00:00Boomwelta ang Malacanang sa pamapatigos ni Vice President Sara Duterte sa Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas.
00:07Hindi ito piniragpas ng Malacanang, lalo na nagsilbi ang Vice Presidente bilang pinuno ng Department of Education sa loob ng dalawang taon.
00:14Si Clay Solpardilla sa report.
00:19Napag-iwanan na raw ang edukasyon sa Pilipinas, sabi ni Vice President Sara Duterte.
00:25Moderno na raw kasi ang sistema ng edukasyon sa ibang bansa, habang tayo, papel at lapis pa rin.
00:32May mga high school student pa rin daw na hindi pa rin marunong magbasa.
00:36Ang batikos ni VP Duterte na nagsilbing pinuno ng Department of Education sa loob ng dalawang taon,
00:43hindi pinalagpas ng Malacanang.
00:46Kung ano man ang kanyang nireklamo, dapat natupad na po sana niya ito sa kanyang panahon.
00:51Ang pagtitiwalang ito ay sa kanyang reklamo ngayon, nagre-reflect lamang na bilang siya ay naging DepEd Secretary ay a complete failure.
01:03Ayon sa Department of Education, malaki na ang nabawa sa bilang ng mga low emerging readers sa ikatlong baitang ngayong buwan ng Hulyo.
01:14Mula kasi 51,537, bumaba na sa 1,871 ang mga batang hirap makapagbasa.
01:22Git ng DepEd, bunga yan ang mga summer literacy drive ng ahensya.
01:27Huwag na raw mag-alala, sabi ng Malacanang.
01:30Nililinis na ng bagong Education Secretary Angara ang mga kalat na iniwan ni Duterte.
01:35Kumodernasyasyon lamang ang pinag-uusapan natin, yung 1,500,000 na mga gadgets, laptops at iba mga teaching materials
01:45ay ginawa naman na po ng paraan ni Secretary Angara na nakabindin lamang noong pang 2020 na hindi nagamit.
01:55So 2024 lamang ito, nasa saayos ni Secretary Angara.
02:00Inihayag ni Duterte ang batiko sa isang event sa Kuwait.
02:04Sinasabing ito na ang pangsampung biyahe ni Duterte sa labasang bansa ngayong taon,
02:09habang si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. limang beses pa lang.
02:14Kaya ang Malacanang, go sa panawagan ni Duterte na isang publiko ang mga travel document na mga opisyal na lumalabas ng bansa.
02:23Kung gusto po nilang ilabas, basta po ang Pangulo kapag ka po lumalabas, alam naman po ng media.
02:27At pinapaalam po at nagre-report ng kanyang mga pangyayari at kanyang maaaring nakakuha ng mga investments at para sa mga turismo.
02:38Nagre-report po ang Pangulo.
02:39Kaleizal Pardilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.