00:00Samantala dahil ginugunita po natin ngayong araw ang National Heroes Day,
00:03alamin muna natin ang sitwasyon dyan sa libingan ng mga bayani mula kay Audrey Goriseta Live.
00:09Audrey?
00:13Rise and shine, Diane. Rise and shine, Pilipinas.
00:15Ngayong araw ng mga bayani 2025.
00:19Tala ng tema na isang diwa, isang lahi, isang bayanihan.
00:23Muli ang ipinapaalala ang diwa ng pagkakaisa at sakripisyo ng ating mga bayani,
00:31kilalaman o ansang heroes na nagpakita ng tapang at malasakit sa ating bayan.
00:36Sa pangunguna ng National Historical Commission of the Philippines,
00:41katuwang ang Department of National Defense at ang Lusod ng Taguig,
00:45idaraos ngayong Agosto 25 ang pangunahing seremonya dito sa libingan ng mga bayani
00:50kung saan pangungunahan mismo ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggunita.
00:57Isa sa mga tampok na kaganapan ngayon taon ay ang pag-unveil ng bagong Unsung Heroes Monument.
01:02Isang makabuluhang pagpupugay sa mga ordinaryong Pilipinong nagbuwis ng panahon,
01:08lakas at buhay, kahit hindi nasusulat ang kanilang mga pangalan sa mga pahina ng kasaysayan.
01:15Samantala, narawagan ang Department of the Interior and Local Government
01:18sa lahat ng lokal na pamahalaan na ipakita at itaas ang watawat ng Pilipinas
01:24sa mga pampublikong lugar bilang simbolo ng pagkakaisa at pagmamahal sa bayan.
01:30Isang araw ng pagbabalik tanaw, pagtilala at inspirasyon
01:34na sa bawat Pilipino may bayan rin nananahan.
01:39Narito po tayo ngayon sa libingan ng mga bayani sa Taguig City
01:42upang saksihan na maiklim programa bilang pagpibigay-pugay sa mga veteranong
01:47nakipaglaban noong World War II.
01:4983 years makalipas po yung Philippine-Japanese War,
01:53nananatilang sariwa ang alaala ng mga Pilipinong nagbuwis ng buhay.
01:57Sa ngayon po, maganda at maliwalas ang panahon,
02:00bagamat may konting pagkampun kanina madaling araw,
02:03naging maluwag po ang dalawin ng trafiko patungo dito mula sa lunsod ng Quezon.
02:07Handa na rin po ang mga polis, ang mga kawanirin ng AFP para sa pagunita ng araw na ito.
02:14Ninaasahang dadalo sa pagtitipong ngayong araw ang ilang mga World War II veterans.
02:19Of course, NHCP Chairman Regalado Jose Jr., Taguig Mayor Lani Cayetano
02:23at si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
02:27At yan po muna, ang ating pinakuling update. Balik muna dyan sa studio, Deanne.
02:32Maraming salamat, Rodrigo Reseta.