00:00Imbisigahan ng Bureau of Customs ang 40 luxury cars na pagmamayari ng mag-asawang Sara at Pasifiko Diskaya.
00:07Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nebomuseno, titignan nila kung lihitin mo ang pag-import sa mga naturang sasakyan at kung nagbayad ang mga diskaya ng tamang buwis.
00:16Pinag-aaralan pa ng BOC kung paano may inspeksyon ang mga sasakyan na nasa bahay ng mga diskaya.
00:22Hindi rin kasi uubra ang Letter of Authority o LOA na karaniwang ginagamit ng custom sa pag-iinspeksyon sa mga warehouse o commercial establishment.
00:30Usap-usapan ng mga diskaya matapos mag-viral ang mga video kung saan naitampok ang kanilang luxury cars.
00:36Ang mag-asawang diskaya ang may-ari ng Alpha and Omega General Contractor and Development Corporation na kasama sa top 15 contractors na may pinakamalalaking flood control projects sa bansa.
00:47Sinubukan ng GMA Integrated News na kunin ang panig ng mag-asawa pero wala pa silang sagot sa aming mga text at tawag.
00:55Gusto mo bang mauna sa mga balita? Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.