00:00Nananatili sa Blue Alert status ng Office of Civil Defense sa harap ng patuloy na banta ng masamang panahon na dulot ng low-pressure area at habagat.
00:09Ayon kay OCD spokesperson Junie Castillo, mahigpit ang monitoring at paghahanda ng mga ahensya ng pamahalaan para matugunan ang epekto ng masamang panahon,
00:19kabilang na dito ang pagpreproposition ng relief goods at medical supplies.
00:24Ito'y sa pamamagitan na rin ng mahigpit na koordinasyon sa kanilang regional offices, mga lokal na pamahalaan at iba pang kinaukulang ahensya ng gobyerno.
00:35Bago pa man dumating itong mga bagyo or low-pressure area, nagsasagawa na tayo ng mga pre-disaster risk assessment and scenario building.
00:45So doon po sa pagpupulong na ito, kasama na yung ating mga regional offices, inaalam po natin saan na magiging track nitong weather disturbance, sino ang maapektuhan, ilang tao.
00:57And then, saka po doon, tinitingnan na yung mga anticipated needs natin kaya nakakapreposition na tayo.
01:03Ang DILG po, as you mentioned, DILG, DLWD, NDOH, saka iba pang ahensya, kasama na natin doon sa pagpupulong na yun.
01:11So agad po na nakakapagka-preposition ng mga pangangailangan ito.