00:00Samantala, iginiit ni National Security Advisor Eduardo Año na hindi magpapatinag ang Pilipinas sa pagsusulong ng ating karapatan sa West Philippine Sea.
00:10Ito'y sa kabila ng mga agresibong aksyon ng China.
00:13Ayon kay Año, hindi magpapasindak ang Pilipinas sa harap ng tumitinding hakbang ng China,
00:19particular sa Bajo de Sinloc, lalot na sa tama ang Pilipinas.
00:23Sa kabila nito, nanindigan din ang opisyal na hindi mag-uumpisa ng gulo ang ating bansa para maisulong ang ating soberanya at sovereign rights.
00:33Samantala, nilinaw ni Año na ang Armed Forces of the Philippines ay mananatiling nakasuporta sa PCG at BIFAR na nagpapatupad ng law enforcement sa ating teritoryo.
00:44Binigyan din niya ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na manathiling kalmado at gawin ang mandato,
00:52lalo na ang pagprotekta at pagsuporta sa ating mga kababayang mangingisda.