00:00Thank you very much.
00:31Nakabawi naman ang Gilas women matapos masungkit ang 73-70 panalo laban sa Lebanon na nagsilbing susi upang mapanatili ang kanilang Division A status at makakuha ng slot para sa 2026 FIBA Women's World Cup Qualifiers.
00:46Mula sa dating number 44, nasa number 39 na ngayon ang Pilipinas sa buong mundo.
00:52Ayon sa pinakabagong tala ng FIBA World Ranking na inilabas noong August 8, 2025 sa region ng Asia at Oceania, nakapuesto ang Gilas women sa 7th slot.
01:03Kasunod ng mga powerhouse teams gaya ng Australia number 3 sa mundo, China number 2, Japan number 9, South Korea number 19, New Zealand number 21 at Chinese Taipei number 33.
01:17Mananatiling abala ang kuponan ngayong taon bilang bahagi ng kanilang pagkahanda para sa 2025 Southeast Asian Games sa Desyembre,
01:26kung saan target nilang mabawi ang gintong medalya sa women's basketball mula sa Thailand na nagkampyo noong huling edisyon.
01:33Bukod dito, nakatakda ni Sumali o sumalang ang Pilipinas sa ilang international tune-up games bilang bahagi ng kanilang preparasyon ayon sa samahang basketball ng Pilipinas o SBP.