Skip to playerSkip to main content
  • 6 weeks ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong August 18, 2025


- Ilang taga-Cavite, hindi nakapasok sa trabaho dahil sa baha


- Abot-tuhod na baha, namerwisyo sa ilang residente sa Brgy. Fort Pikit | Kabaong, binuhat at inilipat dahil sa baha


- Pagtayo ng pumping station sa ibabaw ng sapa sa Brgy. Sto. Domingo, pinuna ng QC LGU | House Appropriations Committee: Mga lugar na hindi bahain, hindi bibigyan ng pondo para sa flood control sa 2026 National Budget | Dating Senate Pres. Franklin Drilon: Buwagin na ang mga district engineer ng DPWH | Senado at Kamara, may kaniya-kaniyang imbestigasyon sa mga kontrobersya sa flood control projects


- 48 oras na palugit ng BSP sa e-wallets para alisin ang link ng gambling apps, tapos na | GCash at Maya, tinanggal na ang kanilang links sa gambling app at sites | Ilang naglalaro ng online gambling, pabor sa pagtatanggal ng links ng gambling apps sa e-wallets | Tulong ng mga mahal sa buhay, malaking bagay para sa mga may gambling disorder, ayon sa isang psychiatrist


- VP Sara Duterte: Mga abogado ni FPRRD, kinuwestiyon ang jurisdiction ng ICC sa kasong crimes against humanity


- SAICT, mas hihigpitan ang inspeksyon sa mga pampublikong sasakyan simula ngayong araw


- Arroz caldo, lugaw, at champorado, kabilang sa Top 100 Porridges in the World ng TasteAtlas


- Alden Richards, na-achieve ang kaniyang first-ever 100km bike ride; nakapag-set ng bagong personal record | Kristoffer Martin, nakasama ni Alden Richards sa century kilometer bike ride


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:30May abot sakong hanggang tuhod pa rin yung taas ng baha dito sa ilang bahagi ng kalya na ito sa ating likuran, dito yan sa boundary ng Kawit at Imus, Cavite.
00:41Mula pa General Trias, Cavite, si Ramon Alnas, maaga siyang bumiyahe para hindi malate sa trabaho.
00:47Pero absent na lang siya dahil tumirik ang motorsiklo niya sa bahaging ito malapit sa Tirona Highway sa Kawit, Cavite.
00:52Ang malaking abala talaga. Abala dahil sa pagpasok mo, sa trabaho, tapos babalik ka pa, tapos gagasuhan mo pa itong pagpapagawa ng motor mo.
01:05May pasahero naman si Romel Rodriguez pero para sa safety nila pareho. Pinababahan na muna niya dahil tumirik na rin ang motorsiklo niya sa baha.
01:12Isa ay sakripisyo ko yung motor ko. Pinababahan na lang yung pasahero. Sobra taas kasi sa gitna.
01:20Absent na rin sa trabaho si Angelo na Manilao dahil pare-pareho sila ng kapalaran, tirik sa baha, tulak motorsiklo.
01:26Nangihinayang siya dahil sa dagdag hassle pa ng baha sa gastusin niya. Kung bakit daw kasi hindi dama ang mga flood control project.
01:34Papagawa mo pa ito, di mo alam kung magkaya ang mga gastos mo.
01:36E, magkano ba yung sasahor natin ngayong araw? E, baka mas lugi ka pa.
01:41Parang wala naman akong nakikitang update or progress dun sa flood control.
01:45Kasi ilang beses, kahit konting ulan, baha pa rin naman sa ibang lugar.
01:49Dito nga, kagabi, ulan lang. Maghapon, baha ka. Dapat ngayon, hupa na yan. Wala namang ulan, baha pa rin.
01:56Ilan lang sila sa mga na-perwisyon ng baha at masamang panahon sa Kawit-Kavite at sa Kalapit na Imus.
02:01Dahil dito, inanunsyo na rin ng kanilang mga lokal na pamahalaan na walang pasok sa pampubliko at pampribadong paaralan lahat ng antas.
02:08May mga paalala rin sa publiko na iwasang lumusong sa baha dahil sa hatin dito ng peligro sa kalusugan.
02:14Summary, ito yung live na situation dito. Pasado las 7 ng umaga.
02:22Maaraw na, hindi na rin umulan ng ilang oras pero ganito pa rin yung baha. Medyo mataas pa rin.
02:27Kahit may mga reminders na huwag lumusong sa bahay, hindi naman ito maiwasan ng ilang mga residente na nandito na lumulusong kahit walang mga bota.
02:36Pero yun nga, meron pa rin kasi siya mga peligro sa kalusugan.
02:39Ito ang unang balita, malarito sa Kawit, Cavite, Bama Legre para sa GMA Integrating News.
02:45Mga kapusa, walang pasok sa Kawit at Imus, Cavite ngay lunes dahil sa baharoon at abayanan kung may dagdag na mga lugar na mag-aanunsyo ng suspensyon ng klase.
02:56Inulaan ng ilang lugar sa bahay ng Malidegao sa Special Geographical Area, Bangsamoro, Autonomous Region of Muslim, Indanao, sa mga nakalipas na araw.
03:05Sa barangay Fort Piquet, kita sa video ng isang residente na abot-tuhod ang baha sa kanilang lugar, itinaas muna nila ang kanilang mga gamit, magdamag nagbantay ang mga residente sa antas ng baha, inulad din ang ilang lugar sa Holosulu.
03:19Nagdulot ito ng gutter deep na baha sa ilang kalsada at nagpahirap sa pagbiyahe ng mga tricycle at ilang residente.
03:25Sa Amandawe, Cebu, apektado ang isang lamay dahil sa baha.
03:36Tulong-tulong ang magkakamag-anak sa pagbuhat sa kabaog sa gitna ng baha para mailipat ito sa mas mataas na lugar.
03:42Sa Cebu City, umapawang sapa sa barangay Pahina Central dahil din sa malakas na ulan.
03:46Pansamantalang lumikas ang mga residente sa gym ng barangay.
03:50Nagka-landslide naman sa ilang highway at bahay, walang naiulat na nasaktan.
03:55Ayon sa pag-asa, ang paglulang sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao ay dulot ng localized thunderstorm.
04:02Sa gitna ng mga kontrobersya sa mga flood control project, hindi raw paglalaanan ang pondo para sa flood control.
04:08Ang mga lugar na hindi naman bahain ayon sa House Committee on Appropriation.
04:12I-sinusulong naman ang isang dating senador na tanggalin na ang mga district engineer ng DPWH.
04:18Mayun ang balita si Jonathan Andal.
04:24Mismong Quezon City LGU ang pumuna kung bakit tinayuan ng pumping station
04:28ang ibabaw mismo ng creek sa barangay Santo Domingo, Quezon City.
04:32Nireject na kasi ito ng LGU dahil hindi anila naaayon sa drainage master plan ng syudad.
04:37Ito ang kanilang sinisi sa pagbaha ngayon sa hindi naman daw dating bahain
04:40na barangay Santo Domingo pati mga katabing barangay at ang stasyon hindi pa pala tapos itayo.
04:47Kahit una nang ginastusan ng 96 milyon pesos,
04:50sabi ng LGU nagihintay pa ng dagdag na 250 milyon pesos mula sa national budget sa 2026.
04:58Ngayon, tiniyak ng pinuno ng House Appropriations Committee na sa bubuuing 2026 budget,
05:03hindi na lalagyan ng pondo pang flood control ang mga lugar na hindi naman talaga bahain
05:08kahit para itulak ito sa kamara ng mga kapwa kongresista.
05:12Kailangan ko pong makausap yung aking mga kasama sa kongreso
05:15kasi kung meron man pong mga areas na kanilang i-advocate,
05:20nalagyan po ng flood control projects pero hindi po talaga kinakailangan.
05:25Unfortunately po, meron din tayong mga kailangan na tanggihan ng mga requests.
05:30Kakausapin daw ni Congresswoman Mikaela Swan Singh ang mga regional office ng DPWH
05:35para matukoy kung ano-ano bang mga lugar sa bansa ang kailangan talaga ng flood control projects.
05:42Mungkahi ni dating Senate President Franklin Drilon,
05:45buwagin na ang posisyon ng mga district engineer ng DPWH.
05:48Ugataan niya ito ng korupsyon na kasabot ang mga politiko.
05:52Ang district engineer, para po sa distrito ng Congress 1 yan, hindi po ba?
05:56Eh, ang nagduplikate po sila sa trabaho ng regional director.
06:01Ang usual excuse na, pera ito ni Congressman so-and-so, pera ni Senator so-and-so.
06:06Kaya, ang ibig sabihin, hindi ka pwede makiala regional director.
06:10Pabor dyan si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na nagsiwalat noon na may ilang kongresistang
06:15nangyikbak o nagbulsa ng pondo sa mga flood control project.
06:19Kramihan daw kasi sa mga district engineer, bagman lang aniya ng mga politiko
06:24at minsan, sila rin daw mismo ang kontraktor.
06:28Sinusubukan pa namin kunan ang reaksyon dyan ng DPWH pero wala pa silang tugon sa ngayon.
06:32Sa Martes, sisimula na ang investigasyon sa flood control projects ng Senate Blue Ribbon Committee
06:37sa pamumuno ni Senator Dodante Marcoleta.
06:40May gagawin ding pagsisiyasat ang Tri-Comity o Tatlong Kumite ng Kamara
06:44ang Public Accounts, Public Works at Good Government.
06:46Suwestyo ni Drilon, dahil may mga politikong dawit,
06:50huwag kongreso ang mag-imbestiga kundi ombudsman at COA o Commission on Audit.
06:55Sang-ayon din sa anya si Sen. J.B. Ejercito.
06:58Napagbibintangan po ang dalawang kamera pero masisiguro ko lang
07:02na sa Senado wala akong kilala na may kontraktor sa amin.
07:08Itong unang balita, Jonathan Andal para sa GMA Integrated News.
07:12Tapos na po ang 48 oras na palugit na ibinigay ng Banko Sentral ng Pilipinas sa e-wallets
07:18para i-unlink ang mga gambling app.
07:21Sumunod naman sa utos na yan ang Gcash at Maya.
07:24May unang balita si Darlene Kai.
07:26Dati po, pag-open mo na makikita mo sa G-Live.
07:32Ngayon po, pag-click ko talaga, wala na siya.
07:34Pagbukas si Johnny ko ng kanyang e-wallet,
07:36hindi na ito nakalink sa online sugal na bilang rider
07:39ay naging libangan daw niya kapag nakatambay at wala pang booking.
07:43Sa utos kasi ng BSP o Banko Sentral ng Pilipinas,
07:46wala na ang link at icon ng gambling app at website sa mga e-wallet.
07:49Sa Gcash, makikita agad ang advisory na nagsasabing tatalima sila sa utos ng BSP.
07:54August 16, sinuspindi na nila ang akses sa gaming.
07:58Sumunod na rin ang Maya sa utos ng BSP.
08:00Din-isable o tinanggal na nila ang link ng gambling site sa games feature ng app.
08:05Unang inanunsyo ni BSP Deputy Governor Mamerto Taconan
08:08ang pag-unlink ng online gambling platform sa hiling ng Senate Committee on Games and Amusement
08:13kasunod na mga panawagang i-ban ang online gambling.
08:17Epektibo raw ito hanggang maisapinal nila ang mga pulisya tungkol sa online gambling payment services.
08:22Malaking tulong daw ito para sa mga nag-online gambling.
08:25Para sa akin po, hindi na po siguro. Para may iwasan na rin.
08:30Hindi lang ako, basta sa mga nakakarami din.
08:33For me, malaking bagay ma'am. Kasi kagaya sa akin, isang rider.
08:37Pag may mga pasero nagubayad through Gcash, kahit mga pangkain mo lang, isugal pa.
08:43Ayon kay Committee Chairperson Erwin Tulfo, ang pag-delink ng e-wallet firm sa online gambling sites ay
08:49senyales na handang makipagtulungan ang business sector sa gobyerno para tugunan ang problema ng online gambling addiction.
08:56Pero dapat din na niyang silipin ang ibang online platforms dahil lumipat daw ang online gambling firm sa mga messaging app at online shopping platform.
09:05Ayon sa isang psychiatrist, mahalaga ang tulong ng mga mahal sa buhay at buong komunidad para matulungan ang mga may gambling disorder.
09:11At nagsisimula ito with self-awareness na we need help and help is always available.
09:19At meron always therapy, be it cognitive behavioral therapy, psychotherapy, group therapy, and meron also medications kung kinakailangan.
09:30Ito ang unang balita. Darlene Cai para sa GMA Integrated News.
09:34Nagain na mosyon ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para kwestiyonin ang jurisdiction ng International Criminal Court sa kasong crimes against humanity labas sa dating Pangulo.
09:45Binahagi yan ni Vice President Sara Duterte na bisitain ang Filipino community sa Kuwait itong biyernes.
09:51Sabi ni BP Duterte, ginigit ang mga abogado ng dating Pangulo na wala ng jurisdiction ng ICC sa kaso dahil lumipas na raw ang one-year limit bago nagsimulang mag-imbesiga ang ICC prosecution.
10:02Noong May 1 pa ay sinumite ng Duterte Defense Team ang tinutukoy na mosyon ng BICE.
10:07Wala pang pa siyang ICC sa naturang mosyon.
10:13Basi higpitan parao ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation o SAIC
10:18ang kanyang inspeksyon sa mga pampublikong sasakyan dahil hindi maubos-ubos sa mga pasaway na driver.
10:24Live mula sa Maynila, may unang balita si James Agustin.
10:27James!
10:33Good morning! Umabot na sa labing limang motorcycle riders at petong mga jeepney drivers yung natikitan.
10:38Sa inspeksyon ay sinasagawa ng mga operatiba ng SAIC sa bahaging ito ng Sampaloc, Maynila.
10:44Bandang alas 6 ng umaga na magsimula ang roadwardiness inspection ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation o SAIC
10:51sa Magsaysay Boulevard. Sunod-sunod ang mga motorsiklo na pinara dahil hindi nakasuot ng helmet ang rider at angkas.
10:58Halos lahat ng angkas ay mga estudyante na iyahatid sa kalapit na eskwelahan.
11:03Todo dahilan naman ang mga rider. Kinumpis ka ang kanilang lisensya at inisyoan sila ng temporary operator's permit.
11:09Hindi rin pinalampas sa mga jeepney na bumabiyahing pudpud na ang gulong o di kaya naman sira ang brake lights.
11:15Sabi ng SAIC, kahit araw-araw ang kanilang inspeksyon ay marami pa rin pampublikong sasakyan na nakikitaan ng mga paglabag.
11:20Kaya masihikpitan nila ito simula ngayong araw.
11:26Ngayong pong mga mahuhuli po natin na mga lumalabag dito po sa ating mga ginagawang roadwardiness inspection
11:33ay irekomenda na po natin for actual inspection ng kanilang mga sasakyan sa LTO
11:39para ito po ay masuri at makita po kung karapat dapat po po bang makatakbo sa mga pampublikong kalsada.
11:46Ang pamaday lang sir, kakagising ko lang kasi kasi pinagkatid lang rin ako ng asawa ko.
11:51Extra lang po ko si dito, nasira kasi yung unit ko. Ngayon lang pa ako nakabiyahing ito.
11:58Eh, pinawagan na ako, bumiyahing ko lang nga po.
12:01Sa matalaygan, dagdag doon sa mga nabanggit natin ng mga natikita na mga jeepney drivers at motorcycle riders.
12:11Mayroon din dalawang bus driver na inisyohan ng ticket.
12:14Yung isa ay putpudang gulong.
12:16Samatalang yung isa naman ay yung tinatawag na out of line.
12:18Dahil ang nandu sa Prangkisa ay biyahe ito sa Sorsogon hanggang Pasay lamang.
12:22Pero nagsakay ng pasahero sa area ng Cubaw.
12:25Yan naman ang balita mula rito sa lungsod ng Maynila.
12:28Ako po si James Agustin para sa Gemma Integrated News.
12:32Ang mga paboritong pagkain, ang mga Pinoy tuwing tagulan gaya na aros kaldo, lugaw at siampurado.
12:37Pang world class na rin ang sarap.
12:40Kabilang ang mga pagkain na yan sa top 100 porges in the world na International Food Guide na Taste Atlas.
12:46Number 2, ang aros kaldo na tinaguri ang Filipino congee.
12:50Inilarawan ang aros kaldo na may siksik na mga sahog at pampalasa gaya ng manok at luya.
12:58Nakakuha ito ng 4.3 na ratings.
13:00Number 10, ang lugaw na kadalasang inihahain tuwing almusal at merienda.
13:05Nakakuha naman ito ng 4.1 ratings.
13:08Number 19 naman, ang siampurado.
13:10Kadalasang sangkap nito ang malagkit na kanin na hinaluan ng tsokolate o cocoa at asukal.
13:17Pwede rin yan i-serve kasama ang gatas at isdang tuyo.
13:21May 3.9 ratings ito.
13:24Ang Taste Atlas ay online food guide kung saan binibigyan ang ratings ng kanilang audience o viewers ang iba't ibang pagkain sa buong mundo.
13:32New biking achievement para kay Asia's multimedia star, Alden Richards.
13:44Na-achieve na ni Alden ang kanyang first ever 100-kilometer bike ride.
13:49Nakapag-set din siya ng panibagong personal record na halos 106 kilometers.
13:54Halos limang oras ang itinagal ng kanyang bike journey.
13:56Kabilang sa mga dinaanan niya ang mga bayan ng Pililya at Tanay sa Rizal.
14:01Naka-one versus one ni Alden sa ride na yan si Christopher Martin.
14:10Biro ni Christopher kay Alden, nakakapagod daw siya habulin.
14:13Kaya sa susunod ay maglaro na lang sila ng chess sa bahay.
14:17Bukod sa pagiging triathlon athlete, supportive hubby rin si Christopher sa kanyang wifey na volleyball player.
14:22Gusto mo bang mauna sa mga balita?
14:27Mag-subscribe na sa JMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended