00:00I can eat the International Criminal Court Chief Prosecutor Karim Khan
00:03na walang basehan para alisin siya sa paglilite sa kasong crimes against humanity
00:07ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:10Hinilain ng kampo ng dating Pangulo na alisin si Khan sa kaso
00:14dahil sa umano'y conflict of interest.
00:16Dati raw kasing kliyente ni Khan ang ilan sa mga umano'y biktima
00:19ng war on drugs bago naging ICC Prosecutor.
00:24Nilinaw ni Khan na hindi siya direct ang nag-imbestiga
00:27o nag-interview sa mga witness,
00:29kundi tumulong lang sa pag-ayos na isusumit ng ebidensya sa dating ICC Prosecutor.
00:34Pagkatapos daw noon, umalis na si Khan sa legal team ng mga biktima.
00:38Nanindigan si Khan na nananatili siyang impartial o patas sa kaso
00:42dahil required yan sa kanyang trabaho.
00:45Hiwalay rin daw ang proseso ng pagsisimula ng imbestigasyon
00:48na pinupuna ng defense team sa kasalukuyang pre-trial investigation.
00:52Naka-leave pa rin si Khan bilang ICC Prosecutor
00:55kasunod ng mga aligasyon ng sexual misconduct
00:58na dati na niyang itinanggi.
Comments