Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Pumalag si Vice President Sara Duterte sa sinabi ng Malacanang na complete failure siya bilang sekretary noon ng Department of Education.
00:08May patutsada rin siya sa Pangulo. Balitang hatid ni Ivan Mayrina.
00:14Hindi ako ang failure. Siguro ang failure is yung 10.30 pa lang ng umaga. Amoy alak ka na.
00:24Ganito sinagot ni Vice President Sara Duterte ang pagsabi ng palasyo na naging complete failure umano siya bilang kalihim ng Department of Education.
00:33Ang tinutukoy niyang amoy alak umano si Pangulong Bongbong Marcos.
00:37At ang insidente kung kailan daw niya yan naamoy na magsumiti siya ng resignation bilang Depend Sekretary noong June 19, 2024.
00:45Yun yung pag-alis ko. Nagbeso-beso siya sa akin.
00:5110.25, 10.30 naman. Amoy alak siya.
00:58At kung ako ang pahulain kung ano yung alak na yun, whiskey.
01:05Pero hindi ko naman siya nakita.
01:08Nag-inom ng whiskey. Nakikita ko siya lagi umiinom ng champagne.
01:12Pero amoy alak siya.
01:14At 10.30 in the morning.
01:17Doon ko, doon na-confirm yung decision ko na mag-resign.
01:28I-dinitalye pa ng vice kung paano siya pinilit kumbinsihin o ng Pangulo na manatili sa gabinete at inalok pa ng ibang pwesto para rito.
01:36Hiningi pa nga raw ang tulong niya para sa election 2025.
01:39Kaya ang tingin ng vice, saan naging tono ng Pangulo?
01:43Hindi yun actions ng taong tumitingin as failure ako.
01:51Action yun ng taong tumitingin na kailangan niya yung trabaho ko.
01:55So, hindi ko alam saan nagagaling yung sinasabi nilang failure ako sa Department of Education Secretariat.
02:08Ang pagtawag ng palasyo na complete failure kay Duterte, sagot naman nila sa naunang banat ng vice na napag-iwanan ang estado ng edukasyon sa Pilipinas dahil sa mabagal na pansabay ng bansa sa pagwabago.
02:21Si Palas Press Officer Claire Castro, hindi kumbinsido sa kwento ni BP Sara.
02:25Sa kanyang statement, sinabi ni Castro na mahirap pero paniwalaan ng mga kwento nang madalas nagiging source ng fake news.
02:33Lahat raw ng kwentong ito ay layong siraan ng Pangulo dahil nais siyang pababayin ito sa pwesto para ang vice ang maging Pangulo, bagay na tinawag niyang makasariling hangari.
02:43Ikinumpara rin ni Castro Pangulo na maaga raw gumigising para sa mga event at meeting.
02:48Di tulad anya ng iba na tanghali na kung gumising.
02:51Ivan Mayrina nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment