Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Skibidi, Delulu. Look ng spelling ay L-E-W-K at tradwife. Ano rao?
00:10Alam mo ba kung ano yung Delulu?
00:11Hindi ko alam yung Delulu.
00:13Bula lang sir, ano yung tingin?
00:15Delulu, parang medyo, ano, lutang, ganun siguro.
00:19Whiz mo ba nose? Este, hindi mo ba alam?
00:24Ang mga nauusong terminong yan online, nasa Cambridge Dictionary na.
00:28Ilan lang sila sa libo-libong salitang isinama kamakailan.
00:33That's so skibidi, ika nga ng mga gen alpha.
00:36Pero ano nga ba ang kahulugan ng salita?
00:39Ipinasubok namin sa mga kapuso online.
00:42Use skibidi in a sentence.
00:45Ayon sa isang netizen, pwedeng sabihin, ang ganda, skibidi.
00:50Kapag ganyan daw, ibig sabihin ay talaga namang napakaganda ng tinutukoy.
00:54Ginamit din ito noong nakaraang taon, nang binatil yung kapitbahay sa isang episode ng Pepito Manaloto.
01:01Nananadya ka ba?
01:02What the sigma?
01:03Ate Clarissa, you're so skibidi.
01:05Eh kung skibidiin ko yung mukha mo, magsori ka nga.
01:08Ayon sa Cambridge Dictionary, sari-sari ang kahulugan ng skibidi.
01:12Pwedeng cool, pwedeng bad, o hindi maganda.
01:15At pwede rin slang na ginagamit lamang sa biro.
01:19Nabuo raw ito dahil sa animation na nag-viral online.
01:22Ito namang isa, tila maraming makaka-relate.
01:25The word, Delulu.
01:27Use Delulu na sa'yo.
01:29Um, super Delulu ko sa mga idols ko.
01:32Napahugot ang isang netizen, akala raw ay mahal siya.
01:36Pero, Delulu lang pala niya yun.
01:38Go lang sa pagiging Delulu ang isa pa, na-crash din siya ng crush niya.
01:43Isa pang example ng pagiging Delulu, naniniwalang iibig sa kanya ang sikat na artista.
01:49Pasok yan sa kahulugang nasa Cambridge Dictionary na ang Delulu ay isang forma ng salitang delusyonal.
01:55Ito ay pagpiling maniwala sa isang bagay na hindi naman totoo.
01:59Aray naman.
02:00Iba yung mundo mo sa totoong reality.
02:03Pinipid mo yung sarili mo ng hindi naman yun yung actual na nangyayari.
02:06Ayon sa ilang kapuso online ng tradwife ay asawang piniling gampanan ng traditional gender roles
02:13o maging housewife at maging in-charge sa gawaing bahay at suportahan ng kanyang kabiyak.
02:19Ganon din naman ang nakasaad sa Cambridge Dictionary.
02:21O yung tradwife, alam mo?
02:23Traditional wife?
02:24Pero may dagdag na ipinopost ng traditional wife sa social media.
02:28Ang pagluluto, paglilinis at pag-aalaga sa kanyang mga anak.
02:32Isinama rin ka makailan ang salitang L-E-W-K, look.
02:37Naibang forma lang ng L-O-O-K, look o itsura sa Ingles.
02:42Ibig sabihin ay style, fashion o outfit, lalo na kung kakaiba.
02:47Taog na inyan ang inspo, short for inspiration.
02:50O yung mga bagay na gustong gayahin, gaya na lang ng mga nauusong OOTD o outfit of the day.
02:56Kakaiba man sa pandinig, patunay lang yan na nagbabago ang wika sa paglipas ng panahon.
03:01At lalo na sa iba-ibang grupo o henerasyon.
03:04Ayon kay Jomar Cannega, OIC Director General ng Komisyon sa Wikam Filipino.
03:09Dati, para may isamang isang salita sa diksyonaryo,
03:12kailangang lumabas ito ng lima hanggang sampung beses sa mga publication.
03:16Pero ngayon, pinagbabatayan na rin ang frequency o kung gaano ito kadalas ginagamit sa posts, tweets o comments.
03:22Aniya, mahalaga pa rin ituro ang tamang baybay, wastong gamit at formal na anyo ng wika.
03:27Bagaman hindi naman po natin dinidisenfranchise, yung mga kababayan natin na ika nga ay colloquially inclined
03:34o yung kanilang paraan ng pamamahayag ay kung ano yung palasak o dominante sa kanilang grupo.
03:41Sa uli, binigyan din ng KWF na ang wika ay hindi lang tungkol sa salita,
03:45kundi usapin din ng representasyon at kultura.
03:48Can you use the word, delulu?
03:51Ayoko siyang pansinin, sobrang delulu.
03:54Para sa GMA Integrated News, ako si Niko Wahe, ang inyong saksi.
03:59Mga kapuso, maging una sa saksi.
04:01Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended