Skip to playerSkip to main content
A low-pressure area (LPA) located east of Aurora province may develop into a tropical depression within 24 hours, the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) said on Friday, Aug. 22.

READ: https://mb.com.ph/2025/08/22/lpa-near-aurora-likely-to-develop-into-tropical-depression-says-pagasa

Subscribe to the Manila Bulletin Online channel! - https://www.youtube.com/TheManilaBulletin

Visit our website at http://mb.com.ph
Facebook: https://www.facebook.com/manilabulletin
Twitter: https://www.twitter.com/manila_bulletin
Instagram: https://instagram.com/manilabulletin
Tiktok: https://www.tiktok.com @manilabulletin

#ManilaBulletinOnline
#ManilaBulletin
#LatestNews

Category

πŸ—ž
News
Transcript
00:00Patuloy pa rin mga karanas ng mga pagulan yung malaking bahagi ng ating bansa,
00:04dulot ng low pressure area at ng habagat.
00:07Kaninang alas 3, yung LPA na minomonitor natin ay huling na mataan sa layong 150 km silangan ng Baler Aurora.
00:16Generally, kikilos po ito pakhanluran at ngayong araw, ina-expect natin na tatawi dito dito sa ating kalupaan,
00:23mainly over dito sa area ng Central Luzon.
00:27Magre-re-emerge ito or tatahakin po nito yung West Philippine Sea,
00:31posible po yan mamayang gabi or bukas ng madaling araw.
00:35Tumataas na din po yung chance na nito na ma-develop at maging isang ganap na bagyo within 24 hours.
00:42So most likely, ina-expect po natin kapag itong LPA na ito ay nandito na sa area ng West Philippine Sea,
00:49ay mabilis po yung magiging development nito into a tropical depression.
00:53Ngunit hindi rin po natin ni-roll out yung possibility na bago man po nito tahakin itong kalupaan,
01:00ay ma-develop na po ito as a bagyo.
01:03So possible po earliest development natin as a tropical depression is ngayong araw.
01:09Ina-expect po natin kapag ito ay naging isang ganap na bagyo na ngayong araw,
01:13ay magtataas po tayo agad ng wind signals dito sa ilang area ng Northern at Central Luzon.
01:20So patuloy lamang po mag-antabay sa updates na ipapalabas ng pag-asa.
01:24And bukod po dito, kahit man as a bagyo or as a low pressure area,
01:30expect po natin for today na significant po yung rainfall or yung mga pag-ulan
01:35na dadalhin itong weather system na ito dito sa malaking bahagi ng Luzon ngayong araw.
01:42So dobly ingat po para sa ating mga kababayan sa posibilidad ng mga pagbaha at pag-uho ng lupa.
01:48Samantala, ang habagat naman patuloy din magdudulot ng mga pag-ulan ngayong araw,
01:53lalong-lalo na dito sa western section ng Luzon, ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
01:59So mali po, dobly ingat pa rin sa mga kababayan natin sa posibilidad ng mga pagbaha at pag-uho ng lupa.
02:05And ina-expect po natin itong mga pag-ulan na dala ng LPA at ng habagat ay magpapatuloy po hanggang bukas.
02:13And for the rest of our long weekend naman or by a Sunday or Monday is medyo mababawasan na po yung mga pag-ulan na ating mararanasan.
02:21Maliba na lamang po sa mga pag-ulan na dulot pa rin ng habagat dito sa may western section ng Luzon.
02:28At kaugnay nga po ng mga pag-ulan na dulot ng low-pressure area at ng habagat ay meron tayong pinalabas na weather advisory
02:37kung saan for the 24-hour duration, posible po yung 50 to 100 mm of rainfall dito sa area ng Cagayan, Isabela, Ifugao, Benguet, La Union,
02:49Pangasinan, Zambales, Bataan, maging dito sa Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, Quirino at Nueva Vizcaya.
02:56Maging dito din po sa area ng Quezon, Camarinas Norte at Camarines Sur, dulot po ito ng low-pressure area.
03:04Samantala, ang habagat naman ay posible din po magdala ng 50 to 100 mm of rainfall ngayong araw
03:10dito sa bahagi ng Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, rest of Bicol Region.
03:20Maging dito sa Aklan, Antique at sa area din po ng Palawan.
03:24So meron tayong banta ng mga pagbaha at paguhon ng lupa, kaya doble ingat po para sa ating mga kababayan
03:30at makipag-ugnayan po tayo sa ating mga LGU para sa mga aksyon na kailangan natin gawin para sa ating kaligtasan.
03:39Samantala, for tomorrow naman po, posible pa rin yung 50 to 100 mm of rainfall,
03:45dulot po ng low-pressure area dito sa area ng Pangasinan, Zambales at Bataan.
03:50Andulot naman po ng Habagat dito sa area ng Palawan, Occidental Mindoro at sa bahagi po ng Antique.
03:57So patuloy pa rin pong pag-iingat sa ating mga kababayan sa banta pa rin ng mga flash floods at landslides.
04:04At para nga sa maging lagay ng panahon ngayong araw ng Biyernes,
04:08magiging maula po yung kalangitan, posible yung mga katamtaman hanggang sa mga malalakas na pagulan
04:13dito sa bahagi ng Metro Manila, maging sa Central Luzon, Ilocos Region, Cordillera at Missive Region,
04:20maging dito din sa area ng Cagayan Valley, dito sa bahagi ng Rizal, Quezon, Laguna, Camarines Norte at Camarines Sur,
04:29dulot po ito ng low-pressure area.
04:31Samantala, for the areas naman ng Nimaropa, Cavite, Batangas at sa nalalabing bahagi pa po ng Bicol Region,
04:39ay may mararanasan din tayong mga katamtaman at mga malalakas na pagulan na dulot naman po ng habagat.
04:46So muli po, pagiging alerto pa rin sa ating mga kababayan sa banta ng mga pagbaha at paguhon ng lupa.
04:53And kapag po tayo ay lalabas, huwag pa rin natin kalilimutan yung mga pananggalang po natin dito sa mga pagulan na ito.
04:59Agwat na ang temperatura dito sa Metro Manila ay mula 25 to 31 degrees Celsius.
05:05Samantala, dito naman sa bahagi ng Visayas at Mindanao, ito pong area ng Palawan,
05:13maging ang Western Visayas, ang bahagi din ng Negros Island Region,
05:17Zamboanga Peninsula, Bar, maging yung area din ng Soxargen,
05:21Lanao del Norte at Misamis Occidental ay makakaranas din po ng maulap na kalangitan.
05:26Posible po yung katamtaman at kuminsan ay mga malalakas na pagulan,
05:31lalong-lalong na yan dito sa ilang areas ng Western Visayas,
05:35kaya patuloy pa rin pong pag-iingat para sa ating mga kababayan.
05:39Samantala, for the rest of Visayas at Mindanao naman,
05:42magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap po yung ating kalangitan.
05:46May mga isolated na mga pagulan po tayong mararanasan,
05:50dulot po ito ng habagat.
05:52And posible pa rin po na kuminsan makaranas tayo ng mga malalakas na pagulan,
05:56kaya dobly ingat pa rin sa posibilidad ng mga pagbaha at paguhon ng lupa.
06:01Agwat ng temperatura sa Cebu ay mula 26 to 31 degrees Celsius
06:06at sa Davao naman ay 24 to 32 degrees Celsius.
06:12Para naman po sa alagay ng dagat baybayin ng ating bansa,
06:16wala po tayong nakataas na gale warning,
06:18kaya malaya mga kapalaot yung mga kababayan natin,
06:20mga ngisda, pati na rin yung may mga maliliit na sasakyang pandagat.
Comments

Recommended