00:00Pumarangkada na ang Love for All program ni First Lady Lisa Araneta Marcos sa San Juan City ngayong araw.
00:05Si Denise Osorio sa Detalye Live. Denise?
00:12Audrey, kasalukuyang puno na ng mga taga San Juan ang sports complex na ito para mag-avail ng Love for All.
00:20Laboratorio, konsulta at gamot para sa lahat.
00:23Audrey, isa itong community-based project ng ating unang ginang na si Lisa Araneta Marcos
00:28para maipabot sa ating mga mamamayan ang libreng mga serbisyo dito sa Playtime Floor Center ng San Juan City.
00:39Libreng check-up, laboratory tests gaya ng blood chemistry, ECG at digital x-ray, dental at eye services.
00:47Hanggang sa pamamahagi ng gamot at salamin, lahat ito libre para sa mga residente.
00:52Inaasahang dadalo rin sa aktibidad ang ilang mga opisyal ng pamahalaan para mamahagi ng serbisyo sa libo-libong mamamayan ngayong araw.
01:02Isa itong konkretong hakbang ng ating pamahalaan para sa equitable access sa kalidad at abot kay servisyong medikal.
01:09Isang bahagi ng pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang sektor ng kalusugan para sa isang mas matatag na bansa.
01:18Tinitiyak ng pamahalaan na tuloy-tuloy ang ganitong klase ng inisyatiba tulad ng servisyong medikal na abot at ramdam ng bawat Pilipino.
01:28Audrey, makikita natin sa likuran ko na unti-unti nang napupuno talaga ang ating sports center na ito para sa pagbukas ng Love for All.
01:42Kabilang na ang mga senior citizens at PWDs na binibigyan ng prioridad dito sa Love for All.
01:51Yan ang pinakahuling balita mula rito sa San Juan City. Balik sa'yo, Audrey.
01:56Marami salam at Denise Osorio.