00:00Tiniyak ng National Anti-Poverty Commission o NAPSI na magkakaroon ng mas malakas na boses ang vulnerable sector sa Economy and Development Council o EDC.
00:10Ito'y matapos mapabilang ang NAPSI sa Social Development Committee ng EDC sa ilalim ng Administrative Order No. 37 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:21Ayon kay NAPSI Lead Convener Secretary Lopez Santos III, pakikinggan ang boses sa mga kinatawan ng persons with disability, senior citizens at mga magsasaka at manging isda sa consultative at technical meetings ng Komite.
00:36Isusulong din nila ang pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at mga pribadong insitusyon,
00:43layunin ng NAPSI na matutukan ang mga programa at proyekto ng gobyerno sa mga lugar na maraming mahihirap at vulnerable individuals.
00:52Sa ayon sa datos, ito yung maraming mahihirap na pamilyang Pilipino, yung mga sa komunidad ng mga manging isda, magsasaka, mga katutubo, mga conflict areas,
01:05geographically isolated and disadvantaged areas, mga informal settlements and mga disaster prone areas.
01:14Nananawagan tayo na i-focus dito yung mga projects, services, at ito yung itatampok natin sa Social Development Committee.