00:00Sa panahon ng patuloy ng modernisasyon, kasabay nitong umuunlad ang paraan natin sa transportasyon.
00:08At narito mga kaganapan sa pre-event press conference ng 13 Philippine Electric Vehicle Summit.
00:15Panorin natin ito.
00:17Sa mabilis na takbo ng panahon, kasabay ding umuunlad ang paraan ng ating pamumuhay.
00:23Isa sa pinakamalaking pagbabago ay makikita sa ating transportasyon.
00:27Upang matugunan ang hamon ng climate change, unti-unti nang umuusbong ang mga electric vehicles o EVS.
00:35Ito ay ang mga sasakyang pinapaganan ng baterya at kuryente sa halip ng gasolina.
00:41Sa ganitong paraan, mas nagiging efficient ang biyahe at nababawasan ang polusyon.
00:47Kamakailan lang ginanap sa tagig ang pre-event press conference ng 13 Philippine Electric Vehicle Summit.
00:54Ipinaliwanag ni Director Patrick Aquino ng Department of Energy.
00:57na ang EVS ay mag-ooperate sa pamamagitan ng renewable energy tulad ng solar energy, wind energy, geothermal heat at iba pa.
01:08Ang mga ito ay likas na yaman na hindi naubos at hindi nagdudulot ng polusyon.
01:14Our key po ang magpa-power para sa EV. At yun po yung direksyon na ginagawa ng ating pamahalan.
01:22Meron tayo, pupunta ko kayo sa DOE office at yung aming mga sites na nag-demonstration kami.
01:29Meron po tayo sa Clark, sa Subic at sa Pangasilan, yung ating mga charging stations may solar na rin kasama.
01:37So yun po yung nakikita na ating direksyon para maipsan.
01:41Magaganap ang Ika-13 Philippine Electric Vehicle Summit sa isang mall sa Pasay mula October 23 hanggang 25
01:50na may temang Charge Ahead, Ignite the Evolution.
01:54Ang modernisasyon ay hindi lamang tungkol sa pagsabay sa uso,
01:58kundi dapat nakaangkla sa mas malalim na layunin ang pagprotekta sa ating inang kalikasan.