00:00Online pagnanakaw naman, naubos ang laman ng mga bank account na isang senior citizen matapos ma-scam ng isang nagpakilalang empleyado ng SSS.
00:09Ang modus alamin sa balitang hatid ni Ian Cruz para huwag maging biktima.
00:17Perang pinaghirapan at inipo ng matagal, naglahong parang bula.
00:21Life savings ng isang senior citizen ang nadali ng scammer ayon sa kumakalat ngayong post sa social media.
00:30Base sa idinitali ng anak ng biktima, alas 11 ng umaga nitong Webes nang tumawag sa kanyang ama ang nagpakilala raw na empleyado ng SSS.
00:41Sinabi raw ng babae na may update ang SSS app at hindi na kailangan pumila sa branch para makakuha ng PRN o payment reference number.
00:51na nagkataong kailangan noon ng kanyang ama.
00:55Ipinadala raw sa email ng kanyang ama ang link para ma-download ang app na kailangang i-install.
01:02Bandang tanghali, hindi raw makontakt nang nagpost ang kanyang ama kaya pinuntahan niya ito.
01:09Hindi pa raw natapos ma-install ang app kahit noong pasado alauna na ng hapon.
01:14Dito na raw siya nagduda na baka raw scam ito.
01:18Sinubukan daw niyang i-turn off o reset ang cellphone ng ama pero ayaw.
01:23Nihindi raw makapag-screenshot at hindi gumagana ang mga pinipinot nila.
01:28Natigil lang daw ang app installation nang alisin niya ang SIM.
01:32At nang i-check ang mga bank account, nalimas na pala ang pera ng ama kahit wala naman daw silang ibinigay na personal na detalye o kahit OTP o yung one-time password.
01:45Inalis nila sa phone ng app installer, inireport sa mga banko ang mga transaksyon, pinablock ang mga card at nagpalit ng passwords at PIN.
01:55Ang social security system, nagpaalala na hindi tumatawag o nagpapadala ng mensahe ang SSS para mag-alok ng espesyal na pribilehyo kapalit ng pag-update ng MySSS o SSS mobile app.
02:10Sa tingin ng isang cyber security professional, posibleng remote access throw dyan ang malware o malicious software na ipinadownload ng tumawag.
02:20Kaya parang na-takeover ng scammer ang cellphone ng biktima.
02:24When installed in your phone or in your laptop, the threat actor will have access, full access to your device and can even prevent the owner to operate the device.
02:39Nakikita niya lahat, nananavigate niya kung saan siya pupunta. Pag may pumasok na OTP, pupunta siya dun sa message, makikita niya. So kung nag-transact siya...
02:51Ang dapat daw tandaan para hindi mga biktima ng mga scammer, huwag kakagat sa mga teks o tawag, lalo ng mga taong hindi kilala.
03:00Huwag tayo makipag-transaction dahil hindi tayo nakakasiguro na maganda ang kahinat na nito.
03:06Ang PNP Anti-Cyber Crime Group, umaasang lalapit sa kanilang tanggapan ng biktima para matulungan nila.
03:13Sana matingnan namin, makausap yung biktima para malaman talaga natin kung ano yun.
03:20Ian Cruz nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments