00:00Samantala, inaasahan madaragdagan pa ang mga pasilidad na maaaring magbigay ng libre gamot sa ilalim ng Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment o Gamot Program ng PhilHealth.
00:11Aabot sa hanggang 20,000 pisong halaga ng libre gamot ang pwedeng makuha ng PhilHealth member kada taon.
00:18Ang detalye sa report ni Bien Manalo.
00:20Epektibo na ang mas pinalawak na PhilHealth Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment o PhilHealth Gamot.
00:30Maaaring nang makapag-avail ang mga miyembro na ngaabot sa 75 outpatient medicines sa mga accredited gamot facility na may annual benefit limit na 20,000 piso.
00:41Kasama rito ang mga gamot para sa impeksyon, asthma at chronic obstructive pulmonary disease o COPD, diabetes, high cholesterol, high blood pressure at sakit sa puso at nervous system disorders kasama na rin ang supportive therapies.
00:57Ilan sa mga accredited gamot facility ay VidaCure, Generica Drugstore, CGD Medical Depot Incorporated at Chinese General Hospital.
01:05Una nang inilunsad ang PhilHealth Gamot noong 2023 pero sa ilang probinsya pa lang.
01:11Paalala naman ang PhilHealth sa mga miyembro nito na panatilihing updated ang kanilang record para sa mas mabilis sa transaksyon sa pag-avail ng benepisyo.
01:20Para sa senior citizen na sinanay Perla, malaking kabawasan ito sa kanilang gastusin sa gamot na umaabot sa 6,000 piso.
01:28Kasama rito ang kanyang maintenance sa high blood, multivitamins at pampatak sa mata ng kanyang mister na inopera lang sa mata dahil sa katarata.
01:37Nagpapasalamat siya sa PhilHealth dahil wala silang binayaran sa operasyon ng kanyang mister na posibiraw saan ang umabot sa 50,000 piso.
01:45Napakaganda ng pinanungay sa mga senior kasi ang laki ng kaluwagan, 20,000. Makakamino sa amin, makakatulong ng malaki.
01:56Nagkapasalamat ako sa PhilHealth na bibigyan kami ng tulong para sa mga senior citizen. Yun lang po, salamat po sa PhilHealth.
02:05Kinakailangan munang magparehistro ng mga binepesyaryo sa PhilHealth Yakup Clinic na malapit sa kanilang lugar para ma-avail ang PhilHealth gamot.
02:14Kailangan na may preskripsyon mula sa primary care doctor na naglalaman ng Unique Prescription Security Code o UPSC na siyang ipapakita sa alinmang gamot facility kasama ang government-issued ID card.
02:26Ayon sa PhilHealth, 24 na iba pang facilities sa National Capital Region o NCR ang nagpasa na rin ang kanilang letter of intent para sumali sa naturang programa.
02:38BN Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.