00:00Bata pa lang pero umukit na na kasaysayan ang Philippine Baseball Under-15 team sa 2025 BFA Asian Baseball Under-15 Championships sa Tainan, Taiwan.
00:11Yan ay matapos mapasakamay ng pambansang kuponan ang fourth spot mula sa walong bansa na lumahok sa torneo.
00:18Sa opening round, tinalo ng kuponan ang Sri Lanka at Hong Kong, ngunit bigong manalo contra Japan at Chinese Taipei.
00:26Huling nakalaban naman ang Philippine team ang powerhouse squad na South Korea kung saan nagtapos ang laban sa score na 15-0.
00:35Bigong man ang makakuha ng podium finish, kinumpirma ng Philippine Amateur Baseball Association, OPABA, na ito na ang pinakamataas na nakuha ng national team sa prestigyosong paligsahan.