00:00At samantala, kung ngay pa rin po ng issue ng umano'y panunuhol ng DPWH District Engineer,
00:05makakausap po natin si Batangas 1st District Congressman Rep. Leandro Leviste.
00:11Kong Leviste, magandang gabi po sa inyo. Diane Kirar po ito ng Ulat Bayan sa PTV4.
00:16Magandang gabi po sa inyo.
00:18Alright, Kong Leviste, first of all, binabati po namin kayo what you did is very commendable.
00:23But sir, mayaari nyo po bang maikwento po sa amin kung paano po nangyari
00:27yung mula sa pag-contact po sa inyo ni District Engineer Kalalo hanggang sa kanya pong pagkaka-aresto ko.
00:33Yes po ma'am.
00:35Ang mga congressman ay nakikipag-coordinate sa mga District Engineer para sa mga proyekto sa kanilang distrito.
00:41At si Engineer Kalalo ay isang araw nag-text kung pwede niya kaming puntahan.
00:46Ang meeting namin ay nagsimula at halos kaagad niyang sinabi na may gustong ipadala sa akin ang mga kontraktor.
00:57Pero ang paliwalag naman niya ay ito'y para tumulong sa aking mga programa katulad ng mga scholarships na binibigay ko sa mga estudyante.
01:06At syempre sinabi din niya na yung ibang mga projects ng mga kontraktor ay substandard
01:11at baka pwede namin i-meet yung mga kontraktors at magpapadala nga po sila sa mga meetings na yun ng supporta.
01:19Bago pa ang mga meetings na yun, may dala na po siyang isang support na may laman pong 3.1 million at saka isang resibo ng tatlong mga proyekto sa halaga ng 104 million pesos.
01:34Ito po ay 3% ng proyekto na yun at ito po ay galing lang sa isang kontraktor.
01:42Ang sabi po niya ay sa mga susunod na mga araw pwede namin i-set yung mga meetings sa ibang mga kontraktors na nakausap na niya
01:50na sa kabuuan po mahigit 3.6 billion ang mga projects ng aking distrito ngayong 2025
01:57at makakakuha po kami daw siguro ng mga 5 hanggang 10% sa mga projects na ito.
02:06Sabi ko po sa sarili ko na napaka-inappropriate ng sitwasyon na yun
02:13kaya tinawagan ko po ang PNP at syempre alam na po natin ang resulta nito.
02:21Ang incidente na ito ay sana maging isang ehemplo na dapat wala ng korupsyon sa DPWH.
02:30Hindi po si Engineer ang dahilan ng maraming korupsyon sa aming distrito.
02:37Ito po ay nauna pa sa kanya.
02:40At ang isusulong ko po ay mga reforma sa DPWH procurement at implementation
02:47at sana din sa susunod na budget ay ibabat natin ang mga costs ng mga DPWH projects
02:55dahil nakita ko po na talagang may SOP na nakasama sa costings ng DPWH.
03:02Pero kung pipilitin po natin na ibabat ang costs ng mga DPWH projects,
03:09sana mababawasan na rin po ang korupsyon sa DPWH.
03:12Well, Representative La Vista, nabanggit nyo na itong 3.1 million pesos na ito,
03:17wala pa lang ito dun sa isang kontraktor.
03:19So ano-ano po ba yung mga proyekto ang kinasasangkutan pa po ni Engineer Kalalo sa Batangas?
03:24At saan saan lugar po ba ito, sir?
03:28Halos lahat daw po o karamihan ng mga kontraktors
03:32ng 1st District ng Batangas
03:35na may kabuuan budget ng 3.6 billion ngayong taon sa District Engineering Office
03:41ay willing daw na magpadala ng tinatawagan niyang suporta.
03:46At ito po ay hindi naman surprising sa ibang mga politiko
03:49dahil kaya nga po tawag SOP ang Standard Operating Procedure
03:54dahil widespread po talaga ang ganitong mga kalakaran daw
03:59sa mga District Engineering Office katulad ng 1st District ng Batangas
04:05District Engineering Office.
04:07At sana ngayon na may ganitong insidente,
04:10mas magdadalawang isip ang mga District Engineering Offices
04:15na maging conduit para sa ganitong klaseng korupsyon.
04:18Well, Kong Levis, tinabanggit ninyo sa inyong press conference kanina
04:23na ang inyong panawagan ay baka po pwedeng maging state witness nga itong si Engineer.
04:28Kalalo, nagkausap na po ba kayo?
04:30Interested po ba siya?
04:32And may mga lumapit rin po ba sa inyo na mga present and previous DPWH employees
04:36na sabi rin po ninyo ay maari rin po siguro maging state witnessin po
04:40para mas masiwalat po.
04:42Ito pong sinasabi ninyo mga bigger fish na bukod po doon
04:45o mas malaki pa ang accountability dun sa District Engineer, sir?
04:49Opo, unang-una po ako po ay personally na awa kay Engineer
04:53dahil siya naman po ay mabait at kumpara sa ibang mga District Engineers
05:00baka mas may mga, mas worse pa na mga District Engineering Offices
05:05sa ating bansa kaysa sa yung sa First District ng Batangas.
05:09Nagkataon lang na dito sa aking distrito,
05:13hindi po tayo nagtotolerate ng korupsyon.
05:15Pero dapat natin i-focus paano natin masolusyonan ang korupsyon sa buong sistema ng DPWH.
05:22Kaya gusto ko nga sana maging state witness si Engineer Kalalo
05:26para siya po ay pwedeng tumulong para ma-explain at maituro niya
05:32ano yung source ng korupsyon at ano po ang maaring solusyon dito.
05:36Kanina nagsalubong po kami sa Batangas Provincial Prosecutor's Office
05:41at hindi po siya nagko-comment masyado pero sana pag-iisipan niya
05:47kung paano siya makakatulong pa para sa solusyon sa problema lang ito
05:54and hopefully some good will come out of it po.
05:56Ang masasabi po din ay nauunawaan ko bakit mahirap ang pagbabago sa sistema ng DPWH
06:05kasi kung ikaw ay isang empleyado ng DPWH
06:08tapos ang mga iba ay nakikinabang dito
06:12ang mga ibang congressman at mga contractor ay makapangyarihan
06:17nakakatakot po na mag-speak out against this
06:22at baka magkakaroon ng retaliation pa.
06:25Kaya isa din sa mga reforma na tingin ko ay pwedeng isulong
06:28ay ang Wizard Blower Protection Program para sa mga DPWH employees.
06:35Well, sir, will there be mga pangalan na ma-expose in time
06:40na siguro sinasabi nga natin mga bigger fish na involved dito
06:43sa mga maanumalyang flood control projects?
06:47Ang list of projects and contractors ay publicly available naman po
06:54at makikita po natin na meron nga mga proyekto
06:58ng mga kinequestion na contractor sa aking saliling distrito
07:05na yun din po ay nasa screen nyo ngayon kabilang
07:10ang nasira ang mga flood control projects
07:12at I will leave it to others to do their congressional investigations.
07:18Ang focus ko po sa aking distrito ay ang technical audit
07:21at hinihikayat ko po ang ating mga kababayan
07:25na i-document din natin sa ating sariling mga bayan
07:28ang mga substandard na mga projects
07:30dahil ang gobyerno natin ay nagbayad na para sa mga proyektong ito.
07:36Sa flood control projects sa Binambang River sa Balayan Batangas
07:39sinukat po namin dapat 15 meters
07:42pero halos 4 meters lang pala ang inilagay.
07:46At kung ganun po ang ratio din
07:49ng pagkukulang sa ibang mga flood control projects
07:52ang ibig sabihin po pala
07:53ay yung mahigit 1 trillion pesos
07:55na ginastos ng ating gobyerno
07:58para sa mga flood control projects
08:00ay may daang-daang milyong pisong
08:02or billion pisong
08:04nawawala po pala.
08:06Kaya ito po ay isang aksyon
08:08na magagawa
08:09ng ating mga kababayan
08:11kung tignan po natin
08:13saan po may substandard projects
08:16at panagutin natin
08:17sa ating DPWH District Engineering Offices
08:20bakit tinanggap ang substandard projects
08:24at bakit hindi natin ipaayos ito
08:26sa mga kontraktor.
08:27Panghuli na lamang po,
08:28Representative La Viste,
08:29sa ongoing investigation po ito
08:31ay malaking mga pangalan po
08:33ang nababangga.
08:34Meron po bang,
08:35siguro worry na rin po
08:36sa inyong security
08:37and also baka po ang inyong mother
08:39na si Senator Loren Legarda
08:41ano po ang sabi po sa inyo
08:42dahil mabigat-bigat po itong issue na ito
08:44na inyo rin po pinangungunahan
08:46na bisitahin, imbestigahan
08:48at sa mga statement rin po
08:49na inyo pong ipinalalabas sa media.
08:51Kamusta po?
08:53Tama po kayo, Jan.
08:54At ang focus ko naman po
08:55ay ang pag-audit ng mga projects.
08:59Ayoko naman po itong maging personal
09:01laban sa ibang mga tao.
09:04Basta pag may ebedensya tayo
09:05na ang isang proyekto
09:07na dapat halimbawa
09:0815 meters
09:09ay 4 meters lang.
09:10Sana naman po
09:11hindi magagalit sa atin
09:12yung mga kontraktor na yun.
09:14Sana pwede nilang
09:15ayusin na lang
09:16ang mga ginawa nilang mga proyekto
09:19at
09:20ang iniisip ko naman po
09:22basta ang ginagawa natin po
09:23ay tama
09:24then
09:24we can
09:27leave the rest to God.
09:29Salamat po.
09:30Walang datot.
09:30Maraming salamat po
09:31sa inyong oras.
09:32Batangas First District Representative
09:34Congressman Leandro Leviste.
09:36Salamat po ko.
09:36No.
09:37그래요 esto.
09:37Sí.
09:37Yeah.
09:38No.
09:38수道.
09:39You can
09:39do.
09:40All who have been found today's
09:40show.
09:41No.
09:41Yeah.
09:42Get me out.
09:42Yeah.
09:43All right, you stay the study there.
09:43Got you that.
09:43You stay the study there.
09:43Thank you that you
09:45will be subscribed to meass contained a
09:45platform.
09:50Yeah.
09:50Sorry.
09:55Yeah.
09:55Yeah.
09:55You stay the study.
09:56Examples.
09:57OK, you stay the study you
09:57ūp Eine coast of
09:59You can
10:02call on institucent point of
10:02Howショ Land did
10:04you tell.
10:04so we have to be