Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Isang Chinong dinampot sa Naiya ang may modus na ayon mismo sa Bureau of Immigration?
00:05Malaalis guo na may kirao siya ng mga dokumento para palabasing Pilipino siya.
00:10Nakakuha siya ng Pinoy passport, nakapag-negosyo at isa rin umanong honorary consul.
00:16Nakatotok si Rafi Tima.
00:21Hindi na nakapalagpa ang negosyanteng Chinese na ito matapos arrestuhin ang pinagsalib na puwersa
00:26ng intelligence service ng AFP at ng Bureau of Immigration sa Naiya Terminal 3
00:30matapos lumapag mula hong kong kahapon.
00:32He was using a Philippine passport at yun po ang ginagamit niyang identity for the past few years.
00:38Nakita po ng ating mga immigration officers na subject siya ng isang mission order
00:43at ng isang investigation po for allegedly using falsified documents
00:50para makuha po itong kanyang Philippine documents or Philippine identity.
00:55Dati na rin sinampahan ng kaparehong kaso ang Chinese National ilang taon na ang nakakaraan
01:00pero nadisimis ito dahil sa kakulangan ng ebidensya.
01:03Ang difference po doon sa kaso niya ngayon is that may nakita na po na Chinese name niya
01:08at Chinese identity niya at yun po ang nagmatch doon sa records natin.
01:13Nagmatch ang fingerprints ng inaresto sa fingerprints na isang Chinese citizen
01:17na dating na may long-term visa at alien certificate registration identity card.
01:21Ipinakita ng isang source sa GMI Integrated News ang Philippine passport na ginagamit ng negosyating Chinese.
01:26Nakalagay dito ang ginagamit niyang pangalan sa Pilipinas.
01:30Dahil sa pagpapakilalang Pilipino, nakapagtayo siya ng mahigit 30 kumpanya sa bansa
01:34na may kinalaman sa pagmimina.
01:36Naging member rin siya ng iba't ibang business at economic organizations.
01:40Ayon pa sa source, pinangalanan siyang Honorary Consul ng Lao People's Democratic Republic sa Davao City.
01:46Ito rin ang nakalagay sa website ng Honorary Consul ng Lao.
01:49Hanggang September 2024, may aktibidad pa siya bilang Honorary Consul.
01:54Tinawagan namin ang numero ng Lao Embassy sa Pilipinas
01:56at ang Honorary Consul ng Lao pero walang sumasagot sa aming tawag.
01:59Ito po parang very similar doon sa case ni former Bamban Mayor Alice Guho.
02:05Ito ay nakikita namin as a major national security issue
02:09kasi nagagamit po yung mga Philippine documents and Philippine identities
02:13para makagawa po ng iba't ibang krimen dito po sa Pilipinas.
02:18Na-inquest ng Chinese national sa kasong paglabag sa immigration laws ng bansa
02:22at nakadetain sa BI detention facility sa Bikutan.
02:26Ina-expect po natin na may mga kakaharapin pa siyang local cases here in the Philippines.
02:31Sa amin po, umaanda ang kanyang deportation case.
02:33Ngunit hindi po natin mai-implement yan hanggat hindi pa po natatapos
02:37ang mga local cases niya po dito sa Pilipinas.
02:40Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended