Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Maynila po ang lusod sa Metro Manila na may pinakamaraming flood control project batay sa datos mula sa SumbongSapangulo.ph website.
00:09Pero binabaha pa rin ang maraming lugar gaya ng nangyari kanina.
00:12Ang panawagan ni Mayor Esco Moreno, imbistigahan ng Senado ang mga flood control project sa Maynila na anya'y kinasasangkutan ng ilang kongresista.
00:21Ang sagot naman ng ilang kongresista, nag-a-propose lang sila ng proyekto.
00:27Saksi, si Sandra Ginaw.
00:30Baha sa labas ng Senado kaninang umaga dahil sa malakas na ulan.
00:36Kaya ang ilang pari at miyembro ng simbahang magpe-prayer rally dapat sa labas ng Senado, kinailangan sumilong.
00:42Nanta Maria, I don't know, Ipanalaan ko kami makasalanan.
00:46Ang kanila pa namang pinoprotesta, ang kontrobersyal ngayong flood control projects.
00:51The crisis of the heart, the crisis of faith, the crisis of moral crisis.
00:58Talagang bumagsak na, hindi na nahihiya yung mga nagnanako sa gobyerno.
01:04Talagang garapal.
01:06Sa datos na nakalap ng GMA Integrated News Research, may mahigit 1,000 na flood control projects sa Metro Manila na nagkakahalaga ng 52.66 billion pesos.
01:18Sa buong Metro Manila naman, ang City of Manila ang may pinakamaraming flood control projects na nagkakahalaga ng 14.46 billion pesos.
01:29Sa 20 pinakamalaking flood control projects sa Metro Manila, labing tatlo ang matatagpuan sa Maynila.
01:35Kabilang dyan ang installation ng booster pump sa Estero de Magdalena sa Tondo, booster pump sa Estero de Benondo, Estero de Quiapo at iba pa.
01:46Kaya si Manila Mayor Isco Moreno may pasaring kaugnay sa mga flood control projects na tila hindi raw pinag-aralang mabuti kung makakatugon ba talaga sa problema ng baha sa Maynila.
01:57Talagang kami may pinakamalaking flood control project. Iyang mga programa na yan, walang due notice, wala kaming impormasyon, hindi ipinaalam, hindi nabigyan ng pahintulot ng pamalang lungsod ng Maynila, which ordinarily we will give.
02:19Nanawagan pa siya sa Senado na isama sa investigasyon ang flood control projects sa Maynila na anay ay kinasasangkutan ng ilang kongresista.
02:29District 2, District 3, District 6, alam naman ang mga taga Maynila yan. They should be investigated also.
02:35Kaya nga welcome ano yan eh. Welcome development yung ginawa sa Senado.
02:42Ipapagawa ng flood control na hindi tumatakbo o tapos parang wala lang.
02:46Bandang muli, alam mo Sandra, nakakalungkot dito. Alam mo sino sinisisi ng mga congressman o DPWH.
02:54Kawawan DPWH. Pero alam din ng mga Pilipino, alam din ng Manilainyo na mahilig makialam ang congressman sa project ng DPWH. Yan ang katotohanan.
03:05Si Manila 3rd District Representative Joel Chua sinabing nagpopropose lang naman ang mga kongresista.
03:12Kami, ang trabaho namin, mag-propose ng mga project. Kalimbawa, yung mga infrastructure na sa tingin namin ay kailangan.
03:20Dahil kada distrito, may mga umiikot dyan ng mga district engineer at sila ang tumitingin talaga.
03:27Itinanggi rin ang kongresista ng 2nd District ng Maynila na may kaugnayan siya sa flood control projects.
03:33Puro po hearsay naman si Mayor Isco Moreno eh. Ang kongresman, nagpopropose lang naman talaga ng project sa DPWH. Pero para makialam, hindi po ako engineer.
03:42Sa gitna nito, kapwa sinabi ni na Moreno at DPWH, Secretary Manuel Bonoan, na maraming aspeto ang flood management.
03:50Bukod sa pagdaregdag ng pumping stations, kailangan din halimbawa na ayusin ang dinadaluyan ng tubig, linisin ang mga estero, kolektahin ang mga basura.
04:00Actually, sinasabing namin, yung ginagawa namin ng engineering interventions in Metro Manila is just part of the flood management program in Metro Manila.
04:10Flooding in Metro Manila ay test to be done, collectively and holistically.
04:15I-address naman natin yung waste management. I-address natin yung mga resettlement ng mga informal settlers.
04:22I-settle natin yung old drainage systems. Hindi naman namin lahat pa niyan eh.
04:29Para sa GMA Integrated News, ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
04:35Mga kapuso, maging una sa saksi. Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended