Skip to playerSkip to main content
Good news sa mga lolo't lola dahil puwede na ring ma-access ang senior citizen I.D. sa inyong gadgets! 'Yan ang inilunsad na digital senior citizen I.D na magagamit sa pagkuha sa mga benepisyo, diskuwento at ibang serbisyo tulad ng physical senior citizen I.D.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Good news po sa mga lolo at lola, pwede nang ma-access ang Senior Citizen ID sa inyong gadgets.
00:07Yan ang inilunsan na digital Senior Citizen ID na magagamit sa pagkuha sa mga beneficyo, diskwento at ibang servisyo.
00:14Tulad po ng physical Senior Citizen ID.
00:17Nakatutok si Oscar Oida.
00:18Para sa 69 anyos na si Aling Consuelo, extra challenge ang madalas na pagbitbit ng mga kung ano-anong dokumento na kinakailangan para ma-enjoy ang kanyang Senior Citizen Benefits.
00:35Minsan nga raw, nasa butika na siya para bumili ng kanyang gamot, di naman pala niya dala ang kanyang Senior Citizen ID.
00:43Kasi po, kinakailangan laging isa-isip natin yung ating mga gagawin, dadalihin.
00:49Ngayon, kumunga ma-edad na nalilimutan.
00:52Pero good news para sa mga gaya ni Aling Consuelo.
00:55Kaninang umaga lang, pinangunahan ng Department of Information and Communication Technology o DICT at National Commission of Senior Citizens
01:04ang paglulunsad ng Digital National Senior Citizens ID o NSCID sa pamamagitan ng eGovPH super app.
01:13Layunin ang programang ito na gawing mas madali para sa mga senior citizen ang pag-access sa kanilang mga benepisyo,
01:20diskwento at servisyong pangkalusugan na hindi na kailangan ng madaming pisikal na dokumento.
01:27Kaya this program, mapapadali yung kanilang application at pag-access upang masiguro ang kanilang benefit ay maibibigay sa kanila.
01:37Yung may mga eGovPH app na wala na daw kailangan gawin.
01:42Automatic na magkakaroon daw ng Digital National Senior Citizens ID sa app pagpatak ng kanilang senior year.
01:50Di na kailangan ng karagdagang registration.
01:54Yung mga physical ID naman ay maaari pa rin naman umanong magamit.
01:57Napakaganda dahil ito ay ayon sa mga senior citizen ay malilimutin.
02:06So palagi nilang dala ang cellphone nila, ipakita lang, pakakabili ng gamot, pakakakain ng wage discount.
02:15Through eGovPH na app natin with DICT ay pwede na pong magsumbong doon pagka meron silang mga problema sa iba ba like violence against older persons.
02:30So isa yan sa mga services na aabangan niyo po.
02:33Sabi naman ang DICT, umpisa pa lang ito pagkat isusunod naman daw nila ang iba pang sektor ng lipunan tulad ng mga PWD.
02:42Para sa GMA Integated News, Oscar Oida nakatutok, 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended