Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 4 days ago
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Malakas na hangin at ulan ang naramdaman sa ilang bahagi ng Batanes dulot ng paglapit doon ng Bagyong Goryo.
00:10Ang iba pang lugar sa bansa binaharin dahil naman sa habagat at thunderstorms.
00:14Balitang hati ni Jomera Presto.
00:21Kulay putik ang rumaragas ang bahas sa Ginobatan Albay kahapon.
00:25Sa kuha ni Yus Cooper Lerly Bangayan, kita ang mabilis na agos ng tubig.
00:30Stranded daw ang ilang motorista dahil sa baha.
00:32Ayon sa pag-asa, ang pagulan sa Albay ay dahil sa thunderstorm at hanging habagat.
00:38Malakas na hangin at ulan naman ang namerwisyo sa iba't ibang bahagi ng Batanes.
00:42Nakuhanan ito ni Yus Cooper Len Balon sa bawil sa bayan ng Basko.
00:47Dahil sa masamang panahon, malakas din ang alon.
00:49Halos ganyan din ang eksena sa bayan ng Sabdang.
00:52Nakaranas naman ang rockfall sa ilang kalsada ng Mahataw at Ivana sa Batanes.
00:58Pinaiwas muna roon ang mga motorista para iwas disgrasya.
01:02Putik naman ang humambalang sa kalsada sa bayan ng Uyugan.
01:06Isa ang Batanes sa mga nakaranas ng masamang panahon na dulot ng Bagyong Goryo ayon sa pag-asa.
01:11Nagkaroon naman ang flash flood sa Talisay, Cebu.
01:18Makikita pa ang pagragasan ng tubig sa pababang bahagi ng kalsada sa barangay Manipis.
01:23Ayon sa mga residente, inabot na mahigit isang oras bago humupa ang baha roon.
01:28Pinasok pa ng tubig ang ilang bahay.
01:30Ayon sa barangay, hanggang tatlong daang residente ang apektado ng baha.
01:35Sa pagbaha naman sa Tampakan, South Cotabato, dalawang lalaki ang nasawi.
01:40Base sa investigasyon, patawid sa sapa ang mga lalaki nang tangayin sila ng tubig.
01:45Tinamaan sila ng mga bato sa iba't ibang bahagi ng katawan na kanilang ikinamatay.
01:49Nakaligtas naman ang isa nilang kasama.
01:52Pinasok naman ang baha ang isang paralan sa Pagalungan, Maguindanao del Sur.
01:56Pati ang mga daan papunta sa paralan binaharin.
01:59Ayon sa pag-asa, hanging habagat ang nagpaulan sa Visayas at ilang bahagi ng Mindanao.
02:05Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended