00:00Alamin naman natin ang mga kaganapan sa mundo ng international sports scene sa report ni teammate Kate Austria.
00:08Sa tennis, matapos ang ilang taon ng pagkabigo, matagumpay na nakabalik si Emma Raducano sa US Open
00:15nang talunin niya ang Japanese qualifier na si Ena Shibahara sa score na 6-1 at 6-2 sa unang round ng 2025 edition ng torneo.
00:24Mula nang maging kampiyon siya noong 2021, hirap si Raducano na makakuha ng panalo sa Flushing Meadows.
00:30Nabigo siya noong 2022 at 2024 sa unang round at napilitan ding laktawan ang taong 2023 dahil sa injury.
00:38Kaya naman ang tagumpay na ito ay tinuturing na isang malaking hakbang sa kanyang pagbabalik sa forma.
00:44Agad na ipinamalas ni Raducano ang kanyang kumpiyansa sa laban.
00:47Malinis ang kanyang ipinakita at mabilis niyang nakuha ang unang set, 6-1.
00:51Pag sapit ng ikalawang set, hindi na niya binigyan ng pagkakataon si Shibahara na makabawi
00:56at tinapos ang laro sa score na 6-2 at makuhang panalo sa loob lamang na mahigit isang oras.
01:02Sa ikalawang round, makakaharap ni Raducano ang Indonesian qualifier na si Janice Chen
01:06na nagpakitang gilas din matapos patalsikin ng top 24 seed na si Veronica Kudermitova.
01:13Sa balit ng boxing, pinalaya mula sa kulungan si World Boxing Champion Julio Cesar Chavez Jr.
01:19Sa Hermoselio Sonora habang hinihintay ang paglilitis sa kanya, kaugnay ng umanoy koneksyon sa Sinaloa Cartel.
01:26Sa naging pagdinig nitong Sabado, nagpasya ang hukom na hindi na kailangang manatili sa piitan
01:31ng 39-year-old boxer at maaari niyang harapin ang kaso sa labas ng kulungan.
01:35Naaresto si Chavez Jr. sa Estados Unidos noong Julio ng Immigration Authorities matapos ang kanyang laban
01:42kontra kay American Influencer Boxer Jake Paul.
01:45Pagkatapos ay na-deport siya sa Mexico kung saan agad siyang ikinulong dahil sa mga kasong may kinalaman sa arms trafficking at organized crime.
01:53Itinanggi ng kanyang pamilya at abogado ang mga paratang at iginiit na walang sapat na ebidensya laban sa kanya.
01:59Gayun pa man sinabi ni Mexican President Claudia Sheinbaum na nagpapatuloy ang proseso ng mga legal na kinatawan ng Estado
02:06upang palakasin ng kaso laban sa kanya.
02:10Sa motorsport naman, pinatunayan muli ni Mark Marquez ang kanyang dominasyon ng makuha niya ang ikapitong sunod na panalo.
02:17Sa MotoGP matapos niyang makuha ang Hungarian Grand Prix nitong linggo.
02:21Nahigitan ni Marquez ang 21-year-old na si Pedro Acosta na nagtapos sa ikalawang pwesto gamit ang KTM
02:27habang pumakatlo si Italian Aprila driver Marco Bizechi.
02:31Sa pagkapanalo niyang ito, nakukuha ni Marquez ang karagdagang 23 points laban sa kanyang kapatid na si Alex Marquez
02:37na nagpalawak ng kanyang kalamangat na may 175 points sa kabila ng natitirang walong karera ngayong season.
02:44Ito rin ang ikapitong sunod na sprint GP double ni Marquez at ang ikasampu niyang panalo ngayong season.
02:49Bago ang kanyang winning streak, matatanda ang hindi pinalad si Marquez at nagtapos sa third place finish sa British Grand Prix noong May 25.
02:58Keith Austria para sa Pambansang TV sa Pagong Pilipinas.