00:00Madali nang matutukoy ng Department of Information and Communications Technology
00:04ang pagkakakilanla na may-ari ng cellphone number na nasa likod ng scam.
00:09Kasunod ito ng paglagda sa Memorandum of Understanding ng DICT at isang telecommunication company.
00:16Yan ang ulat ni Rod Lagusan.
00:19Para palakasin pa ang paglaban sa mga scam sa mga SIM card sa bansa,
00:24ang Department of Information and Communications Technology ay nakipaugnayan na sa isang telco para dito.
00:30Lumagda sa isang Memorandum of Understanding ang DICT at Globe
00:33para mabilis na ma-i-report ng kagawaran sa telco ang mga number na sangkot sa scam o panluloko.
00:39Ayon ka-Sekretary Henry Aguda, kasunod ng SIM Registration Act, may database na para sa mga SIM card.
00:45Yung consumer nag-report na nakakuha sila ng message from a scammer,
00:51sandali na lang namin i-escalate sa Globe.
00:54Tapos si Globe bibigay namin sa aming kaagad kung sino yun.
00:57Pero may privacy protection yan para hindi kung sino-sino pwede namin kunin.
01:03So pag si CICC, which is an attached agency of DICT, makakuha ng reklamo,
01:10immediately malalaman namin kung sino yung nagpadalan.
01:12Paliwanag ni Aguda, noon ay pahirapan pa at tanging bilang ng mga nakarehistro ang datos na naibibigay na impormasyon sa kanila ng mga telco.
01:20Ngayon, ang pagkakakilan nila ay malalaman na o kung sino ang may-ari ng partikular na cellphone number na ginamit sa scam.
01:27Paliwanag pa ni Aguda, ito ay bibigay sa kanila ng Globe na buluntaro yung nakipaugnayan sa kanila.
01:33Kapag may lehitimong law enforcement operation at oras na gumana ang ganitong pamamaraan,
01:38ay kanila itong ipepresenta sa iba pang telco sa bansa.
01:40Si CICC yung mahuhuli. Si CICC yung magsasabi, o eto, nakakuha kami ng report.
01:46Pero hindi lang sa CICC yan. Pwede sila mag-report sa police, sa NBI, sa Department of Justice o kaya sa DTI.
01:54Tapos kami yung sa CICC ang naka-coordinate na mga yan. Tapos sasabihin namin kay telco. Kasama rin namin dyan si NTC.
02:03Ayon naman sa presidente at CEO ng Globe na si Carl Cruz, tungkulin nila ang proteksyonan ng publiko.
02:08Dagdag pa ni Cruz, makakatulong ang pagtutulungan ito para mapalakas pa ang depensa
02:14laban sa mga individual na ginagamit ng mga digital platform para makapangbiktima.
02:19Magtatagal hanggang dalawang taon ang MOU na maaaring marinyo kusaan kabilang sa napagkasundaan
02:24ay ang regular na pagreview dito para sa mas efektibong pagtugon sa patuloy na nagbabagong mga digital threat.
02:31Samantala, patuloy din ang monitoring ng DICT sa e-commerce platforms na napaulat na nagbibenta ng mga pyesa ng MCCC.
02:38O ang device na may kakayang magpanggap na isang cell tower at makapagsend ng mga message
02:44sa mga SIM card na nasa isang partikular na lugar.
02:47Pag yung e-commerce site nagbenta nyan, eh dapat liable sila.
02:51So maglalabas kami ng order na yung mga e-commerce site,
02:57bawal kayo magbenta ng mga components ng MCCatcher.
03:00Hindi pwede yun.
03:01Baga, para ka nagbebenta ng drugs niyan, bawal yun eh.
03:04Kasi yung mga scammers, binibili yan sa mga e-commerce site.
03:08Paliwanag ng kalihim, may isang component na mahalaga para makabuo ng naturong device.
03:13Anya, maglalabas sila ng listahan ng mga component o bahagi ng MCCatcher na hindi maaaring maibenta.
03:19Rod Lagusad, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.