00:00Pinag-iingat ang Embahada ng Japan ang kanilang mga mamamayan dito sa Pilipinas
00:04kasunod ng pagpatay sa dalawang Japones sa Maynila.
00:07Dalawang suspect ang arestado sa krimen na inaalam kung may iba pang motibo bukod sa pagdanakaw.
00:14May report si Maris Umali.
00:20Kuha ito na CCTV sa Malvar Street, Malate, Maynila, mag-aalos 11 ng gabi nitong biyernes.
00:26Makikita ang bumaba ang mga pasahero ng humintong taxi.
00:29Maya-maya, nagtakbuhan ang mga tao sa paligid.
00:32Tinambangan na pala noon ang dalawang pasahero ng taxi.
00:36Ayon sa Manila Police District, binaril sa ulo ang mga biktima.
00:40Pagtingin namin, may dalawa ng nakabulagta.
00:46Yung isa, kinukuha yung mga gamit ng nakabulagta.
00:51Wala silang parehas helmet, tapos parehas silang nakapacemask, nakasombrelo.
00:57Kinumpirma ng Embahada ng Japan at Japanese Nationals ang dalawang biktima na itinumba ng isang lalaking lumapit sa kanila.
01:05At Anila, tinangay ng mga salarin ang kanilang mga gamit bago tumakas.
01:10Nagpaabot sila ng pahikiramay at nakikipag-ugnayan sa mga otoridad hinggil sa krimen.
01:14Nagbibigay na rin daw sila ng suporta sa mga naulilang kaanak ng mga biktima.
01:19Si Manila Mayor Esco Moreno, bukod sa nakiramay sa mga naulila, nangako rin bibigyan sila ng hustisya.
01:25Nakikipagtulungan daw sila sa PNP at ibang ahensya upang mapanagot ang mga may sala at mapanatili ang kapayapaan sa lungsod.
01:34Matapos ang pananambang agad na bumuo ng Special Investigation Test Group Malvar,
01:39ang mga otoridad na tinututukan mismo ng Regional at District Director para masiguro ang mabilisang paglutas sa kaso.
01:46Hawak na ng MPD ang dalawang suspect.
01:49Ang isa ay ang mismong gunman na kilala siya dahil kita sa CCTV na nagtanggal siya ng face mask.
01:55Ang isa pang suspect, tour guide daw, nakasama ng mga biktima sa taksi.
01:59Nakuha na rin ang pulisya ang motorsiklong ginamit ng mga suspects sa pagtakas.
02:04Hindi pinisinta ng MPD sa media ang dalawang suspect na maaharap sa reklamo robbery, homicide o murder.
02:10Pero nasisilip din ang pulisya na hindi lang ito simpleng kaso ng robbery.
02:14Ito yung tinatawag nating target hit job.
02:17Sekundary yung tinitignan nating robbery para mamislead nila yung pag-iimbestiga.
02:21Maaga pa raw para sabihin kung may sindikato sa likod ng pamamaslang.
02:25Pero sabi ng MPD,
02:26Meron pa tayong mga hinahanap ng mga tao.
02:28Lahat ma'am nitong mga involved dito,
02:31i-account natin at sasampahan natin ang kaukulang reklamo.
02:34Base po ito sa mga ebidensya ang makakalap natin.
02:36Ang Japanese Embassy pinag-iingat ang kanilang mga mamamayan
02:40na pupuntaon na rito na sa Pilipinas.
02:43Mariz Umali, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:58Mariz Umali, nag hai naku.
03:05Mariz umali, ister-i
Comments