Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00.
00:07Hindi na nakatayo ang lalaking niya ng pagsusuntukin sa Cebu City, pinagsisiparin ang biktima.
00:13Pero ayon sa mga autoridad, siya raw ang nagsimula roon ng gulo at gumantilang sila.
00:19Binuto raw kasi ng lalaki ang kapatid ng isa sa mga kalaunay ng bugbog sa kanya.
00:24Paglilinaw ng mga autoridad, hindi PWD ang biktima taliwas sa sinasabi nito na may epilepsi siya.
00:31Kakalaya lang din daw ng biktima na harap sa kasong frustrated homicide.
00:36Aminado ang biktima ng miyembro siya ng gang at nakaalitan niya ang kalaban nilang grupo.
00:42Nagkaharap na sa barangay ang mga sangkot sa gulo.
00:45Ang lalaki, wala raw planong maghabla.
00:48Bago ngayong gabi, aristado ang isang umanoy fixer na empleyado ng Quezon City Hall.
00:55Nag-aalok daw itong maglakad ng mga permit pero nang huhut-hot at nananakot pa.
01:00At ang mga papeles, peke!
01:02Ang isang biktima niya, nalagasan ng mahigit apat na milyong piso.
01:07Yan ang exclusive report ni Katrina Son.
01:09Nakunan sa cellphone videong ito ang dalawang babae sa loob ng isang restaurant sa Quezon City.
01:18Ang isang babae nag-abot ng brown envelope sa kausap.
01:22Umalis saglit ang babaeng inabutan ng sobre.
01:25Pero pagbalik, nilapitan siya at hinuli ng mga operatiba.
01:29Suspect siya sa umanoy pangingigil at pagbibigay ng pecking permits mula sa Quezon City LGU.
01:39Ang laman ng sobre, marked money na nasa 800,000 pesos.
01:45Sumbong ng biktimang si May, nagpakilala raw na taga City Hall ang suspect.
01:50At handa raw lakarin ang permit na kailangan para ma-renovate ang kanilang dialysis center na nagsara nitong pandemic.
01:57Sabi po niya, ay ano, tamang-tama dahil malakas ako sa City Hall, sa accounting department ako nagtatrabaho.
02:03Ako yung humahawak ng payroll ng mga tiga City Hall.
02:06Nagtiwala raw siya sa kagustuhang matapos agad ang renovation.
02:10Pero panay raw ang hingi sa kanila ng pera na umabot na sa mahigit apat na milyong piso.
02:16Pinipilit na rin umano silang mag-advance ng renewal ng permit.
02:20Kung hindi, baka ipasara raw ang dialysis center.
02:23Dahil nagdududa na si May.
02:25Pina-verify niya sa Quezon City Hall ang hawak nilang permit galing sa sospek.
02:30Doon, nakumpirmang peke ang mga dokumento.
02:34Para po kaming, ano, mahihimata hindi.
02:38Kasi po, niloon lang po kasi namin yung yung mga binayad po sa kanya.
02:44Wala na po kami ang trabaho nung kapatid ko kasi kami nagtatrabaho.
02:48Yung life savings po, pamilya namin ang pano po doon.
02:53Napagalaman din nilang nagtatrabaho ang sospek bilang accounting aid 3 sa accounting department ng City Hall.
02:59Ayon sa mga otoridad, matagal na raw itong ginagawa ng sospek.
03:03Sinisiyasat din kung may kasabwat siya sa City Hall.
03:06Pag natunogan niya yung isang building ay nagpaparenovate o kailangan isang permit, lalapitan niya.
03:12Tapos mag-offer siya ng...
03:15Mag-assess siya, mag-assess, mag-process na lahat ng dokumento.
03:18Tapos hihinga niya ng pera.
03:22Tapos una, ratakutin niya muna na ito ay malaki ang penalty nyo.
03:26Tumangging magbigay ng pahayag sa amin ang sospek na nahaharap sa mga reklamang robbery extortion at estafa.
03:32Giit ni Quezon City Mayor Belmonte, hindi nila kinukonsinte ang korupsyon at hindi kailangan ng fixer para kumuha ng permit sa City Hall.
03:41Katrina Son, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:46Walang kawala sa mga operatiba ng NBI Violence Against Women and Children Division ang target nilang lalaki sa Marilaw, Bulacan.
04:01Kayo po ay ina-aresto namin sa salang maglaba ng RA-11 of B-0 or online sexual abuse and abuse of children.
04:11Naaktuan siya ng mga dayuwang undercover na nag-aalok ng live show ng mga bata.
04:16Nasa GIP ang babaeng pamangkin ng sospek at apat pang bata na edad pito hanggang labing dalawa.
04:22Para rumahay kahit ang mga bata sa online kalaswaan, binibigyan sila ng pagkain at pera hanggang 20 pesos.
04:29Ginagamit niya po yung mga bata para kumita siya sa papamagitan ng pagli-live show or pinapahubad niya yung mga bata.
04:40Sumasailalim sa psychological counselling ang mga bata.
04:43Ikinasa ang operasyon nang makuha na ng madalaswang video ng mga bata galing sa Pilipinas ang isang US citizen na nahuli sa Amerika.
04:50Nakita rin sa cellphone ng sospek ang mala sex tourism na alok niya sa mga parokyano.
04:55Iniimbitahan niya pa yung foreigner na pumunta sa Pilipinas para physically ma-abuse yung bata.
05:04Ang suspect na sinusubukan pang makuha na ng reaksyon na aharap sa mga reklamang paglabag sa anti-online sexual abuse or exploitation of children law at human trafficking.
05:14Sa isang hospital sa Tarawan, Matangas, hinunin ng mga taga PNP Women and Surgeon Protection Center ang isang nanay na ibinibenta raw ang dalawang anak.
05:23Nabawi sa kanya ang mga paslit na isang taong gulang at sanggol na 2 weeks old.
05:28Itong si Andre Cover will pay po si seller ng 25,000 as payment for the hospital bills and the remaining as payment po doon sa pag-adapt doon sa baby is 20,000.
05:40Napilitan lang ako kasi gusto ko mabayaran yung bill namin.
05:44Ang penalty po na impossible dito is pwede pong life imprisonment depende po doon sa gravity ng offense natin.
05:50Hindi lang po yung nagbebenta, nagbebenta ng baby ang merong napaparusahan dito but also yung may bili po ng mga babies na wala po sa proseso.
06:02Nasa pangalaga ng DSWD ang mga bata, ang nanay, sinampahan ng paglabag sa Trafficking in Persons Act at iba pang reklamo.
06:11John Consulta, nagbabalita para sa GMA Indigrated News.
06:15Isang patay na sanggol ang natagpuang palutang-lutang sa creek sa Cagayan de Oro City.
06:24Kwento ng mga residente, nakarinig pa sila ng iyak ng bata bago natagpuan ang sanggol.
06:30Iniimbisigahan na ng mga autoridad kung sino ang ina ng sanggol.
06:34Kung mapatunay ang kagagawa nito ang nangyari sa sanggol.
06:38Pusibling ireklamo ng infanticide ng ina at mga pusibling kasabwat.
06:45Sa Dagupan City, babaeng pitong taong gulang ang natagpuang patay sa dalampasigan.
06:50Walang saplot ang Bikimang ginilitan at nakasilid pa sa garbage bag.
06:55Ang Bikimang ay kinilala ng mga kaanak.
06:58Napaulit siyang nawawala kahapon.
07:00Ayon sa mga pulis, pusibling kakilala o kaanak nila ang dumukot sa bata.
07:06Patuloy ang investigasyon.
07:07Barko ng China Coast Guard na mataan umano sa labas ng Manila Bay.
07:18Base sa post ng American Defense at Maritime Analyst na si Ray Powell.
07:22Aniya hinihintay daw ng China Coast Guard Vessel 3306
07:26ang paglabas ng BRP Cape San Agustin ng PCG
07:29na naatasang magpatrolya sa baho di Masinlok.
07:32Ayon naman sa PCG, sa bandang sambales na mataan ang barko ng China
07:37at nataboy rin ito ng BRP Cape San Agustin.
07:43Sa look Occidental Mindoro, nakuha ng PCG ang umano'y debris
07:47ng rocket ng China na unang nadiskubre ng mga manging isda.
07:51Pinaniniwala ang galing ito sa long March 7A rocket na pinalipad noong Hulyo
07:56lalot may nakaimprenta rito ng watawat ng China.
08:02Political Officer ni Sen. Robin Padilla na si Nadia Montenegro
08:06pinag-leave of absence ng tanggapan ng senador
08:10hanggang matapos ang imbestikasyon sa hinalang may nagmariwana sa Senado.
08:15Nauna nang itinanggi ni Montenegro ang aligasyon
08:17pero pinayuhan siya ng kandilang Chief of Staff na magpa-drug test.
08:22Sinusubukan pa namin makuhana ng pahayag si Montenegro.
08:25Dahil sa insidente, iminungkahin ni Sen. Minority Leader Tito Soto
08:29na mag-random drug test ulit sa Senado.
08:33Hilihinga namin ng pahayag si Sen. President Chief Escudero
08:36na nauna nang iniutos na siya sa atin ang insidente.
08:40JP Soriano, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:46Siyab na pong araw na suspendido ang lisensya ng driver ng SUV
08:49na tumagos sa lobby ng Manila Central University o MCU sa Kaloocan.
08:55Pinagpapaliwanag din siya ng Land Transportation Office.
08:59Pito ang sugataan sa disgrasya kabilang ang anim na estudyante.
09:03Apat sa kanila ay minor de edad.
09:05Ayon sa pulisya, napaka ng driver na edad 70 ang silinyador
09:09kaya siya humarurod.
09:11Pinabulaanan nito ng driver at iginiit na naglokoraw ang sasakya niya.
09:16Hawak na siya ng Traffic Accident Investigation Unit ng Kaloocan Police.
09:21Wala pang pahayag ang MCU.
09:24Natupok ang isang bahay sa Nueva Vizcaya
09:27na nauwi sa pagkamatay ng walong alagang aso.
09:30Naging literal na pasabog naman ang masaya sanang pagubukas
09:34ng isang restaurant sa Buhol dahil bigla itong sumabok.
09:38May report si Emil Sumang.
09:39Kuha ito kaninang pasado alas dos ng madaling araw sa Tagbilaran, Buhol.
09:47Sumabog ang isang restaurant na mag-grand opening pa naman ngayong araw.
09:52Bagsak ang kisam at nagkalat ang mga bubog.
09:54Damay ang mga katabing establishmento.
09:56Lagpas isang oras ding nawala ng kuryente sa paligid.
09:59Walang nasaktan sa pagsabog na inaalam pa ang sali.
10:02Sa Tabuk City, Kalinga, isang kantinang natupok.
10:05Dakil, gawa sa light materials, ang kainan.
10:08Mabilis kumalat ang apoy.
10:09Batay sa paunang investigasyon ng Bureau of Fire Protection,
10:11Overloaded na electrical outlets ang sanhinang apoy.
10:15Walang nasaktan sa sunog.
10:17Umabot sa 216,000 pesos ang kalaga ng pinsala.
10:21Sa Bagabag, Nueva Vizcaya, hindi lang takanan at mga paninda
10:24ang nawala sa isang pamilyang nasunugan.
10:26Namatayan pa sila ng walong alagang aso.
10:30Batay sa investigasyon ng BFP,
10:32nagmula ang apoy sa nag-overheat na ventilador na
10:34nakatutok sa alaga nilang Shih Tzu at pitong tuta nito.
10:39Ayon sa BFP, ang nanay na Shih Tzu,
10:42ang unang sinagip ng may-ari pero nang nasa labas na sila,
10:45tumalo ng aso at bumalik sa nasusunog na bahay.
10:48Mabilis na kumalat at lumaki ang apoy.
10:50Dahil luma na ang inuupakan nilang bahay.
10:53Emil Sumangil, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:56Ilang probinsya sa Mindanao ang inulan dahil sa habagat at thunderstorm.
11:07Bago bumuho sa malakas na ulan,
11:09kaninang umaga naging makulimlim sa bayan ng Parang sa Sulu.
11:13Naging alerto ang mga residente, lalo ang mga nasa coastal area.
11:17Nakaranas din ng malakas na pagulan ng ilang bahagi ng bonggaw sa tawi-tawi.
11:21Sa Cagayan de Oro City, mahigit 600 individual naman nang lumikas ng magpabaha
11:28ang pag-apaw ng Ipuanan River resulta ng walang tigil na pagulan.
11:34Samantala, as of 8pm, isang bagong low-pressure area
11:38ang nabuo sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
11:42Ulitong namataan ang pag-asa, 655 kilometers west ng Olongapo City.
11:47Sa ngayon, pababa pa ang chance na nang maging bagyo sa susunod na 24 oras.
11:53Pusible naman ang mga pagulan ngayong weekend sa malaking bahagi ng bansa
11:57dahil sa habagat at thunderstorms.
12:03Kapuso primetime queen Marian Rivera,
12:06na nagdiriwang ng 20th anniversary sa showbiz,
12:09nagbalik-tanaw sa mga naging proyekto mula 2005.
12:11Mula sa iconic Marimar at Jezebel Rules,
12:18sa transformation niya bilang si Darna,
12:21hanggang sa box office hit films na Rewind at Malota.
12:26Labis daw ang pasasalamat ni Yan Yan sa dalawang dekadang pagsuporta at pagmamahal ng fans.
12:33PBB boys Brent Manalo at Will Ashley, cover ng isang fashion magazine.
12:38Michael Sager, featured naman sa digital billboard sa South Korea.
12:45Duet ni na Shubi Etrata at Ralph De Leon sa isang event kinakilikan.
12:50Grateful daw si Shubi sa mga shippers nila pero...
12:53Ralph and I have been talking a lot about it.
12:56So, um, we know naman our boundaries.
13:00Of course, he has a love team.
13:03So, I don't wanna, you know, I don't, to disrespect them.
13:07But if there's a project po for us, why not?
13:10Jillian Ward sumalang na sa first day taping ng upcoming project na Never Say Die.
13:16Reunited din siya sa kanyang BFF na si Rahil Birria
13:19na dati na niyang nakatrabaho sa abot kamay na pangarap at mga batang rilis.
13:24Makakasama rin nila sa action drama series si pambansang ginuod, David Licauco.
13:31OJTGIS Barkada reunited sa 800th episode ng Family Feud.
13:36Nelson Canlas nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:40Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
13:43Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.

Recommended