Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

πŸ—ž
News
Transcript
00:00Kung hindi daw maaayos ng Department of Public Works and Highways sa sistema sa flood control projects,
00:05mungkahin ni Senate Committee on Finance Chairman Senador Sherwin Gatchalian,
00:10huwag na itong pondohan sa susunod na taon.
00:12Tinutulan nito ni Bicol Saro Party List Representative Terry Redon
00:16dahil kawawaraw ang mga nakatira sa mga lugar na totoong bahain.
00:21May unang balita si Mav Gonzalez.
00:22Kung lalagyan mo ng pondo, tapos ganyan pa rin, nandiyan pa rin yung sindikato, nandiyan pa rin yung pondohan,
00:31parang tuloy ligaya lang yung mga mayayari.
00:34Naniniwala si Senate Finance Committee Chairman Senador Win Gatchalian na may sindikato sa flood control projects
00:41at kung hindi aniya maaayos ng DPWH ang sistema, hindi na nila po pondohan ng flood control sa 2026.
00:48Li-review namin proseso. Gagayang nasabi ko, kung ang proseso ay maluwag,
00:54aabusuhin at aabusuhin yan ng mga kontraktor at ng sindikato.
00:58Titignan-an yan ang Senado kung paano napopondohan ang mga proyektong ito
01:02at kung umpisa pa lang ay may usapan na sa kontraktor.
01:05Dapat rin na higpitan yung pagbibigay. Embidin kasi natin, igan, mano-mano eh.
01:10Kailangan gumamit na ng bagong teknolohiya lahat, internet na para wala ng human intervention.
01:15Ani Gatchalian, tiyak na may mananagot pagkatapos ng investigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee.
01:22Tutol naman si Bicol Saro Partylist Representative Terry Rido na i-zero ang budget sa flood control sa 2026.
01:29Pagka siniro mo yung flood control, for next year, eh di kawawa ko yung mga nasa mga kailugan.
01:35We have to be a bit more reasonable in all of these things.
01:40Kasi nga, again, we have to state it clearly, flood control is something that is fundamental for climate risk communities.
01:51Sabi ni Sen. Ping Lakson, nakilahok na ang publiko sa pagre-report ng substandard at ghost projects.
01:57Ang huling pagsubok, ang kasiguraduhang may mapaparusahan.
02:01Sana raw may malaking tao na makasuhan at makulong para huwag na pamarisan.
02:06Dahil kung wala, mawiwili ang dating gumagawa at mahihikayat ang di-dati gumagawa.
02:11May isiniwalat naman si Baguio City Mayor Benjamin Magalong tungkol sa mga anyay request at reklamo ng mga kongresista
02:18pag nagsimula ang deliberasyon ng national budget sa Kamara noong nasa PNP pa siya.
02:23Tigla kami makakatanggap ng message sa taas na sabihin ako puntahan nyo na yung mga kongresman
02:29at tanongin nyo na kung ano yung mga kagustuhan nila, ano yung mga complain nila.
02:33Yung mga maayos na kongresman, maayos sa mga tanong, maayos sa mga kahidingan.
02:39Kaya yung mga may kalokohan ay puro parokyal consensyon.
02:45Kaya yung kumbaga paano iportomot yung kanilang sariling interes.
02:50Walang partikular na sinabing request si Magalong.
02:53Dagdag ni Magalong na convener din ng Mayors for Good Governance pag budget hearings.
02:58Hinihingi lang umano ng mga kongresista ang pansariling interes.
03:02Nag-uusap din kami mga mayors.
03:04Pati na rin sa League of Cities, pati mga kasamahan namin dyan sa League of Municipalities.
03:10Kadalasan, isa lang ang complain eh.
03:11Walang konsultasyon sa local government.
03:14Gumagawa ng project itong mga tiwaling kongresman.
03:17Yun ang nasusunod.
03:18Nag-uusap-usap na raw ang samahan ng mga alkade sa sunod nilang gagawin.
03:22Matapos sabihin ni Sen. Laxon na may mga senador at kongresista
03:26ang may kinalaman umano sa mga flood control project.
03:29Handa rin daw si Magalong na humarap sa pagdinig ng kamara ukol sa flood control projects.
03:34Sa susunod na dalawang linggo, inaasahan ang pagdinig ng House Tri-Comittee
03:38hindi lang sa flood control projects, kundi sa iba pang palyadong infrastructure projects ng gobyerno,
03:43kabilang ang Kabagan Bridge at Benguet Rockshed.
03:46Sana raw kung may whistleblowers ay tumistigo roon at magbigay ng ebidensya.
03:50In the event na mapangalanan po ang kahit sinong senador, kahit sinong kongresista,
03:57sa mga usapin po na ito, bibigyan po siya ng karapatang magpaliwanag, sumagot sa komite.
04:03Ito ang unang balita. Mav Gonzalez para sa GMA Integrated News.
04:07Gusto mo bang mauna sa mga balita?
04:10Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended