Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Naharap sa patong-patong na reklamo si DPWH District Engineer Abelando Calalo dahil sa tangkang panunuhol umano kay Batangas 1st District Representative Leandro Leviste.
00:11Alok ni Leviste kay Calalo maging state witness at ilabas ang nalalaman niya tungkol sa katiwalian.
00:18Saksi si Ian Cruz.
00:20Reklamang direct bribery, corruption of public officials at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
00:31Yan ang kinakaharap ni District Engineer Abelando Calalo matapos maaresto dahil sa tangkang panunuhol umano kay Batangas 1st District Representative Leandro Leviste.
00:41Isin ang panin Leviste ang patong-patong na reklamo sa Office of the Provincial Prosecutor ng Batangas kanina.
00:49Engineer, bakit po kayo may dalang 3 milyon?
00:55Pwendo ni Leviste ang sabi sa kanya ni Calalo, natutuwa ang mga kontraktor sa kanyang mga programa kaya gusto nilang magpadala ng tinawag daw nitong suporta.
01:06May isang kontraktor na handa na raw mag-withdraw ng inisyal na 15 milyon pesos cash para sa akin kinabukasan.
01:17Yung 3.1 milyon pesos naman na dala ni DE ay 3% mula sa isang kontraktor na may 104 milyon pesos in projects na may resibo at komputasyon sa supot ng pera na dala ni DE.
01:36Ang paliwanag umano sa kanya ay nakasanay ng huwag mag-bidding at congressman na umano ang pumipili ng kontraktor na magbibigay ng SOP.
01:47Kung nag-agree ako kay DE, ngayong linggo ay imimit na sana namin ang mga kontraktor at makakapagbigay na po sila ng milyon-milyong pisong DPWH kickbacks mula sa 2025 projects na na-award na sa kanila.
02:08Sa loob ng tatlong taon, aabot po siguro sa mahigit 1 billion pesos ang DPWH project kickbacks na nakalaan para sa congressman ng unang bisbito ng Batangas.
02:26Alam ni Leviste na mas malawak pa ang sistema ng korupsyon, kaya umaasa siyang papayag si Kalalo na magsilbing state witness.
02:35I proposed to Engineer Kalalo when we crossed paths in the office of the provincial prosecutor earlier that he turn state witness and help us uncover corruption in the DPWH system.
02:51Ano pong pagod niya?
02:53Sa ngayon po, siguro medyo overwhelmed lang si Engineer sa maraming mga nangyayari,
03:00kaya pinagdadasal ko na lang po na hindi man siya pa nakakapagsalita, maglireflect po siya na sana ito po ay magiging isang public service din niya sa ating bansa.
03:15Engineer, paano kung alukin kayo mag state witness? Mapayag ba kayo?
03:19No comment, no comment.
03:22Attorney, kung alukin po siya?
03:23Ayon sa isa sa mga abogado ni Engineer Kalalo, pinag-aaralan pa rin nila kung hilingin sa piskalya na magsagawa muna ng preliminary investigation patungkol sa reklamo.
03:36Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
03:40Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:45Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended