Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Yes, mga kapuso, bantay-biyahin pa rin po tayo ngayon dito sa isa sa mga bus terminal dito sa Cubao.
00:06Dahil nga, long weekend, dahil sa Lunes, holiday, at yan po ay pinagiriwang natin ang National Heroes Day.
00:14At sa mga sandali pong ito, nakikita natin, pasado alas 7 na po ng umaga, ay medyo maulan po dito sa Cubao.
00:23Sa ating kinaroonan, makikita natin, kahit na medyo maulan po, ay tuloy-tuloy naman ang dating ng mga mangilang-ilang mga pasahero sa mga sandaling ito.
00:34Ang sinasabi ng pamunuan ng bus terminal na ito ay after lunch, inaasahan talaga yung dagsa ng mga pasahero na inaasahang aabot hanggang 7,000 na mga pasahero.
00:46Kahapon, isa rin pong holiday, nakapagtala po ng 4,000 na mga pasahero na dumating dito dahil Minoy, Aquino Day, at yung ilan nag-advance na ng kanilang alis, papunta sa kanilang mga probinsya.
01:01Sa ngayon, nakikita natin, nakapila pa rin yung mga bus dito, naghihintay ng mga pasahero.
01:07Ang sinasabi sa atin din ng pamunuan ay nasa 30 to 40 minutes yung interval ng alis na mga bus na ito.
01:16Pero sa ngayon, sapat yung bilang ng mga bus para ma-accommodate lahat ng darating ng mga pasahero.
01:24Kung sakasakali man daw na magkulang, meron silang mga units na nakaantabay para hindi naman po magkaaberya at hindi magkaroon ng problema sa mga pagbiyahe.
01:37Dahil kung meron mga mag-walk-in pa rin, which is allowed, which is okay dito sa bus terminal na ito,
01:42kahit hindi po kayo nakapag-book online, o hindi kayo nakapag-advance ng booking,
01:46pwede po kayo mag-walking dito, e meron daw po silang sapat na mga pasahero na darating.
01:51I mean, may sapat silang mga bus na mag-a-accommodate sa lahat ng mga pasaherong darating dito sa bus terminal.
01:57At sa lunes naman po, inaasahan yung pagbabalik ng mga pasahero dito,
02:01inaasahan naman na aabot hanggang 10,000 yung mga pasaherong darating o magsisibalikan by Monday
02:08dahil pasukan na ulit sa Martes. At abiso rin po ulit ay agahan natin yung pagpunta dito sa bus terminal
02:16para hindi tayo magkaaberya kung sakali may mga inspection pa at kung kayo ay maghahanap ng mga tickets,
02:22at least meron kayong sapat na oras para makuha yung biyahe na nais nyo.
02:27At ingat po tayo mga kapuso sa lahat mga babiyahe po ngayong araw na ito papunta sa iba't iba natin mga destinasyon,
02:34lalo na sa mga pupunta sa probinsya para sa long weekend ngayon nga pong simulang biyernes hanggang sa lunes na po yan.
02:42So yan muna, ang latest na sitwasyon, mag-ingat po tayo, balik po muna sa studio mga kapuso.
02:57So yan muna, ang latest na sitwasyon.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended