating Senadora Cynthia Villar na paninira lamang ang paratang
00:13na para daw sa pansariling interes ang pagpapagawa sa mga proyekto.
00:17Balitang hati at dimbaki, Pulido.
00:22Noon pa man, sabi ni Claudia, problema na ang baha dito sa barangay Zapote 2, Las Piñas City.
00:28Umaabot po ito dito, tapos hanggang pumapasok po siya sa loob hanggang may hagdan, hanggang dito po.
00:37Nitong Hulyo lang dahil sa ulang dala ng habagat, binaha ang maraming lugar sa lungsod.
00:44May pinuponduhan namang flood control para sa Zapote River,
00:48isa sa pinakamalaking daluya ng tubig sa Las Piñas,
00:51ayon kay Las Piñas Rep. Mark Anthony Santos.
00:54Pero sabi niya, sa halip na magsagawa ng dredging at linisi ng DPWH
00:59ang Zapote River para lumalim at dumaloy ang tubig,
01:02nagtayo pa ito ng kalsada sa gilid ng ilog.
01:06Kumipot tuloyan niya ang ilog at mabilis ng umapaw,
01:09kaya mabilis bumaha sa syudad.
01:10Malaki po ang inoccupy nito doon sa Zapote River,
01:14na kung saan makikita natin ngayon na talagang medyo nabawasan
01:21yung puwang o yung luwang ng river
01:25na nagdudulot ngayon ng problema dito sa Las Piñas.
01:31Kasi nung araw na mas malapad ito,
01:33mas maraming tubig ang dumadaloy dito.
01:37May gumuho na rin bahagi ng reprap.
01:39Ang bahaging ito ang kasalukuyang kinukumpuni ng DPWH.
01:43Itong river na to, hindi dapat tinayo po ito para gawing kalsada.
01:49Ito po ay para linisin lang ang river.
01:52Pero kitang-kita niyo po,
01:54ang mga nag-initiate ng mga predecessors ko po dito.
01:58Conflict of interest po, very clear dito.
02:00Kasi po lahat po ng kalsadan dinaanan dito,
02:03papunta po doon sa mga lupa nila ng mga villiar.
02:07Kasi nagpagawa po mga bridge dito,
02:09papunta lahat dyan sa mga properties nila.
02:11Ang dulo po nito ay isang malaking mall na pag-aari din ng pamilya villiar.
02:15Ayon kay Congressman Santos,
02:17noon pang 2012 sinimula ng kalsada na may haba na ngayong
02:20hindi bababa sa 10 kilometro.
02:23Habang binabaybay namin ang Las Piñas-Zapote River Road,
02:27may mga poster na nagsasabing proyekto ito
02:29ng magkapatid na Sen. Mark at Camille Villiar
02:32at kanilang inang si dating Sen. Cynthia Villiar.
02:35Si Santos ang nakalaban at nakatalo kay Cynthia Villiar
02:38sa pagka-Congressman noong nakaraang eleksyon.
02:41Wala naman pong question.
02:43Sino naman pong magbe-benefit dito?
02:45Eh nagre-reklamo po ang mga kababayan ko sa bahanga yun.
02:48Maging mga creek, tinayuan na rin ang kalsada.
02:51Tulad dito sa Talong Creek, Barangay Pulang Dos.
02:54Ang bahaging ito ng creek,
02:55nagbuka ng kanal sa kipot dahil sa itinayong kalsada.
02:59Noong September 2024, ayon sa mga residente,
03:02gumuho ang retaining wall dahil sa dami ng tubig
03:05at naipong mga basura sa creek.
03:07Sa unang pagkakataon, binaha ang kanilang subdivision.
03:11Gumiba. Gumiba siya.
03:13Nag-bridge yung aming wall.
03:15Pinasok kami ng tubig.
03:17Ang tinakatakot namin, papasok na naman ang tag-ulan.
03:20Wala na tutulog dito.
03:21Sa pahayag ni dating Sen. Cynthia Villiar,
03:24sinabi niya na ang Las Piñas-Zapote River Drive
03:26ay isang flood control at traffic decongestion project
03:29upang ma-rehabilitate ang Las Piñas River
03:32at makapagbigay ng pangmatagalang solusyon
03:34laban sa pagbaha sa lungsod.
03:36Bukod sa pagkontrol sa baha at rehabilitasyon ng ilog,
03:40kasama rin daw sa layunin ng proyekto
03:41ang pagluwag ng trapiko at pagkonekta ng mga komunidad.
03:45Patunay daw ang River Drive na prioridad nila
03:47mga proyektong makakatulong sa pagkontrol ng baha,
03:50paglilinis at pagunlad ng kanilang lungsod.
03:53Gidney Villiar,
03:54ang paratang na ginawa ito para palabasing pabor lamang
03:57sa ilang pribadong ari-arian
03:59ay isang paninilang politikal na wala umanong basihan.
04:02Mackie Pulido, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended