Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
District Engineer ng DPWH Batangas na nagtangkang manuhol kay Rep. Leviste, hawak pa rin ng mga pulis | Mela Lesmoras

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pagtutok ni Congressman Leandro Ligarda Leviste sa mga umano'y maanumalyang proyekto ng DPWH sa 1st District ng Batangas.
00:08Tuloy-tuloy pa rin, ito'y kahit may nagtangkang manuhol sa kanya.
00:12May detalya si Mela Les Moras.
00:17Nananatili pa rin sa kustodya ng Taal Municipal Police Station sa Batangas si Engineer Abelardo Calalo.
00:24Siya ang District Engineer ng DPWH Batangas 1st District na naaresto dahil sa tangkaumanong panunuhol kay Batangas 1st District Rep. Leandro Ligarda Leviste.
00:35Ayon sa mga polis, layon sana ni Calalo na mapigilan ang investigasyon ni Leviste sa umano'y palpak na DPWH projects sa distrito.
00:45Pero, imbis na tanggapin ng suhol, agad siyang isinumbong ng kongresista sa mga otoridad.
00:50Pumunta po kami doon, nabutan namin si DE na may hawak may ecobag at may lamang pera.
00:57Base po sa inventory namin, inabot siya ng 3.1, 26.9.
01:03Sinubukan ng PTV News na kausapin ng sospek pero tikom ang kanyang bibig.
01:08Baka pwede pong makunan kayo ng panig kung may gusto lang po kayo iparating sa publiko.
01:13Sa kabila ng umano'y tangkang panunuhol, hindi naman nagpatinag sa kanyang pagsisiyasat si Leviste.
01:24Nag-inspeksyon pa siya sa binambang Riverbank Protection Project sa Bayan ng Balayan sa Batangas pa rin
01:30na isa sa mga tinitingnang maanumalya umanong proyekto ng DPWH sa distrito.
01:35Paano ba naman, bukod sa sira-sira na ito kahit kapapagawa lang, natukoy rin kulang-kulang sa sukat ang mga sheet pile na ginamit dito.
01:44Dapat 15 meters, 15, 1, 5 ang sheet pile.
01:51At ang unang sinukat ay 3.96, ang pangalawa ay 5.5.
01:57Siyempre po, kung sabihin po natin, sabihin mo na kalahati ng ginastos sa proyektong ito na 338 M o mahigit ay sa sheet pile.
02:07At sabihin po natin, one-third lang pala ang haba ng sheet piles na actually na inilagay.
02:18Yung 150 million pesos worth of sheet piles ay 50 million pesos worth lang pala ang inilagay.
02:28Sabi ni Congressman Leviste, formal siyang maghahain ng reklamo laban kay Engineer Kalalo ngayong Martes sa Office of the Batangas Provincial Prosecutor.
02:38Pero higit sa umunay bribery, nais daw niyang mas mabigyang pansin ang tindi ng epekto ng mga anumalyang tulad nito.
02:45This is more than just about the incident being discussed.
02:50This is about how we can get our money's worth on the 1 trillion pesos in flood control projects
02:55and whether it is really wise for the government to spend another 250 billion pesos plus for new projects in 2026
03:02when instead, if we just do audits like this, we can ask the contractors of the previous projects to cover the cost of repairing and extending them.
03:11Ayon sa mga residenteng nakausap natin, kung gawa lang sana ang proyektong ito,
03:16hindi ganoon kataas ang baha na aabot sa kanila tuwing may kalamidad.
03:20Ayon sa House Infracom na mag-iimbestiga na rin ukos sa isyo ng flood control projects,
03:26posible na rin nilang isama sa kanilang talakayan ang isyo sa Batangas.
03:31Melalas Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended