00:00Bago matapos ang buwan, nakatagdang magpasya ang LTFRB kung pagbibigyan ang hiling na pansamatalang dagdagpasahe sa mga jeepney.
00:09At sakaling hindi aprobahan, pag-aaralan naman kung pwedeng mamahagi ng fuel subsidy.
00:14Saksi si Joseph Moro.
00:19May rollback na 80 centimo kada litro sa diesel at 60 centimo sa kerosene simula bukas August 19.
00:27Sa kabila yan, ang dagdag na 60 centimo kada litro sa gasolina.
00:32Sa gitna niyan, tuloy ang hiling ng ilang transport group na pisong pansamantala o provisional na dagdag sa pamasahe.
00:39Para sa ilang mga jeepney driver, sakto na ito para makaraos.
00:43Sa presya daw kasi ng diesel, maswerte na maka-take home ng 700-800 peso sa araw-araw na pasada.
00:51Eh, di matatagdagay kita namin.
00:53Pero may ilan namang nagsabing bakaro makasama pa ito sa kanila.
00:56Magiging pasahan pa rin ng mga pasahero namin yun.
00:59Baka lalo po mawalay pa yung pasahero namin.
01:02Kung pagbibigyan ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board o LTFRB,
01:0714 pesos na ang magiging pamasahe sa ordinaryong jeep, 16 pesos naman sa modern.
01:13Bagay na mabigat daw para sa ilang pasahero.
01:16Masyadong mataas naman po yung pamasahe na po.
01:19Ating mga kapekto po yun kasi since puro estudyante po yung nagko-commute, so yung iba binabudget lang po yung pamasahe.
01:28Sa pagdinig ng petisyon kanina sa LTFRB, tanong ni LTFRB Chairman Atty.
01:33May Chawafel Lugwadis III, kulang pa ba ang naunang pisong provisional increase na ibinigay noong October 2023.
01:40Hindi naman daw laging mataas ang presyo ng krudo dati pero hindi nila ito binawi.
01:45Possibly kayang ma-cover na nito yung hinihingi nila ngayon.
01:50Hirit ng mga transport group na sa limang piso na ang pangkalahatang itinaas ng presyo ng diesel,
01:56idagdag pa ang tumataas ng gasto sa operasyon.
01:59Spare parts, the operational costs and maintenance fees and expenses.
02:06Once nag-increase, magiging permanent na po ang increase niyan.
02:09Kung hindi maibigay ang pisong dagdag, maaari naman pakawalan na ang 2.5 billion pesos na fuel subsidy
02:16pero kailangan nasa $80 per barrel ang bentahan ng krudo sa world market.
02:22Sa huling datos na nakalap ng GMA Integrated News Research,
02:26wala pang $70 ang kada bariles ng krudo sa world market.
02:30Pero may pag-aaralan ng LTFRB.
02:32Kahit na hindi ko $80 per barrel ko, pag yung ibang factors naman like wages, like operational costs,
02:42kung tumuas po ito, it could also be a triggering point.
02:46We will ask the OTR to consider other factors.
02:49Hindi na namin mahihintay sapagkat kung mag-e-$80,
02:53doon pa lang namin makakukuha ang aming fuel subsidy. Matagal pa po yan.
02:56Ayon sa LTFRB, bago matapos ang buwan ng Agosto,
03:00ay inaasahan magkakaroon na sila ng desisyon kung papayagan nila ang dagdag pisong pamasahe.
03:06Ipapaproba ng LTFRB sa DOT arang namang desisyon nila katulong
03:11ang mga ahensya ng gobyerno may kaugnayan sa ekonomiya para pag-aralan
03:15kung ano magiging epekto nito sa ordinaryong mamamayan.
03:19Para sa GMA Integrated News, ako si Joseph Morong, ang inyong saksi.
03:23Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:27Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments